Chapter 22

943 11 0
                                    

ABALA ang mga excavator sa kanya-kanyang trabaho sa bawat hukay. Mula sa bungad ng kuweba ay bumaba pa sila sa matatarik na bato para mapasok ang excavation site ng Ille Cave. Maingat si Phoenix sa pagbaba dahil isang maling apak o galaw lang ay pwede siyang madulas at malaglag sa baba.

Pinakiramdaman niya si Vance. Baka mamaya ay nerbiyusin ito kapag nakita kung gaano kadilim sa baba. Pero mukhang matatag naman ito. Kung may takot man itong nararamdaman ay hindi niya napapansin dahil nakaalalay ito sa kanya.

Sa wakas ay nakababa na sila ng excavation site. Madilim sa loob subalit may malalakas na ilaw na siyang tumatanglaw sa mga excavators. Maingat ang ginagawang paghuhukay at pagbabakbak ng lupa para maiwasan ang pagkasira ng mga artifacts. Those items were delicate. Ilang daan o libong taon nang nakabaon ang mga ito. Mula sa maliliit na buto ng prutas, kagamitan at mga labi ng tao ay mahalaga dahil dito ibabase ang pag-aaral tungkol sa pamumuhay ng mga sinaunang tao.

She was in awe. It was exciting. She could imagine herself with them. Digging some dirt, discovering something new. At sa pagkakataong ito ay tungkol naman sa ninuno niyang sinaunang Pilipino ang tutuklasin niya.

"Ayon sa pag-aaral namin, labing-apat na libong taon pa lang ang nakakaraan ay may mga tao na sa Palawan. Nang magkaroon ng migration mula sa mga Ita at Indones ay dito sila sa Palawan dumaan," paliwanag ni Kat. "So they settled in caves like this one. Wala pa naman kasi silang paraan noon para makagawa ng mga bahay. At mga bato rin ang ginagamit nilang kagamitan."

"Anong nahukay ninyo sa parteng ito?" tanong ni Phoenix sa isang hukay na wala nang naghuhukay pero nakokordonan ng lubid.

Inilahad ni Kat ang kamay. "Sa bahaging ito ay nakahukay kami ng mga kagamitan ng sinaunang tao. At ang remarkable dito ay nakakuha din ng labi ng tigre. Patunay na may tigre sa area na ito noong unang panahon."

Nakasunod lang sa kanila si Vance at tahimik habang nagmamasid. Parang hindi ito komportable pero di naman ito kumikibo.

Nagtungo sila sa kanlurang bahagi ng kuweba. "Dito naman nahukay ang labi ng isang babae na nai-cremate may siyam na libong taon na ang nakakaraan," paliwanag ni Kat.

"That one is interesting. Ang alam ko lang na cremation ay nahukay sa Pila, Laguna at noong 1500 AD ang edad nito," sabi ni Phoenix.

"Yes. So far, ito ang pinakamatandang cremation cemetery na nahukay sa Southeast Asia. Ito din pinakamagandang ang pagkaka-dokumento ng ritwal. Mula sa pagtatanggal ng laman sa buto, sa pagkakalas ng buto, pagdurog ng buto, pagsunog hanggang sa paglilibing. Nakalagay ito sa kahon na kalaunan ay nasira din sa pagtagal ng panahon. Pero maganda ang pagkaka-preserba ng buto. Ayon sa fossil na ito, marunong nang mag-disarticulate ng buto ang mga tao nang panahong iyon. Malinis na ang buto at may bahagyang sunog."

"Hindi kaya kinakain nila ang labi ng mga patay na?" tanong ni Vance na sa unang beses ay sumali sa usapan nila. Nabanaag niya ang pagkalukot ang mukha nito sa kabila ng mapusyaw na ilaw. "K-Kasi parang nalinis ang buto at kaunti lang ang sunog sa buto, di ba?"

"Hindi pa natin malalaman. Kailangan pa nating analisahin kung may makukuha pa tayong remains ng ibang tao sa panahong iyon. Hindi natin inaalis ang posibilidad ng cannibalism. We can only infer with the bone remains. Pero kung may makukuha pa tayong labi nang panahon ding iyon na may marka ng ngipin, noon natin masasabi na may cannibalism nga," paliwanag ni Kat.

Nagniningning ang mga mata ni Phoenix habang patungo sila sa iba pang chamber ng kuweba na parang nasa isang kaharian siya o isang wonderland. "They were that sophiscated even nine thousand years ago. Nakakatuwa."

"Alin?" tanong ni Vance sa kanya.

"The cremation ritual during the Holocene Period."

"Paano naging sophisticated iyon kung kumakain sila ng labi ng namayapa na?"

Bumuntong-hininga si Phoenix at hinarap ito. "Una, hindi pa naman sigurado na kumakain sila ng labi ng namayapa na. Maaring ritwal lang ito. Kung may cannibalism man ay maaring may dahilan. If you'll check the history, kailangang kumain ng mga tao ng labi ng ibang tao kapag naghihirap sila o dumaranas ng matinding taggutom. They needed to do it to survive," paliwanag niya.

"Paano mo nagagawang pag-aralan ito? Hindi ka ba kinikilabutan? Hindi mo ba naiisip na mumultuhin ka ng mga labi ng hinuhukay mo? Siyempre nananahimik na sila tapos bubulabugin mo pa."

"Hindi ako naniniwala sa mga multo," aniya sa malamig na boses. "At ipinagdadasal ko muna ang kaluluwa nila bago ko kalkalin ang mga labi nila."

"Hindi pa ba tayo lalabas?" tanong ni Vance at nakita niya ang pagtiim ng mukha nito. He didn't look so good.

"Are you okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay nito. "Nanlalamig ang palad mo."

"Nasabi ko ba sa iyo na two hours lang ang limitasyon ko sa dilim?"

Nang tingnan ni Phoenix ang luminous sports watch niya ay dalawa't kalahating oras na sila sa loob ng kuweba. "Okay. Lalabas na tayo."

Nagpasalamat na sila kay Kat at nagpaalam na lalabas na sila ng cave. Nag-aalala siya dahil naririnig niya ang paghigit ng paghinga ni Vance. It was not good.

Naalala ni Phoenix dati nang minsang bumagyo at nawalan ng kuryente. Nagising ito sa kuwarto nito na walang kuryente at nagsisigaw ito. Natakot siya noon. Alam niyang malakas ang character nito pero noon lang niya ito nakitang takot. Takot na takot. At dahil lang iyon sa dilim. Ayon sa tiyuhin niya ay na-trauma ito nang mamatay ang magulang nito. Ninakawan ang bahay nito at nagtago ito sa closet habang naririnig nitong pinapatay ang mga kasama nito sa bahay.

"Kaya mo bang umakyat sa taas?" tanong ni Phoenix kay Vance.

Kailangan kasi nila na bumaba kanina sa loob ng kuweba para marating ang excavation site at kailangan nilang umakyat sa mga matatalim na limestone para makabalik sa taas. Kung nahihilo si Vance ay baka hindi nito kayanin at madisgrasya pa ito. Ayaw naman niyang masaktan ito.

Tiningala nito ang liwanag sa butas ng kuweba at huminga. "I just need to breathe." Saka nito tinungga ang bote ng mineral water.

Matapos ang ilang minuto, buntong-hininga at tungga ng mineral water ay mukhang bumalik na sa normal ang mukha nito. Napuno iyon ng determinasyon.

"I am ready," wika nito. "Let's go."

Matapos magpasalamat at magpaalam sa assistant head ng excavation ay umakyat na sila sa taas. Mukha namang matatag na si Vance dahil nakaalalay din ito sa kanya. O marahil ay gusto lang nitong makalabas na sa madilim na kuweba.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon