Chapter 25

1.3K 32 0
                                    

May dalawang goal post sa magkabilang dulo ng maliit na field. Sa isang hudyat ay nagsimula na ang laro. Nagulat si Phoenix sa bilis ng galaw ng mga bata. Drat! Kumurap lang siya ay naglaho ang batang binabantayan niya. Nagawa nito na manipulahin ang bola at lagpasan siya.

Naipilig niya ang ulo at tumakbo. Kinakalawang na yata siya. Magagaling ang mga kakampi ni Vance. Pero nang pasahan ito ng bola ay napakadali para sa isa sa mga batang kakampi niya na agawan ito.

Nawala ang lungkot na nararamdaman niya nang maipasa sa kanya ang bola. With a flick of her left foot, the ball found its home at the goal.

Pinagkulumpunan siya ng mga kakampi niya. Nakita niya ang pagkamangha sa mukha ni Vance habang nakatingin sa kanya. "One-zero," nakangising usal ni Phoenix at isinenyas sa kamay niya ang score.

Nakita niya ang determinasyon sa mukha ni Vance nang sumunod. He tried to be more aggressive. Subalit dahil wala naman itong karanasan na maglaro ay naagawan na ito ng bola ng paulit-ulit. Parang ayaw na nga itong pasahan ng bola ng mga kakampi nito. Nakikita niya ang frustration at lungkot sa mukha nito.

"Kaya mo pa ba?" tanong niya.

"Oo naman." Subalit nahihimigan niya ang inis sa boses nito.

Sino nga ba naman ang maasar? He was forced in a game he was not used to with several kids and a woman. Tapos ay lagi pa itong naaagawan ng bola. Wala ring kahirap-hirap ang mga batang players na i-tackle ito. Mistula itong lampa at walang silbi. Malaking kahihiyan nga naman iyon sa katulad nitong guwapo at makisig. Mga bata lang ang magpapabagsak dito. Naaawa din naman siya dito pero hindi ba't ito ang may gusto ng kiss. Pwes, paghirapan nito ang halik niya.

"Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kung ayaw mo," sabi ni Phoenix.

Tumiim ang anyo ng binata. "Makaka-goal ako. Huwag ka lang masyadong excited."

"Okay..." nakangisi niyang wika at bumalik na sa mga kakampi niya.

Sinipa ng kakampi ng binata ang bola patungo sa goal. Subalit sa halip na sa direksiyon ng goal mapunta ang bola ay papunta sa mukha ni Vance ang bola.

Nanlaki ang mata niya. Alam niya kung gaano kasakit ang tamaan ng bola sa mukha. "Vance!" tawag niya sa pangalan nito. Subalit huli na. Nasapol ito ng bola sa mukha bago pa nito tuluyang maipaling ang ulo nito.

Nagulat si Phoenix nang humaginit ang bola sa ibabaw ng ulo ng goalkeeper at gumalaw ang net nang pumasok ang goal.

"Goal!" sigaw niya at natagpuan na lang niya ang sarili na sinusugod ng yakap si Vance. Nauhan pa niya itong yakapin kaysa sa mga kakampi nito.

Nagulat ang binata. "Naka-goal ako?" tanong nito.

Hinawakan niya ang pisngi nito. "Oo. Naka-goal ka."

Parang ayaw pa rin nitong maniwala. "Paano nangyari iyon? Sobrang sakit nga ng mukha ko."

"Basta naka-goal ka," aniya at hinawakan ang balikat nito. Kung tutuusin ay tsamba lang iyon pero napakaganda ng pagkakapasok ng bola. "That was a classic. Sayang lang at walang replay."

"Gusto mo pa ng replay. Masakit masampal ng bola," angal nito.

"Ang galing mo, Kuya," wika ng mga bata. Pati ang mga kakampi niya ay masayang nakiyakap dito.

"Astig ang goal na iyon," sabi ng forward ng team niya. "Turuan mo ako, Kuya."

"Natsambahan ko lang iyon. Hindi masayang goal ang isang iyon. Masakit sa mukha. Pero maraming salamat sa pagsasabing astig ako," sabi nito at nakita niya ang pagmamalaki at saya sa mukha nito. He accomplished something.

Inilapat ni Phoenix ang palad sa likod ni Vance. "Doon muna tayo sa gilid. Kailangan lagyan ng aloe vera ang mukha mo. Kailangang isalba natin ang kaguwapuhan mo." Umupo sila sa malilim na bahagi sa gilid ng damuhan. Inilabas niya ang aloe vera gel at maingat na pinahiran ang mukha nito. Namumula na iyon at bakas pa ang bola. "That was a nice goal. Parang ikaw si Chicharito."

"Sino iyon? Kapatid ng umimbento ng Chicharon?" tanong nito.

"May kakornihan ka doon," pakli ni Phoenix dito. "Pasalamat ka masakit ang mukha mo kung hindi nakaisa ka na sa akin."

"Malay ko ba naman kasi kung sino si Chicharo... Chicha..."

"Si Chicharito or Javier Hernandez ay isang Mexican football player. Ang sabi ng marami ay hindi naman daw siya magaling na player. Average lang. Maswerte lang siya kapag may dumadating na bola ay bumabagsak na lang sa paa niya o kaya tiyempong masisipa niya at papasok na ang bola. Basta magaling ang timing niya kanina. Nang tumama ang bola sa mukha mo at naka-goal, isa iyan sa pinakasikat niyang goal."

Humalakhak si Vance subalit naputol agad. "Masakit sa mukha ang tumawa ngayon. But I can say that the Chicharon guy is crazy."

"Chicharito nga," pagtatama niya dito.

"Nakakatawa pala ang football na iyan. Sino ba naman ang makakapagsabi na pagtama ng bola sa mukha ko ay makaka-goal ako. Kung naka-goal ako, ibig sabihin may reward akong kiss."

Tumango siya. "Oo naman."

"I want that kiss now."

Demanding much ang lalaking ito. Pero okay lang. He deserved a peck on the forehead and cheeks or even a smack on the lips for that awesome goal. Para makabawi naman ito sa bakat ng bola sa mukha nito.

Lumuhod si Phoenix sa harap nito at naghandang gawaran ito ng premyo nitong halik. "Okay."

"Hindi na naman halik-apo ang gagawin mo sa akin. I demand a more sensual kiss. Minimum of five minutes."

Nanlaki ang mata niya. "Ano? May mga bata dito."

Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ng binata. "Tatakpan natin ng dahon ng saging para hindi nila makita." At may kislap ang mata nitong tiningnan ang puno ng saging na nakatirik di kalayuan sa kanya.

Iniikot niya ang mga mata. "Parang ganoon lang kasimple iyon."

He was incorrigible. Ibang klase ang lalaking ito. Paano pa ito makakapag-torrid kiss samantalang masakit ang facial muscles nito. Makadiskarte lang talaga.

Hinapit nito ang baywang niya. "Please? Make me feel better."

Wala na siyang magagawa. Nasaktan naman talaga ito. Five minutes of torrid kiss? Ewan niya kung tatagal ito ng kalahating minuto. Mabilisan lang iyon. Bahagya naman silang nakatago sa mga bata na kasalukuyang abala sa paglalaro ng football.

"Okay." Yumuko siya at inilapit ang mukha dito.

"Ma'am, Sir, handa na po ang hapunan ninyo," narinig niyang sabi ni Aling Betchay dahilan para mahigit niya ang hininga at dali-daling lumayo kay Vance.

"N-Nandiyan na po," sabi niya at nilingon ang tagasilbi ng restaurant na nakatayo limang metro mula sa kanila.

Umungol si Vance. "Nice timing."

Tumayo siya at pinagpag ang binti niya at tuhod na may hibla pa ng damo. "Kain na tayo. Saka ka na umangal."

"This is not over yet. I still intend to claim that kiss." His eyes were intense with a glint of fire. At magbabaga ang apoy na iyon sa loob ng mahabang panahon hangga't hindi niya naibibigay ang gusto nito.

"I know."

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdKde žijí příběhy. Začni objevovat