Chapter 12

1.3K 38 0
                                    


"PASASAKAYIN mo ako diyan?" nanlalaki ang matang wika ni Phoenix habang nakatitig sa single na motorsiklong nirentahan ni Vance para sakyan nila sa pag-iikot sa El Nido.

"Ano naman ang problema sa motor?" Tinapik ni Vance ang upuan ng motor. "Ito ang pinaka-convenient na sakyan papunta sa Ille Cave. Mabundok iyon at maputik ang daan kaya may area na mahirap daanan ng malalaking sasakyan."

Umiling siya at umurong. "Hindi ako komportable diyan."

"Nakasakay ka nga ng camel at ATV sa disyerto pero hindi ka natakot. Mas delikado iyon kaysa dito sa motor."

Humalukipkip siya. Adventurous siya pero ibang usapan naman ito. Hindi siya komportable sa ideya na aangkas siya dito at kailangang magdikit ang katawan nila habang nakaangkas siya.

"I don't trust you. Malay ko ba kung kaskasero kang magpatakbo ng motor."

"Ipapahamak ba naman kita?" Hinawakan nito ang balikat niya. "You know that I won't do anything to hurt you. Titiyakin ko na mararamdaman mo na ligtas ka. Kapag hindi ka safe sa akin sa palagay mo, pwede naman kitang ikuha ng sarili mong motor at driver. Mas gusto kong sa isang tagadito ang magsakay sa iyo. Hindi mo pa kabisado ang daan kaya hindi kita pwedeng hayaang mag-isa lalo na't hindi naman sementado ang dadaanan natin. Pwede mo ba akong pagkatiwalaan?"

Wala namang choice si Phoenix. Hindi rin naman siya marunong magmaneho ng motor. "Fine. Pero huwag mong lalagyan ng malisya." Pinanlakihan niya ito ng mata. "May isang sapak ka sa akin."

Humalakhak ito. "Phoenix, ano bang palagay mo sa akin? Sex god? Tao lang ako. I can't seduce you while I am driving." Isinuot nito ang helmet sa kanya. "I will behave while we are on the road. Kaya sana mag-behave ka rin."

Ipininid na lang niya ang dibdib at sumakay sa motor. That's was enough giveaway. Ibinuko na rin niya ang sarili na masyado siyang naaapektuhan nito. Humawak siya sa balikat nito para ilayo ang katawan dito.

Nagsimula ang paglalakbay nila palabas ng mahabang dalampasigan ng Las Cabañas. Dumaan sila sa makipot na daan na puro niyugan hanggang makarating sila sa national highway. Wala nga namang pwedeng gawing kahit ano si Vance sa kanya. He was the driver. Siya ang nakahawak dito. Praning lang siya.

Nang makarating sa highway ay humarurot na ng takbo ang sasakyan nito. Mabilis iyon subalit nararamdaman niya ang ingat ni Vance sa pagmamaneho. Hindi niya maramdaman na kaskasero ito. Maya maya pa ay naramdaman na niya ang lamig ng hangin. Nakapatong lang ang sarong sa balikat niya at hindi iyon sapat para proteksiyunan siya sa lamig.

Mula sa balikat ay lumipat ang pagkakahawak niya sa baywang ni Vance. Idinikit niya ang katawan niya dito at noon lang siya nakaramdam ng ginhawa. Sapat rin ang proteksiyong ibinibigay ng katawan nito para hindi siya gulpihin ng hangin.

For years now, she had always been self-reliant. Sa pamumuhay siya sa ibang bansa ay nasanay siyang walang umaalalay sa kanya. Siya lang ang gumagawa ng bagay para sa sarili niya, walang mag-aalaga sa kanya kahit pa may mga kaibigan siya dahil may sariling buhay din ang mga ito. Siya lang din nagpapasaya sa sarili niya at nagpoprotekta sa sarili. She had to comfort herself. And everything she wanted, she worked hard fo it. Iyon ang buhay na pinili niya.

Akala niya ay sanay na siya doon. Pero habang nakayakap siya sa baywang nito at katawan nito ang sumasangga sa hampas ng hangin. He did a lot for her during these past few days. Ibinigay nito sa kanya ang mga bagay na lihim pala niyang hinihiling. That wasn't so bad right?

Ipinikit ni Phoenix ang mga mata. She was on vacation, right? Walang masamang mag-relax. Sa loob ng ilang taon ay walang kapagod-pagod niyang inintindi ang pagiging archaeologist niya. She never saw herself as a woman. Holding Vance like this, he made her feel like a woman.

"Look at the view," wika ni Vance sa kanya.

"Huh?!" usal niya at lumingon siya sa kabilang bahagi ng daan.

Nahigit niya ang hininga nang makitang nasa taas sila ng bundok habang tinatalunton ang kurbang daan. At paglagpas ng kalsada ay nakalatag ang malawak na Bacuit Bay at ang baybayin nito pati ang mga pamosong limestone cliffs. It was breathtaking. Marami na siyang lugar na napuntahan. But El Nido, Palawan amazed her to no end.

"Vance, pwede ba tayong tumigil?" tanong ni Phoenix. "G-Gusto kong kumuha ng picture. O magpahinga tayo kahit na sandali."

"Pwede naman tayong bumalik mamaya o sa ibang araw. Pero sa ngayon ay kailangan na nating makarating sa Ille Cave. Ayokong mainitan tayo sa daan at hinihintay ka na ng assistant head ni Pietro."

"Okay," nausal na lang niya at malungkot na tinanaw ang view na nilagpasan nila.

Gaano kadali sa kanya na malimutan iyon? Saglit lang niyang hinayaan ang sarili na mag-relax sa piling nito ay lumipad na ang mahahalagang sa utak niya. Tama si Vance. May panahon para sa lahat ng bagay. 

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdDonde viven las historias. Descúbrelo ahora