I Live My Life For You - MIBF Book Signing, Freebies, and Raffle

3.1K 15 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







Matapos makaligtas sa paglubog ng bangkang sinasakyan sa Guimaras, nagdesisyon si Ratchelle na umuwi ng Isla La Carmella para ayusin ang relasyon niya sa magulang niya at pakasalan ang unang lalaking minahal niya na si Vic-Vic. Subalit sa gabing nakatakda na niyang sabihin kay Vic-Vic na mahal niya ito ay idineklara naman nito na ikakasal na ito sa kontrabida niyang pinsan na si Joanne Jean.

Wasak na wasak ang mundo niya nang gabing iyon. At paggising niya kinabukasan ay katabi na niya ang mortal niyang kaaway na si Orion – ang gusgusin at mukhang di naliligong artist na itinatanghal sa buong La Carmella. Underwear lang ang suot niya at hindi niya alam kung anong nangyari sa kanila nang nagdaang gabi.

Kunyari ay patay-malisya na lang siya at tinakasan ito para iwasan ang komprontasyon. Subalit di niya ito magawang takasan nang kumalat sa buong La Carmella ang tungkol sa isang gabing "pagkalimot" nila. Kailangan nitong ibangon ang puri niya kung ayaw niyang masira ang reputasyon niya sa mga magulang niya.

Subalit paano kung di lang puri niya ang plano nitong ibangon kundi plano rin nitong hilumin ang sugat sa puso niya? Lalabanan ba niya ang nararamdaman o bibigay na lang?

***

See you on September 15, guys. Sana may magpakita sa akin doon. If di man kayo makapunta, may chance pa rin naman na magkaroon kayo ng copy ng book ko with sign, freebies and raffle. Just PM MY PRECIOUS TREASURES ON FACEBOOK.

 Just PM MY PRECIOUS TREASURES ON FACEBOOK

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now