Chapter 9

1.6K 54 1
                                    

Natigilan si Phoenix sa pagsubo ng noodles at maang itong tiningnan. That was a come on. That was definitely a come on. "No thanks. I am okay with the food," wika niya at sumubo ng noodles.

Napansin marahil ni Vance na kakainin na niya ito oras na abalahin pa nito ang pagkain niya kaya hinayaan lang siya. Nang sa palagay nito ay tao na ulit ang pakiramdam niya matapos niyang maubos ang beef stew, siopao at pati ang iba pang ihinain nito sa kanya ay saka lang ito muling nagsalita.

"Anong masasabi mo sa exhibit?" tanong ni Vance.

"Amazing! Maganda ang pagkaka-preserve ng artifacts. Natuwa rin ako na sa wakas ay naka-exhibit na rin ang Yawning Jar na nahukay sa El Nido noong 1960's. Alam mo ba na apat na dekada iyon na nakatago sa National Museum at hinayaang inaamag doon bago nila inilabas? This is the time to put El Nido in the geological map. At excited ako sa mga ie-excavate pa nilang kuweba. They are just waiting for the permit to excavate. Inalok nga niya ako na sumali sa team nila."

His face looked guarded. "At sapat na ba iyan para manatili ka sa Pilipinas?"

Nilaro niya ng kutsarita ang grass jelly with cream. "Gusto ko sana pero ang Egypt... alam mo naman kung bakit gusto ko doon, di ba? Iyon na lang ang paraan ko para makilala ko ang ama ko."

Hindi niya nakilala ang amang si Thomas Knowles, isang half-Filipino, half-British na isang promising archaeologist noong panahon nito. Kababata ito ng nanay niya at kaedad ng Tito Mauricio niya. Noong sampung taon ito ay nagtungo ito sa London at doon na nanirahan. Hindi naman naputol ang komunikasyon nito sa nanay niya na si Elaine Mae dahil nagsusulatan ang mga ito at nagtatawagan pa sa telepono. Na-develop ang mga ito sa isa't isa.

Hanggang dumalaw ang ama niya sa Pilipinas kasama ang pangakong pakakasalan nito ang nanay niya matapos ang excavation nito sa Egypt kung saan tinutuklas nito ang sekretong chamber ni Thutmose II pati na rin ang hinihinalang isa pang kaharian nito sa timog na bahagi ng Nile River.

Sa kasamaang-palad ay namatay ang ama niya matapos tamaan ng yellow fever sa disyerto. Malayo sa sibilisasyon ang excavation site kaya naman hindi na ito naidala pa ng ospital at namatay. Hindi na nasabi ng nanay niya na ipinagbubuntis siya nito. Ang tanging sulat na naiwan sa kanya ay ang sulat ng tatay niya sa nanay niya - mula sa excavation nito sa Egypt hanggang sa pagmamahal nito sa nanay niya.

Kaya naman pinili niyang maging archaeologist upang sundan ang yapak ng ama. Hindi man niya masabi sa mundo na anak siya ni Thomas Knowles, parang sinabi na rin niyang anak siya nito dahil tinutuklas niya ang mga bagay na hindi na nito natuklasan pa. Siya ang nagpapatuloy sa mga bagay na di nito nagawa. Nag-aral siya sa parehong unibersidad kung saan ito nagtapos. She wanted to retrace his roots. Wala na siyang mapagtatanungang kamag-anak nito dahil ulila na ito noong magtapos ito ng kolehiyo. Tinutulan iyon ng tiyuhin niya noong una subalit wala itong nagawa dahil gusto niyang taluntunin ang pinagmulan ng pagkatao niya.

"Hindi pa ba sapat ang apat na taon mo sa Egypt para makilala mong mabuti ang pagkatao mo?" nakakunot ang noong tanong ni Vance.

"Hindi mo maiintindihan..."

"Ang naiintindihan ko ay kayo na lang ni Ninong Mauricio ang magkamag-anak. Siya ang nag-iisa mong pamilya. Hindi na rin naman siya bumabata. Gusto ka rin naman niyang makasama."

"Sa pamamagitan ng pagrereto sa akin sa kung sinu-sinong lalaki? It won't help his cause," may halong frustration niyang sabi.

"Forget about it. Sinabi ko rin kalimutan na niya ang pagrereto sa iyo sa iba't ibang lalaki. Hindi iyon gumana sa akin at hindi rin gagana sa iyo."

"Inireto ka rin niya sa kung sinu-sinong lalaki?" namamangha niyang tanong.

"Seryosohin mo nga ako!" asik ni Vance sa kanya.

Humagikgik siya. "You are cute when you are pissed off."

Nanatiling seryoso ang mukha nito. He really means business. "Listen. Hindi ba magandang solusyon kung dito ka na lang sa Pilipinas mag-practice? Malapit ka lang kay Ninong Mauricio. Mas sigurado siya na safe ka dito. May dalawang linggo ka pang bakasyon. Bakit hindi ka muna dito sa Pilipinas? Kundi sa namatay mong ama, I am sure mas pipiliin mong mag-excavate dito. Magandang pagkakataon para ma-explore mo ang Philippine archaeology."

"I am not sure...may usapan tayo na ito na ang huli. Na pwede akong bumalik sa Egypt pagkatapos nito."

"Para sa date iyon. Iba naman ang sa pagsali sa excavation. This is about your happiness and your uncle's happiness. Bakit hindi mo muna subukang tingnan kung masisiyahan ka sa El Nido? May isang buwan ka pa naman para mag-isip. Para i-reconsider ang career options mo. This is a golden opportunity to carve your name. Masyado nang maraming nakatatak na pangalan sa Egyptology. Pero sa Philippine archaeology ay wala pa halos namamayagpag na pangalan. Hindi ka ba proud na kasama ka sa magpapalago ng archaeology sa bansa?"

Inanalisa ni Phoenix ang sinabi ni Vance. Oo nga naman. Kung pagiging archaeologist ang pag-uusapan, mahirap nga namang palampasin ang ganitong pagkakataon. Bagamat sentimental archaeologist siya dahil ginagawa niya ito para sa ama niya, ilang taon na nga naman siyang nakababad sa Egypt. Tinatawag siya ng Tito Mauricio niya na manatili sa Pilipinas. Tinatawag din siya ng mga kuweba ng Palawan. Oras na para tuklasin naman niya ang kabilang bahagi ng pagkatao niya – ang pagiging Pilipino niya.

"Okay. I want to give it a try." Ayaw niyang magbigay ng panapos na sagot. She wanted to keep her options open. "I will stay here for a month."

Lumapad ang ngiti ni Vance. "Pack your bags. Bring everything you need for a week. Bring your swimsuit."

Umikot ang isipan niya sa sunud-sunod na utos nito. "Why?"

"We are going to paradise."

***


Sofia Says: Saang paradise naman kaya dadalhin ni Vance si Phoenix? Kayo, saang paradise ninyo gustong pumunta and why?

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now