Caged 42

663 27 8
                                    

Chapter 42

} - • ◇ ■  > UNEDITED < ■ ◇ • - {

---

Jaime is already dead.

At wala manlang akong nagawa para iligtas siya.

Isang malakas na tawa ang narinig ko kaya napatingin ako sa taong pumatay kay Jaime. I can tell that he's a guy based on his voice. Matangkad at parang hindi normal ang height niya. Naka-suot din siya ng malaking cloak na itim kaya hindi makita ang buong mukha niya. His left arm is a sharp-long-metal.

"Mahihinang nilalang!" Pang-iinsulto ng kalaban namin sabay tawa ng mapang-asar.

"Sino ka?! Anong pakay niyo rito?!" Malakas na sigaw ni Rykee sa gilid ko.

Tumawa ulit ng malakas ang kaharap namin at naglakad ng dahan-dahan. Sobrang mabigat ang paglalakad niya at masasabi mo talagang parang nababalot ng metal ang buong katawan niya.

"Hindi niyo kailangang malaman kung sino ako, at iisa lang naman ang pakay namin dito, at 'yun ay ang kasama mo."

Tinuro ako ng nilalang pero walang lumabas na kahit anong pagkagulat sa mukha ko. Pero, bakit ako?

"Anong kailangan niyo sa kanya?!" Tanong ulit ni Rykee at lumipat sa harapan ko.

Seems like he is really ready to protect me. Sobrang tapang niya at halatang wala siyang pakialam sa kung ano man ang mangyari. Who is this guy? Related ba kami sa isat-isa?

Tumawa lang ng malakas ang kalaban namin habang ibinabangga ang kamay niyang metal sa sahig.

"Kailangan siya ni Lord Aeneas. Kailangan siya naming makuha sa ayaw at gusto niyo!"

"Nasan siya? Nasan ang Aeneas na 'yan!" Galit na sigaw ni Rykee.

Medyo nagulat ako sa sigaw niya. Bigla kasing nagbago ang awra niya nang marinig niya ang pangalan ni Aeneas. Bakit? Bakit ganon ang naging reaksyon niya?

"Tumahimik ka! Matagal nang naghihintay si Lord Aeneas sa kanya. Kaya umalis ka diyan sa harapan niya bago pa kita mapatay!" Nakakatakot nitong sigaw.

Pero, sa halip na umalis ay nanatili si Rykee sa harap ko. Nakita ko ang pag-kuyom ng dalawa niyang kamao. Ngayon naman ay may lumalabas na liwanag sa buong katawan niya pati na rin sa dalawa niyang kamay. He's not on his natural self. Nagbabago siya.

Napatayo ako ng mabilis na sumugod ang kalaban namin kay Rykee. Pero nagulat ako ng bigla nalang huminto ang paglapit nito at parang napako ito sa sahig at hindi makagalaw. Itinaas ni Rykee ang kamay niya at agad na lumipad papuntang ibabaw ang kalaban niya. Maya-maya pa ay bigla nalang lumabas na malaking itim na butas na parang portal sa itaas. Kasabay ng paglaho ng portal ay naglaho rin ang kalaban.

Nawala ang liwanag sa katawan ni Rykee at humarap siya sakin. Nakatulala akong napatitig sa kanya dahil sa nangyari. Sobrang lakas ng ability niya at hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ano? Tititigan mo nalang ako buong araw? Hindi ba natin kukunin ang kaibigan mo?" Inis na tanong niya. Naging normal ulit ang hitsura niya dahil wala na ang liwanag na lumalabas sa katawan niya.

Agad na napabaling ang tingin ko sa duguang katawan ni Jaime. Nakatusok parin ang mahabang metal sa katawan niya at hindi ko alam ang dapat na gawin.

Mabuti nalang ay may ability si Rykee na kayang magpalutang ng bagay o kahit na sino at dalhin sa kung saan man na lugar.

Dahan-dahan niyang kinuha si Jaime sa metal at ibinaba. Lumuhod ako sa gilid ni Jaime at agad ko siyang chineck baka pwede pang maagapan, pero wala na talaga. Wala ng buhay si Jaime.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon