Chapter 7

1.5K 50 0
                                    


Tahimik lang ang loob ng sasakyan maliban sa pagkanta-kanta ni Vance kasabay ng Wave music nan pinatutugtog nito sa kotse. Walang kibo si Phoenix pero kung anu-anong naglalaro sa utak niya habang bumibiyahe. Paano kung dalhin siya nito sa isang romantic na lugar? Paano kung nagpahanda ito ng isang romantic dinner sa isang yate at dalhin sila sa gitna ng laot? Paano kung halikan siya nito at tuluyan na siyang mawala sa sarili? Maaatim ba niya na matulad sa ibang mga babae na nadala sa pang-aakit nito? Lagi siyang sigurado sa sarili niya pero pagdating kay Vance ay hindi siya sigurado.

Maya maya pa ay nag-menor ito nang dumaan sila sa Rizal Park. Napaangat si Phoenix sa upuan. "What's this? Ide-date mo ako sa Luneta? Really. Masisira ang reputasyon mo sa akin."

Ito na ba ang romantic date nito? Di dahil mahilig siya sa historical sites ay maaakit na siya nito sa pagdadala sa kanya sa Luneta? She thought he was more original and creative than that. Oh, please!

Umangat ang gilid ng labi ni Vance. "Alam ko na gusto mong i-date si Rizal pero hindi ito ang oras para diyan. Ako ang ka-date mo ngayong gabi. And I can wipe those dead men out of your mind."

"You wish." Si Vance Antiporda ang kontrabida sa kasaysayan ng buhay niya. Huwag itong umasa na magiging spectacular ang gabing iyon. Hindi siya ang babae na madaling ma-impress. Mabibigo ito.

Maya maya pa ay humimpil na sila sa parking area sa harap ng National Museum. Naalala niya na iyon ang paborito niyang puntahan noong kabataan pa. Habang tinutuklas niya ang kasaysayan ng nakaraan ay parang natutuklasan din niya ang bahagi ng nakaraan niya at pagkatao.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Phoenix.

"That's for you to find out."

Nakakunot ang noo niya nang alalayan siya ni Vance pababa ng kotse. Magaan nitong hinawakan ang siko niya nang akyatin nila ang maraming baitang na hagdan ng National Museum. Pero ayaw niyang masyadong ma-excite nang masyado. Malay ba niya kung ano ang ihinanda nito sa kanya kahit pa nga nakuha nito ang kahinaan niya.

Sa gilid ng isa sa mga function room doon ay nakalagay ang poster para sa exhibit o event na ginaganap sa loob. The Unveiling of Ille Cave: A Window to the Past.

Ille Cave...Ille Cave... Pamilyar iyon sa kanya. Sigurado siya na nabasa na niya iyon noon o narinig.

"Your invitation, Sir?" anang receptionist.

Inabot ni Vance ang imbitasyon sa kanya. Gusto sana niyang tanungin ito kung tungkol saan ang exhibit at ano ang Ille Cave nang maisip niyang hamak mas wala itong alam sa History. Naalala niya na Social Studies ang pinakamababa nitong subject kahit pa nga laging ipinagmamalaki ng tiyuhin niya ang talino nito.

"This way, Sir," nakangiting wika ng usherette.

Pumasok sila sa loob ng bulwagan. Puno ang function room ng mga taong gaya niya nakasuot din ng pormal na kasuotan. Ilang beses na rin naman siyang nakadalo sa ganoong function. Hindi rin siya dapat mailang dahil nakikihalubilo din siya sa mga sponsor at mga kilalang tao na may kinalaman sa kasaysayan. She felt at home. This was her world after all. Tingnan lang niya kung makatagal si Vance sa gabing iyon. It was definitely not his world.

Nagningning ang mata ni Phoenix nang makita ang mga artifacts na bumabalik pa noong Stone Age. Mga bagay na gamit ng mga sinaunang tao na nahukay sa Ille Cave na matatagpuan sa El Nido, Palawan.

"Vance, this is great!" excited niyang sabi. "Paano ka nakakuha ng invitation para sa event na ito?"

Bahagya itong yumukod. "I have many ways to please a lady."

"At hindi naman ako naniniwala na bigla ka na lang nagka-interes sa History sa mga sinaunang tao na mas matanda pa kaysa kay Thutmose II. That's very unlikely."

Masyadong moderno si Vance. Hindi ito ang tipo ng event na pagkakaabalahan nito o kaya ay tipo ng event na makakakuha ito ng exclusive invite. Para lang iyon sa mga nasa inner circle ng archaeological at historical world, mga scholar at sponsors. Ayaw naman niyang isipin na sinadyang gawin iyon ni Vance para sa kanya.

Isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa fifties na at may manaka-nakang puting buhok ang lumapit sa kanila. "My friend, Vance, you are late. You missed my speech."

Kinamayan ito ni Vance. "Forgive me. Hindi mo pwedeng madaliin ang isang babae lalo na't gusto niyang tiyakin na maganda siya para sa ka-date niya."

"Yes. With your looks, I understand that," anang lalaki. Muntik nang tumirik ang mata ni Phoenix. Ang lakas ng loob ni Vance na palabasin na gaya siya ng ibang babae na mag-aaksaya ng oras para magpaganda dito. Grabe lang! "Good evening! I'm Dr. Pietro Ambrosio. I'm the head of excavation for Ille Cave. I won't bore you with details dahil baka tulugan mo kami. I hope you won't be bored with our exhibit with Vance to keep you company."

"I'm Phoenix Villaviray, I have a degree in BS Archaeology at Oxford University. I assure you that I wont be bored with details. At tinitiyak ko sa inyo na mas gugustuhin ko pang titigan ang mga artifacts na ito kaysa makasama si Vance, Doctor Ambrosio."

Biglang naging magaan ang anyo ni Pietro. "So you are the legendary Phoenix. Ipinagmamalaki ka sa akin ng uncle mo. Nabanggit niya sa akin na bukod sa Egyptology ay hilig mo ring mag-aral tungkol sa prehistoric era."

"Yes." Humawak siya sa braso nito. "So tell me more about the artifacts in Ille Cave. And of course, the Yawning Jar. Ito ang unang beses na inilabas ito sa exhibit kahit na nahukay na ito noong 1960's sa El Nido? Tell me more about it."

Nakangising nilingon ni Pietro si Vance. "Excuse us, Vance. Ngayon ko lang naranasan na mas piliin ng isang babae kaysa sa iyo. Baka hindi na maulit ang gabing ito. She's the girl after my own heart."

"Sabi ko nga hindi ako insecure sa mga sinaunang tao or to a dirty old man at this matter," puno ng kompiyansang sabi ni Vance.

Naningkit ang mata ni Phoenix. "That's mean."

Humalakhak lang si Pietro. "I don't mind. Vance is a good friend. Shall we start with our tour?"

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα