Chapter 19

1K 9 0
                                    

NAGISING si Phoenix sa hampas ng alon sa dagat. Binuksan niya ang bintana ng kuwarto niya at nakitang madilim pa sa labas. Alas singko pa lang ng madaling araw. Malamig pa ang hangin. It would be the perfect time to jog down the beach or take a dip at the sea.

Jogging would be great. Mabibitin lang siya sa pagtatampisaw sa dagat dahil maaga silang aalis ni Vance para magpunta sa Ille Cave na isang oras pa ang layo mula sa Las Cabañas. Nasa magkabilang dulo yata ng El Nido ang dalawang baranggay. May hiwalay naman na araw para mag-indulge siya.

First and foremost, she was an archaeologist. At hindi siya matatahimik hangga't hindi niya napupuntahan ang isang archaelogical site sa area.

"Ma'am, maaga din po pala kayong nagising," wika ng katiwala doon na si Aling Pining.

Nag-inat siya. "Maaga po kasi akong nakatulog. Tahimik po kasi dito at nakakaantok." Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagpahinga na agad siya. Pagsayad ng likod niya sa kama ay nakatulog na agad siya.

"Iba po talaga ang hangin sa probinsiya. Sariwa kaya po parang tatawagin ang katawan ninyo na magpahinga. Nakakagana rin pong kumain."

"Gising na din po si Vance?" tanong niya.

"Opo. Nasa labas po iyon. Baka po naglalakad-lakad. Iniikot po niya ang buong beach. Minsan po ay nilalangoy niya ang maliit na isla sa kabila."

"Oh!" usal niya. Ang maliit na isla di kalayuan sa magarbong kubo ni Vance ay pwedeng lakarin kapag low tide. Pero kapag high tide ay nakahiwalay iyon sa mainland. Sa ibang pagkakataon na lang niya lalanguyin ang kabilang isla.

Tumakbo siya sa kabilang direksiyon na nakaharap sa Shimizu Island, ang popular na landmark ng El Nido. Sa palagay kasi niya ay sa kabilang beach ng Las Cabañas tumatakbo si Vance.

He was behaved. Very much behaved. Pero hindi pa rin ligtas ang pakiramdam niya kapag nasa paligid ito. Natatakot siya na isang beses pa siya nitong tuksuhin ay magpatukso na siya. She was weak when it comes to him. Lalo na at natuklasan niya na ito lang ang lalaking nakakahuli ng kiliti niya at nakakapagbigay sa kanya ng mga bagay na gusto niya.

Matapos marating ang dulo ng beach na walang katao-tao ay tumakbo siya pabalik sa kabilang beach. Natigilan siya sa pagtakbo nang isang anino ng lalaki ang nakita niyang umahon mula sa dagat. Hindi siya humihinga habang pinagmamasdan ang graceful nitong paggalaw. Kung paanong mistula itong diyos ng karagatan o isang hunkilicious na merman na nag-anyong tao para mang-akit ng mahihinang mortal na katulad niya.

"Vance," usal niya sa pangalan nito. Kung nabuhay ito noong unang panahon, he sure as hell could inspire mythology.

Parang narinig nito ang boses niya na tinangay ng hangin. Lumingon sa direksyon niya at naramdaman niya ang tindi ng titig nito sa kanya. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya kasabay ng pagtigil ng tibok ng puso niya. He looked larger than life while wearing nothing but a flimy shorts. He was as good as naked.

Naglakad ito patungo sa direksiyon niya. Hinawi nito ang buhok nito. He looked more imposing with every step. Nahigit niya ang hininga nang hawiin nito ang buhok at tumilamsik ang tubig. Gusto yata niyang atakihin sa puso umagang-umaga pa lang. Kung ganitong tanawin ang makikita niya araw-araw ay baka hindi na kayanin ng puso niya.

"Good morning," bati nito nang tumigil sa harapan niya.

"You are wet," nausal na lang niya.

Bigla kinagat ni Phoenix ang dila niya. Parang kakaiba yata ang dating ng sinabi niya. It sounded so sensual. So carnal. Umagang-umaga ay kung saan-saan napupunta ang utak niya. Marami siyang guwapo at makisig na lalaking nakilala. But she never allowed her thoughts to go astray. He was reducing her to a creature who only thinks about sex.

"Uhmmm... lumangoy ako papunta sa islet na iyon," sabi nito at itinuro ang maliit na isla. "Nag-jogging ka. Gusto mo bang samahan kita na tumakbo sa kabilang beach para mapasyalan mo rin?"

"Nang iyan lang ang suot mo?" tanong niya at dumako ang tingin sa tanging bahagi ng katawan nito na may saplot.

"Nakasabit sa terrace ang damit ko. Maliban na lang kung gusto mo na ganito lang ang suot ko habang nagdya-jogging tayo," nanunuksong sabi ni Vance.

At pagpiyestahan ito ng mga tao sa magkasunod na resort sa bahagi ng resort na iyon at iba pang mga turista. "No, thanks. Nawalan na ako ng ganang mag-jogging," aniya at nilagpasan ito.

"Ah! Marami akong idea sa pwede nating gawin kung ayaw mong mag-jogging."

Kung may kinalaman ang aktibidades na iyon na wala halos itong damit at magkadikit ang mga katawan nila, maraming salamat na lang.

"Gusto ko nang kumain ng agahan. Nagugutom na ako," sabi niya. Nakakagutom naman kasi ang katawan nito. Kanin na lang ang kulang. "Excited na ako na pumunta sa Ille Cave. Anong oras ba tayo aalis?"

"Alas siyete o alas otso ng umaga. Dadalhin na lang dito ang sasakyan natin."

"Okay." Kailangan niya ang distraction ng pagkain at ng archaelogical side trip nila. She wanted to be in control with her own emotions and thoughts.

Habang agahan ay pinili niyang magpa-kwento tungkol sa Tito Mauricio niya. Pati na rin sa mga bagong proyekto ng Villaviray Construction. Vance was just as driven and passionate about his job and company. Kaya naman gustong-gusto ito ng tiyuhin niya at itinuring na anak. Pakiramdam nga niya ay si Vance ang itinuturing nitong hahalili nito.

Naalala ni Phoenix nang sabihin niya sa tiyuhin na gusto niyang maging archaeologist nang malapit na siyang magtapos ng high school. Na nakakuha siya ng award at ang premyo ay maging scholar sa Oxford University. Her uncle was not impressed. Ang gusto nito ay mag-aral din siya gaya ni Vance, ang prodigy nito. Napaka-promising na nito hindi pa man ito nagtatapos ng kolehiyo. Nag-top pa nga ito sa board exam para sa civil engineering at tinanggihan ang mga alok sa prestihiyosong kompanya sa ibang bansa dahil pinili nitong makasama ang tiyuhin niya.

While she decided to leave. Alam niyang masama ang loob sa kanya ng tiyuhin niya dahil binigo niya ito. Mahirap para sa kanya na gawin ang bagay na hindi naman siya magiging masaya. Naiinggit pa rin siya kay Vance pero choice naman niya ito. Ipinakita nito ang loyalty sa tiyuhin niya na mahirap para sa kanya na pantayan.

"Vance, did you ever hate me?" biglang naitanong ni Phoenix kay Vance.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Dahil lagi mo akong inaaway?"

"For bringing my uncle so much heartache. O kaya naisip mo na sana ikaw na lang ang pamangkin niya. Na solo mo ang pagmamahal niya."

"Hate is such a strong word. Minsan naiinis ako dahil parang hindi mo siya pinahahalagahan samantalang handa siyang ibigay ang lahat sa iyo. Pero ganoon siguro ang tao. Kailangan nating hanapin ang nagpapasaya sa atin. What defines us. Hindi natin magagawang mahalin o pasayahin nang buo ang mga taong mahalaga sa atin kung hindi rin tayo masaya."

"Masaya ka ba?"

Lagi lang si Vance ang nasa tabi ng tiyuhin niya. Sunud-sunuran ang tingin niya dito. Parang robot pa nga. Baka mamaya ay dahil sa utang na loob lang iyon kaya ito nananatili sa tabi ng tiyuhin niya. Minsan ay napapakialaman pa ang personal na buhay nito. Wala ba itong ibang gustong gawin sa buhay na di nito magawa dahil sa tiyuhin niya? Na baka di ito masaya dahil doon.

"Yes. I am in paradise with my most favorite girl on Earth."

"Ako ang paborito mo sa dami ng babae mo? Oh, come on!" aniya at tinapik ng palad ang mesa.

"You are most favorite girl. Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo. Kaya ko namang patunayan na mas lovable ako kaysa sa mga patay na lalaking kinababaliwan mo. I can make you happy," anito at dumukwang para ilapit ang mukha sa kanya.

Itinulak niya ang noo nito para lumayo ang mukha sa kanya. "Kumain ka na lang. Happy na ako basta madalaw ko ang Ille Cave."

Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. At madalas ay usapang sensual nauuwi ang usapan pagdating kay Vance.

Wala naman itong kailangang patunayan sa kanya. Napasaya na siya nito.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now