Caged 11

1K 67 10
                                    

Chapter 11

"Ally, I'm scared," Mecca whispered between her sobs.

"Shhh, wag kanang umiyak Mecca. Sigurado akong walang gagawin na masama si Doctor Barbara sa atin," I said while tapping her back.

Narito kami ngayon sa loob ng control room. Noon nagtataka kami kung ano ang hitsura nito, ngayon naman ay kinakabahan kami kasi narito kami ngayon sa loob dahil sa kasalanang ginawa namin.

"I shouldn't have done that," biglang salita ni Xing Che sa kalagitnaan ng katahimikan.

"It's not your fault Xing, afterall tayong tatlo parin naman ang gumawa no'n," ani ko sa kanya.

"Pero, ako parin ang nag-pumilit sa inyo na nakawin ang librong iyon," she said at yumuko.

Alam kong kanina pa siya hindi mapakali at inaako na niya lahat ng kasalanan namin. Pagkatapos kaming mahuli sa loob ng book club kanina ay ideneretso kami rito ni Doctor Barbara.

Hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil alam kong hindi naman nila kami bibigyan ng grabeng parusa dahil lang sa ginawa namin.

"Kahit naman hindi mo kami pilitin na sumama sa iyo, sasama parin naman kami," I said habang nakangiti sa kanya.

Sa 1 week na pagsasama namin ay naka-buo agad kami ng friendship na tatlo. I somehow know their personalities na rin base sa nao-observe ko sa kanila. Emotional masyados si Mecca at mahina pagdating sa ganito, si Xing Che naman 'yung tipo ng babae na matapang tignan pero, mahina talaga ang loob at madaling ma-attached sa mga tao.

Kaming tatlo lang naman ang babae sa class namin kaya madali lang kaming nakapag-click sa isat-isa.

"Ang boys.." mahinang saad ni Xing.

"What about them?" Tanong ko.

"Hindi pa nila alam itong nangyayari sa atin," ani agad Mecca.

I stared at them both dahil sa sinabi nila.

Kahit malaki itong room at naka-upo kami sa gitna ay ramdam ko ang lungkot nilang dalawa. Oo nga pala, hindi parin alam ng boys ang nangyayari sa aming tatlo at itong kagaguhan na ginawa namin.

"I'll explain it to them then," ani ko.

They both look at me with awe.

"Are you sure? Natatakot ako sa sasabihin ni Senior Seb, ayaw na ayaw niya na may napupunta sa amin sa control room," mabigat na saad ni Xing Che.

Siguradong-sigurado siya sa sinabi niyang iyon. And I think ito rin ang dahilan kung bakit siya natatakot ng husto.

"Why is that? I don't think Senior will scold us just because of a certain book," natatawang kong tugon.

Xing Che look at me and let out a heavy sigh.

"The last time na napunta si Jaime at Keller sa control room dahil sa away, grabe ang galit ni Senior sa kanila noon. He even said na tanggalin sila sa class 1D dahil sa inasal nilang dalawa," she said. "Senior Seb value his class so much to the point na ayaw na ayaw niya na may nag-aaway sa amin."

Imbes na matakot ay natuwa ako sa sinabing iyon ni Xing. I smiled at the idea of Seb while scolding us. Ewan, natatawa ako. Pinagalitan na niya ako pero, iba ata 'yung nafe-feel ko ngayon.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng control room. Iniluwa nito si Doctor Barbara kasama ang tatlong guards.

Naramdaman ko ang pag-lunok nilang dalawa ng laway matapos makita ang naglalakihang guards sa harap namin. Tumaas ang kilay ni Doctor Barbara at umupo sa upuan na nasa harap namin. Ngayon ay nakatingin kaming tatlo sa kanya at hindi ko mawari ang iniisip niya.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon