Chapter 2

2.4K 69 0
                                    


NANINGKIT ang mga mata ni Phoenix at naramdaman niya ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa ulo niya. Nagdilim ang paningin niya. "Ano'ng ginagawa mo dito, Vance?"

Ibinuka nito ang kamay. "What kind of question is that? I live here. Nagmamadali nga akong umuwi nang malaman kong nakauwi ka na ng Pilipinas."

At masayang-masaya naman siyang umuwi ng Pilipinas sa pag-aakala niyang hindi sila magkikita. Nasa Macau ito para sa isang conference nang dumating siya isang linggo na ang nakakaraan. Ayon sa Tito Mauricio niya ay pupunta rin ito sa New York para naman magbakasyon.

"Bakit nandito ka na agad?" Tatlong linggo daw itong mawawala. Akala niya ay sapat na iyon para magkaiwasan sila pero di pala siya ganoon kaswerte.

"I canceled my vacation," sabi nito at ibinuka ang mga kamay. Nanigas ang katawan niya nang yakapin nito. "Alam ko naman miss na miss mo na ako."

Itinulak niya ito nang maramdaman ang kakaibang init na lumukob sa kanya nang yakapin siya nito. "Yuck! Baka kung kani-kanino mo pang babae iniyakap iyan. Mahawaan pa ako ng bacteria mo."

"Buti nga tiniis kitang yakapin kahit na," inamoy nito ang buhok niya, "amoy mummy ka na rin."

Nanlaki ang mata niya. "You!"

Mariing nagdikit ang labi niya at pinigilan ang sarili na maging bayolente dito. Kung may tao sa mundo na gusto niyang huling makita, si Vance iyon. Naulila itong inaanak ng kanyang Tito Mauricio. Matanda sa kanya ng apat na taon. Labing-apat siya nang ampunin ito. Eighteen years old na si Vance noon. Guwapo, makisig, arogante at masyadong paborito ng tiyuhin niya. At simula noon ay naiirita na siya sa atensiyong ibinibigay dito ng kanyang tito.

Gaya ni Vance ay ulila na rin siya. Namatay ang kanyang Mama na kapatid ni Mauricio noong labindalawang taong gulang siya. Samantalang ang kanyang ama ay hindi pa niya nakikita.

Sa loob ng maraming taon ay mistula silang aso't pusa ni Vance. Walang sinabi ang giyera ng Israel at Palestine. Hindi niya ito kayang pakisamahan. Lagi na siya nitong kinokontra. Palibhasa'y nuknukan ng yabang at napaka-pakialamera. Tawag niya dito ay straw. Grabe kasi kung magpabibo sa tiyuhin niya. Hindi lang ito basta sipsip. Higop ito.

Natigil lang ang bangayan nila sa panahong nasa ibang bansa siya at nag-aaral. Pero ngayon ay balik na naman sila sa dati. Ito ang pangunahing rason kung bakit ayaw na niyang tumagal sa Pilipinas.

"Bakit hindi yata kita narinig na dumating? Don't tell me nagsa-aswang ka?" tanong ni Phoenix at humalukipkip.

"Hindi mo talaga ako mapupuna dahil mukhang engrossed na engrossed ka sa pakikinig kay future mayor," tukoy nito kay Fred.

"K-Kanina ka pa nakikinig dito?" Namaywang siya at ikiniling ang ulo. "Tsismoso ka na rin pala ngayon."

Si Vance ang chu-chu ng tiyuhin niya noon kaya naman hindi siya natutuloy na lumabas kasama ang mga kaibigan niya. Hindi niya naranasang um-attend ng parties or maligawan ng crush niya dahil dito. Panira ito sa kabataan niya at kaligayahan niya.

She had always been a good girl. Focus siya sa pag-aaral. Walang mairereklamo doon ang tiyuhin niya. Pero oras na bumuka ang bibig ni Vance ay nag-iiba na ang tingin sa kanya ng tiyuhin niya. Parang lagi na lang siyang may mali at madalas ay ito ang pinaniniwalaan ng tiyuhin niya kaysa sa kanya. Kaya lagi silang nag-aaway. Kaysa naman lagi silang magbangayan at sa huli ay pasamain lang ang loob ng tiyuhin niya ay nagdesisyon na lang siyang lumayo.

Kaya rin niya pinili na mag-aral sa ibang bansa at tanggapin ang scholarship ay para hindi na siya nito sundan-sundan pa. At tinatamasa niya ang kalayaan niya sa loob ng ilang taon dahil wala ito sa buhay niya.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now