Chapter 21

938 7 0
                                    

Matapos ang halos isang oras na paglalakbay ay nakarating na sila sa bahagi ng Dewil Valley kung saan matatagpuan ang Ille Cave. Nasa baranggay iyon ng New Ibajay. Masasabi na liblib na lugar na iyon. Bagamat mahalaga sa kasaysayan ay hindi pa gaanong dinadayo ng turista ang naturang lugar. Sa dami nga naman ng dadayuhing magagandang beaches, lagoon at isla, hindi pa gaaanong naitatampok ang archaelogical site ng El Nido.

Mula sa main road ay pumasok pa sila ni Vance sa mas makitid na kalsada hanggang hindi na nila maaring pasukin pa ang kalsada gamit ang sasakyan. Humimpil sila sa isang kubo na may tindahan. May ilan ding motor na nakaparada doon.

"Hanggang dito na lang tayo," wika ni Vance.

Saan natin iiwan ang motor?" tanong niya.

"Makikiiwan tayo dito." Kinamayan ni Vance ang matandang lalaki na nakabantay sa kubo. "Tatang, makikiiwan po sana ng motor. Diyan lang po kami sa Ille Cave."

"Walang problema, anak. May guide na ba kayo?" tanong nito.

"Opo. Dadaanan lang po namin si Arlene sa kanila."

Tumawa ang matandang lalaki. "Pamangkin ko ang batang iyon at matalino. -Sige. Mag-iingat kayo."

Inabutan ito ni Vance ng pera pero tinanggihan nito pero hindi pa rin nawawala ang suspetsa niya. May tao bang ganoon kabait?

"Hindi ba mawawala iyon?" tanong ni Phoenix at nilingon ang motor na nasa tabi lang ng bakod ng tindahan.

"Hindi. Mababait ang mga tao dito sa Palawan. Mapagkakatiwalaan sila."

"Bakit parang narinig ko dati na may insidente ng pagnanakaw sa cave?"

"Hindi naman tagadito ang gumawa noon kundi mga turistang Amerikano na inaakalang bungo daw iyon ng kamag-anak na namatay daw noong World War II. For me, that is bullshit. Alam na siguro nila kung gaano kaimportante ang mga artifacts na iyon at malaki ang halaga."

Tumango si Phoenix. "Oh! Ganoon pala." Di na bago ang looters sa archaeological sites sa buong mundo. Malaki nga naman ang value ng artifacts. Ang iba ay kinokolekta o kaya ay ibinebenta sa black market. Malaki sana ang halaga ng mga iyon kung hinayaan na lang na mapag-aralan ng mga eksperto para sa ikauunlad ng edukasyon.

"Hindi lang dito sa Ille Cave. Ang mga sea shells minsan sa mga tourist spots dito ay kinukuha ng mga turista kahit na sabihing bawal. At karamihan sa kanila ay mga foreigners. Palibhasa ay hindi nila likas na yaman," may hinanakit na sabi nito.

Nilingon ni Phoenix si Vance. "Mukhang marami kang alam tungkol dito."

"I stayed here for more than six months. Nagtayo kami ng isang resort sa isa sa mga isla dito. Naging construction engineer ako bago ako inilipat ni Ninong Mauricio sa pagiging contract manager. Kilala ko na ang mga tao dito. I know enough. Kaya nga isa sa pinakapaborito kong lugar sa Pilipinas ang Palawan. Maraming mga tao dito na kahit mahihirap ay hindi nandadaya o nagnanakaw. And that's amazing."

Humalukipkip siya. "Akala ko ba alam mo ang lugar na ito? Kailangan pa ba ng guide?"

"Siyempre kailangan mo ring bigyan ng kabuhayan ang mga tao dito. Malaking tulong sa mga locals iyon."

Maya maya pa ay sinalubong na sila ng guide nilang si Arlene. Twenty-one years old ito at nasa limang talampakan lang ang taas pero magaling ito at maraming alam. Ikinuwento nito sa kanya kung anong klaseng turista ang dumadayo doon pati na rin ang mga tourist spots na matatagpuan sa bayan katulad ng waterfalls at hot spring. Hindi pa daw gaanong maayos ang daan sa mga naturang lugar subalit sulit na sulit naman kapag narating na. Pag-uusapan pa nila ang tungkol doon ni Vance dahil mukhang marami itong plano para sa kanila.

Nakakaantok ang huni ng mga ibon. Isa-isang itinuro ni Arlene sa kanila kung anu-ano ang mga iyon at ang iba ay indigenous sa Palawan.

"Ma'am, tingnan po ninyo," sabi ni Arlene at itinuro ang isang hayop na nanginginain ng damo.

Pinakatitigang mabuti ni Phoenix ang itinuro nito. "Mukhang usa na mukhang daga."

"Mouse deer po iyon, Ma'am. Dito lang po sa Palawan matatagpuan."

"Wow!" usal niya. Pinag-aaralan lang niya iyon noon pero ngayon lang niya nakita nang personal. Labinglimang minuto silang naglakad hanggang matanaw nila ang solong malaking bato na may pitumpu't limang metro ang taas. Nag-iisa lang iyon habang puro damuhan at kagubatan ang nasa paligid nito.

"Nandiyan po ang cave, Ma'am," sabi ni Arlene. Nasa ilalim ng naturang nagsosolong bato ang Ille Cave and Rock Archaeological Site.

Isang babae na sa tantiya niya ay nasa forties ang sumalubong sa kanila. "Welcome to Ille Cave. You must be Mr. Vance Antiporda and Phoenix Villaviray. I am Kat del Sol, the assistand head of the excavation. Ibinilin kayo sa akin ni Dr. Ambrosio. Let's start with the tour."

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon