Chapter 17

1.1K 15 0
                                    

HALOS hindi humihinga si Phoenix habang pinagmamasdan ang pagsabog ng gintong kulay ng papalubog araw sa kalangitan. Mistulang ginto rin ang karagatan, ang islang nakakalat dito at ang puting buhangin na nakalatag sa dalampasigan. "Wow! I had never seen anything like this before," usal niya nang bumaba sa kotse.

"Even something as grand as the Pyramids of Giza, Temple of Karnak or Abu Simbel monument?" tukoy ni Vance sa mga kahanga-hangang monumentong ipinatayo ng mga Ehipsyo.

"Manmade ang mga iyon. Iba pa rin ang gawa ng Diyos gamit ang kalikasan." Ibinuka niya ang kamay at sinalubong ang hampas ng hangin na nagmumula sa dagat. "This is like Shangri-La. I feel so at peace here and amazed at the same time. Kaya naman pala maraming turista ang bukambibig ang El Nido."

"Tama ka. Kapag nandito ako napapahinga ang kaluluwa ko. Kaya nga nagdesisyon akong bilhin ang property na ito. Nag-uunahan nga kami ni Ninong kung sino sa amin ang bibili. Well, I won," puno ng pagmamalaking sabi ni Vance.

"So... ilang babae na ang idinala mo dito?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Parang ayaw yata niyang pumasok sa bahay nito kung may bahid ng ibang babae o mga babae doon. She couldn't imagine the wild parties that were done there. Nangilo siya at ibinaling na lang ang tingin sa beach. Hopefully it was unspoiled by Vance's exploits.

"Ikaw pa lang kaya wala kang dapat na ipag-alala. Sabi ko naman sa iyo masyadong private at personal sa akin ang lugar na ito. Pumasok na tayo dahil pagod na rin ako," wika ni Vance.

Hindi rin biro ang halos anim na oras na biyahe nila mula sa Puerto Princesa City. Alas diyes ng umaga nang umalis ang flight nila mula sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Paglapag sa Puerto Princesa City ay isang van ang sumundo sa kanila para dalhin sila sa bayan ng El Nido na nasa Hilaga ng lungsod. Puro bundok at bukirin halos ang nadadaanan nila. Sa sobrang excitement niya nang nakaraang gabi para sa trip na iyon ay hindi siya nakatulog. And she even bought a nice swimsuit.

Noong una ay skeptical siya kay Vance. Mahirap itong pagkatiwalaan. Pero sino naman ang tatanggi sa magandang pagkakataon na makapunta sa Ille Cave at magbakasyon sa El Nido?

Wala nga pala siya halos bakasyon. Ultimo bakasyon niya ay inilalaan niya sa pag-aaral at pagtuklas. Ganoon din naman nang magbakasyon siya sa Pilipinas dahil sa sunud-sunod na pagrereto sa kanya ni Mauricio sa iba't ibang lalaki. Pero sa pagtitig niya sa magandang tanawin ay nakakalimutan niya ang ibang bagay. Gusto lang niyang mag-relax.

Pinatunayan ni Vance na kaya nitong maging gentleman. There was nothing sexual whenever he touches her. Nararamdaman niya iyon. Hindi rin siya nito tinutukso. Na parang iniingatan nitong magalit siya o mainis siya dito. And that was okay with her. Magkakasundo sila basta ba hindi ito gagawa ng kalokohan.

Noong una ay plano ni Phoenix na matulog pagdating nila sa beach house ni Vance. The beach house itself was following green architecture. Pawang native ang materyales sa labas pero moderno sa loob, Presko ang hangin at hindi na nga kailangan pa ng electric fan o aircon dahil malamig naman ang simoy ng hangin. Solar powered ang kuryente doon ayon sa caretaker ng beach house ni Vance. Dose oras lang ang normal na supply ng kuryente sa El Nido. Alas sais ng gabi hanggang alas sais lang ng umaga may kuryente kaya malaking tulong ang solar power.

Nagpalit lang siya ng damit sa halip na matulog. Lumabas siya ng silid at tuloy-tuloy agad sa beach para tingnan ang magandang tanawin ng papalubog na araw. Dahil sobrang ganda ng lahat ng nakikita niya ay nagkasya na lang siya na umupo sa buhanginan at iikot ang paningin niya. She was quite happy with that.

Nagulat siya nang maramdamang may pumatong na tela sa balikat niya. Isang sarong iyon. Gulat niyang tiningala ang naglagay sa balikat niya. It was Vance. "Masyado kang nalilibang diyan. Baka hindi mo napapansin na lumalamig na."

"Thank you," wika niya at hinapit ang sarong sa katawan niya. "Anong tawag sa lugar na ito?"

"Las Cabañas. At dito mo makikita ang perfect sunset dito sa El Nido."

Huminga siya ng malalim. "Ito ba ang pinakamagandang lugar dito?"

Umupo ito sa tabi niya. "Maraming magagandang lugar dito. Ipinagmamalaki ng El Nido ang mga lagoon, isla at white sand beaches. Marami kang pagpipilian. May falls at hot springs din dito. And of course, your precious archaeological sites."

"Uhmmm... kailan tayo pupunta sa Ille Cave?" tanong niya.

"Gusto ko sana sa ibang araw na. Mamasyal muna tayo sa ibang lugar."

Umiling si Phoenix. "Gusto ko sa Ille Cave."

"Hindi pa maganda ang daan doon ngayon. Kauulan pa lang kaninang umaga. Panigurado na maputik pa doon."

"Okay lang. Sanay ako sa kahit na ano. Mainit, malamig, maputik, mabuhangin. Pwedeng bukas na tayo mag-Ille Cave?" tanong niya at hinila ang manggas ng T-shirt nito. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napupuntahan iyon."

Bumuntong-hininga si Vance. "Why am I already expecting that? Wala ka bang balak na mag-relax? Pwede tayong mamasyal sa lagoon. Mukhang maganda ang panahon bukas. Masarap magbabad sa tubig o kaya ay mag-island hopping. I am sure magre-relax ka sa mga lagoon nila dito. I particularly like Cadlao Lagoon. Hindi kasi masyadong maraming turista ang pumupunta doon. Very serene."

"Saka na iyon kapag nakita ko na ang Ille Cave. Teka. Sasama ka ba sa akin? Hindi ba ayaw mo sa dilim?" tanong niya.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now