Chapter 8

1.6K 55 3
                                    

"SO what do you think?" tanong ni Pietro matapos ang tour nila sa exhibit. Nakausap din niya ang mga archaeologist na kasama sa excavation. It was really exciting and fascinating.

Bago pa lang kasi ang mga archaeological finds na iyon. Matapos ang pagkakadiskubre ng Tabon Cave na tinirhan ng Tabon Man sa Quezon, Palawan ay inakala ng mundo na doon na nagtatapos ang mayamang kasaysayan ng sinaunang tao sa Pilipinas. Subalit hindi pa pala. Nagsisimula pa lang ang lahat.

Pinagsalikop ni Phoenix ang mga palad. "This is great. Masarap sigurong maka-diskubre ng mga bagong bagay. These archaelogical artifacts are precious. At alam ko kung gaano kahirap at kadelikado ang archaeoligical sites ngayon dahil sa pagkasira ng kalikasan at sa modernisasyon. Marami ang nasisira na lang at gayundin ang mahahalagang artifacts nang hindi man lang nadidiskubre ng mga tao. Some are looted. At sa halip na napupunta sa isang bansa ay publiko ay ibinebenta sa black market. Malaking accomplishment na makita ito sa isang exhibit."

Hyper na hyper siya habang nagsasalita. Hindi kasi niya inaasahan na ito ang kalalabasan ng gabi niya. It was supposed to be the worst night of her life but she found herself enjoying it. Kahit saan siya lumingon ay napapalibutan siya ng mahahalagang bahagi ng kasaysayan at mundo.

"Tama ka. Hindi rin naging madali sa amin ito dahil mababa ang funding na nakukuha namin," paliwanag ni Pietro. "But with this new discovery, lumaki na ang interes sa Philippine prehistoric archaeology. So do you want to be a part of our team?"

"Ako?" tanong niya at itinuro ang sarili.

"Mukha namang hindi ka mahihirapang humabol dahil may background ka sa prehistoric era. Nasubukan mo na ring maging parte ng excavation sa China tungkol sa mga sinaunang ta doon. May mga kuweba pa kaming ie-excavate sa Palawan. A series of caves na sa palagay namin ay may makukuha pang fossils at artifacts ng noong Stone Age."

Sinapo niya ang dibdib. "Wow! Imagine all the rich artifacts that you will discover there. Parang treasure hunting lang. That would be exciting!"

And this would be something new for her. Excavation in the Philippine was something she was secretly looking forward to. Ang problema lang naman kasi ay ang red tape at ang kakulangan ng pondo para sa mga archaeologists. Madalang ang ganitong pagkakataon.

"Exactly. So would you like to join us in our team? Malaking bagay ito para sa isang tulad mo kung gusto mong gumawa ng pangalan sa archaeological world habang bata ka pa. Hinihintay lang namin na maaprubahan ang permit namin para mag-excavate."

Kinagat ni Phoenix ang pang-ibabang labi. Magiging sikat din ang pangalan niya gaya ng kanyang ama. "I would love to pero..."

Pero hindi niya maiwanan basta-basta ang Egypt. Nandoon ang bahagi ng pagkatao niya. At kung may maa-accomplish siya gaya ng ama niya ay parang napatunayan na rin niyang anak siya nito.

"Hindi mo pa naman kailangang ibigay ang sagot mo ngayon." Dumukot si Pietro ng tarheta sa dinner jacket nito at inabot sa kanya. "Here's my card. Sabihin mo sa akin kapag nakapag-desisyon ka na."

"Pag-iisipan kong mabuti. Thank you very much for the offer," wika ni Phoenix at kinamayan ito.

Kasama sina Phoenix at Vance sa ilang huling umalis sa party. Inaasahan ng team ni Pietro at ng National Museum na dadayuhin di lang ng lokal na turista kundi maging mga dayuhang turista ang naturang exhibit gayundin ng mga eksperto mula sa ibang bansa. At excited din ang mga ito para sa mga susunod pang madidiskubre - mga sinaunang Pilipino na may mataas na antas ng sibilisasyon sa kabila ng payak na kagamitang mayroon ang mga ito.

Nagsimula siyang makadama ng gutom nang pababa ng hagdan ng National Museum at patungo sa kotse ni Vance. Bumaba na kasi ang adrenaline rush niya. Hindi na kayang i-sustain ng sugar sa katawan niya ang excitement at sayang nararamdaman niya dahil sa dami ng nangyari nang gabing iyon.

"Mag-dinner muna tayo. Wala kang kinain kanina sa sobrang busy mo," sabi ni Vance nang simulang i-maniobra ang kotse.

"Okay," nausal na lang ni Phoenix dahil ang totoo ay wala na siyang energy.

Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong. She somehow liked it. Vance knew to how take charge at the right time. At alam din nito kung anong gusto niya. Parang nakalutang siya sa alapaap. Animo'y isa siyang eroplano na nawalan ng makina at nagpalutang-lutang.

Maya maya pa ay humimpil sila sa isang Chinese restaurant. Isang pribadong kuwarto ang pinili nito. Mukhang intimate iyon but she didn't care. Tulala na siya sa gutom at pagod. Masakit ang paa niya dahil sa high heeled shoes na suot niya.

Inabutan siya nito ng paperbag. Nakakunot ang noo niyang pinagmasdan iyon. High heeled sandals. "Isuot mo na at mag-relax ka. Ako na ang bahalang umorder para sa iyo. Basta may beef stew noodles at siopao asado."

Nag-thumbs up siya at isinuot ang sandals. Maya maya pa ay pumasok ang waiter at ibinigay nito ang order. Mas komportable na siya pero hindi pa rin sapat. Inunat niya ang paa niya at itinaas. Nagulat siya nang biglang may tamaan iyon at narinig niya ang pag-ungol nito. "Muntik ka nang makatama ng kayamanan doon."

Sumilip si Phoenix sa ilalim ng mesa at nakitang muntik nang tumama ang paa niya sa pagitan ng hita nito "Ooopps! Sorry." Tinutop niya ang bibig. "Kailangan ko lang talagang iunat ang binti ko. Namimitig kasi dahil sa high heels na iyan."

"Akin na ang paa mo. Iangat mo."

"Bakit?" tanong niya ngunit sinunod naman ito.

Sinapo ni Vance ang paa niya at ipinatong sa kandungan nito. "Magaling akong magmasage. I am sure mare-relax ka."

"H-Hindi na kailangan," natataranta niyang wika.

Tinangka ni Phoenix na bawiin ang paa niya subalit pinigilan siya nito. "No. Kasalanan ko kung bakit nahihirapan ka ngayon. So I am taking full responsibility."

Wala na siyang nagawa kundi hayaan si Vance. Nang simulan nitong hagurin ang talampakan niya ay hindi na niya nagawang tumutol. That was heaven. No wonder his women loved him. Napakagaling nitong magmasahe.

Drat! This was just a simple foot massage. How did it turn into something sexual? Pero hindi naman niya ito mapigilan. Parang tumigil nang mag-isip ang utak niya at dinama na lang niya ang sensasyon.

Umungol siya at pumikit saka isinandal ang ulo sa sandalan. "You are good." It came out as a purr. Even her purr sounded sensual and pure bliss.

"So they say." Natigilan siya nang maisip na tinutukoy nito ang ibang babae. Bigla niyang idinilat ang mga mata at matalim itong tiningnan. "O! Violent reaction ka agad."

Humalukipkip siya. "Hindi yata maganda sa ego ng isang babae na ibang babae ang binabanggit ng ka-date niya."

"Hindi mo kailangang magselos. That's just for reference."

"Yeah. Yeah, right." She was too tired to complain. Wala na siyang lakas. Gusto na lang niyang mag-relax.

Maya maya pa ay ipinasok na ng mga waiter ang order nila. Matapos maghugas ng kamay ay hindi na niya napigilan ang sarili na kumain. Nanlalabo na ang paningin niya sa gutom at pagod. Handa siyang kainin ang lahat ng ihain sa kanya.

"Oh! This is good," wika ni Phoenix matapos humigop ng beef stew. "Isa ito sa nami-miss ko dito. Ang pagkain. This is perfect! The museum, the food..."

Naglaro ang ngiti sa labi ni Vance. "So I am the perfect date?"

Ikiniling niya ang ulo. "Mas okay ng konti kaysa sa iba."

"I may not be a pharaoh but I can treat you like a queen. Kaya kitang paligayahin sa kahit anong paraan mo gusto."

***

Sofia Says: Whoa! Things are heating up. Kung kayo si Phoenix, ano ang isasagot ninyo kay Vance?

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now