Chapter 15

1.3K 41 0
                                    

"Sa wakas! May liwanag na!" masayang sabi ni Vance nang sa wakas ay makalabas ng kuweba. Patakbo itong nagtungo sa kung saan may liwanag at tumingala sa langit. As if he was relishing the sunlight and fresh air.

Parang bata ito pero alam niya kung gaano kahirap ang struggle nito sa loob. Even a grown man like him had his own weakness. At pinaglabanan nito iyon para masamahan siya sa loob ng kuweba.

Lumapit si Phoenix dito at pinisil ang balikat nito. "I am sorry."

Nagtataka siya nitong tiningnan. "Bakit?"

"Dahil sa akin sumama ang pakiramdam mo. Masyado akong nalibang sa pag-iikot sa kuweba kaya hindi ko naalala na hindi ka pa rin komportable sa madidilim na lugar. Sabi mo kasi okay ka lang."

"Akala ko rin okay na ako. I never had panick attacks like this since... I turned twenty-one," anitong saglit pang nag-isip. "Siguro dahil sa idea na baka may cannibalism noong unang panahon sa area na ito. Basta na lang akong nahirapang huminga."

"Sa palagay mo ba minumulto ka nila o nagpaparamdam sila sa iyo?" tanong niya at pinaliit ang mata.

"That's silly." Humalakhak ito subalit natigilan din. Huminga ito ng malalim. "I am sorry. Nasira ko ang pag-e-enjoy mo sa loob. Alam ko naman kung gaano mo kagustong mag-explore. Maniwala ka sa akin. Ihinanda ko talaga ang buong araw ko para sa iyo, para dito. Kundi lang ako natakot sa dilim. Kundi lang..."

"It is okay. Gusto ko na rin namang umalis. Can I do anything to make you feel better?"

Naging matapang ito na manatili sa dilim para makasama siya sa lugar na gustong-gusto niya. He made it possible. Kaya nga hindi niya ito magawang asarin o pagtawanan. He really did a lot for her today. And that was another sweet gesture. The sweetest gesture actually, topping all the sweet gestures he did for her.

Tumingala ito. "You can kiss me if you want to."

"Okay," kaswal niyang sagot.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nito. "Talaga? Okay lang."

"Oo naman." Matapos ang ginawa nito para sa kanya, isang simpleng halik lang ba para gumaan ang pakiramdam nito ay hindi niya maibibigay? Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa pisngi. "Okay ka na?"

Bumagsak ang balikat ni Vance at umungol. "No. I feel worse."

Kinintalan ito ni Phoenix ng halik sa kabilang pisngi. "Pwede na ba iyan?"

Sumalampak ito sa damuhan. "Oh! Nakakatakot talaga habang iniisip ko na ang katawan ng babaeng iyon ay niluto at kinain. Iyon ang naiisip ko habang nasa gitna ng dilim. And that's the best thing you can do to comfort me?"

Kinintalan niya ito ng halik sa labi. "Thank you."

"That's..."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Huwag ka nang umangal. Tama na iyon." Saka siya umurong palayo dito bago pa siya ma-tempt na bigyan ito ng mas masidhing halik.

"You are welcome," sabi nito at sumabay ng paglalakad sa kanya. Parang natural lang sa kanya nang hawakan nito ang kamay niya. She was starting to get used to it.

"So what's for lunch?" tanong ni Phoenix habang pabalik na sila sa tindahan kung saan nakaparada ang motor nito.

"Kahit ano basta vegetarian. Ayokong kumain ng kahit anong karne."

Lumabi siya. "But I want burger. Walang Jollibee dito."

"Dont worry. I know a place."

Sa Blue Azul Burger sa poblacion ng El Nido sila nagtungo. Ngiting-ngiti si Vance nang alalayan siyang bumaba ng motor. "Dito ang pinakamasarap na burger sa buong El Nido."

"Akala ko ayaw mo ng karne? Cannibalism, remember?" paalala ni Phoenix.

"They serve vegetarian burgers. Everything vegetarian. At kakaiba din ang lasa ng burger nila."

Dahil mukha namang gusto ni Vance doon ay sumunod na rin siya dito papasok ng open-air restaurant. Curry Burger ang in-order ni Vance at Falapel Burger naman ang kanya. Nag-curry spaghetti din siya dahil sa curiosity.

Noong una ay skeptical pa si Phoenix hanggang ihain sa kanila ang pagkain at natikman niya. Pumikit siya nang makakagat ng falapel burger. "Ahhh! Panalo ang pagkain nila dito."

"At hindi ko naiisip ang cannibalism," nakangising sabi ni Vance.

Maya maya pa ay dalawang mag-asawang European na nakasuot ng wetsuit at basa-basa pa ang suot ang umupo sa mesa sa tabi nila. "Oh! You two look dusty. Where have you been?" sabi ng matandang babae.

"We took the inland tour. We went to Ille Cave," masaya niyang sabi. "It is an archaeological site that dates back to the Stone Age."

"Did you enjoy it?" tanong ng matandang lalaki.

"Yes."

"You are very brave," sabi ng matandang babae. "I asked my husband if he wanted to go but he told me that he is not into dark places and dead people. Such a killjoy. I really love history."

"Honey, you are the only one I want to spend time with in the dark. And besides, that place is unromantic," depensa ng isang lalaki.

"And my man is very brave. He stayed inside the cave for more than two hours and braved the boring archaeological talk," pagmamalaki niya at tinapik ang balikat ni Vance.

"Nice, boy," sabi ng matandang babae. "I wish you are as brave as my husband."

Isang mabait na ngiti lang ang ibinigay ni Vance sa mag-asawa saka malungkot siyang tiningnan. "That's not very comforting. Alam mong hindi ako ganoon katapang."

"Matapang ka. Pwede mo naman akong hindi isama dito. Pwede mo rin akong hindi sa samahan sa Ille Cave pero ginawa mo pa rin para sa akin. Huwag ka sanang madadala sa akin. Nag-enjoy akong kasama ka sa cave."

Humugot si Vance ng hininga. "I will try my best."

Inilabas niya ang mapa ng El Nido na ibinigay sa kany ni Kat. Nakamarka doon ang mga archaeological sites ng El Nido. Gusto niyang puntahan ang mga iyon. "So ibig sabihin okay lang na samahan mo ako sa Leta Leta Cave sa Lagen Island? Doon nanggaling ang Yawning jar at siyang unang archaeological site ng El Nido."

Lumagok muna ito ng iced tea bago tumango. "Sure."

Hinawakan niya ang braso nito. "Don't faint on me."

"Pwede mo naman akong halikan kapag masama ang pakiramdam ko," kaswal nitong sabi pero may kislap ng kapilyuhan sa mga mata.

"Okay lang basta huwag masyadong abusado."

Humalakhak si Vance. She wanted to hear his laughter more often. Kahit pa siguro maya't maya niya itong kintalan ng halik basta marinig lang niya ang halakhak nito.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now