Chapter 26

1.5K 32 0
                                    

MABIGAT ang pakiramdam ni Phoenix nang bumangon. Alas singko ng umaga noon. Hinablot niya ang sarong niya at binalot ang sarili saka siya nagtungo sa labas at hinintay ang pagliliwanag ng langit. Bukas na ang balik nila ng Maynila at kailangan na niyang magpaalam sa El Nido. Ayaw pa niyang gawin iyon. Kaya naman sasamantalahin niya ang magandang tanawin sa paligid niya.

Nakatanghod lang siya sa hammock sa harap ng bahay hanggang marinig niya ang yabag ni Vance. Nilingon niya ito at malungkot na ngumiti. "Good morning!"

"Good morning. Tea?" alok ng binata sa kanya na may hawak na tasa ng mainit na tsaa. Habang sa kabila namang kamay ay may hawak itong mug ng kape.

Nakangiti niyang inabot iyon. "Salamat." Nilanghap niya ang peppermint tea at hinigop. It was a perfect way to start her morning.

Hinila nito ang bangkito at umupo sa tabi ng hammock. "Maaga ka yatang nagising. Akala ko tulog ka pa ngayon dahil napagod ka sa pamamasyal natin kahapon at sa paglalaro ng soccer."

Humirit pa ng soccer game ang mga bata sa Gawad Kalinga Village kahapon kaya naman halos di na siya makagulapay pag-uwi nila sa beach house ni Vance kahapon. She really enjoyed spending time with the kids and watching the sunset on the other side of town. Kaya naman hindi na niya nagawang makapaghapunan at nakatulog nal ang siya sa labis na pagod. Isa iyon sa masasayang alaala niya sa El Nido.

"Hindi lang ako makapaniwala na ito na ang huling araw natin dito. Sobrang ganda dito. Kung pwede lang huwag na akong umalis dito."

"May buong araw pa tayo dito. At bukas pwede mo pang silipin ang museums sa Puerto Princesa bago ang flight natin. Open ang schedule natin. You can laze around the beaches or the lagoons. Pwede kang bumalik sa archaeological sites na gusto mo."

She twisted her lips. Parang sobra na ang hihingin niya kung magpapa-extend pa siya doon. May trabaho din si Vance. Kailangan nitong bumalik sa normal na buhay nito dahil may kompanya itong aasikasuhin.

Kung babalik naman siya sa mga archaeological sites at sa lagoon, baka lalo lang siyang malungkot kapag umalis siya. Alam niyang hindi sapat ang panahon niya sa dami ng lugar na gusto niyang balikan.

Ano pa bang hindi niya nagagawa sa El Nido?

"Gusto kong mag-shopping," usal ni Phoenix.

"Shopping?" Kumunot ang noo ni Vance. "Saan ka magsa-shopping dito? Wala namang mall dito."

"Market day ngayon. Gusto kong mamili sa palengke."

Ngumisi ito. "Palengke? Masaya ka nang mag-shopping sa palengke?"

"Pinaka-interesanteng mamili sa local market. Hindi mo alam kung anong pwede mong matagpuan. Tapos magpi-picnic tayo dito. Ako ang magluluto para sa iyo."

"Gagawin mo iyon para sa akin?" nagniningning ang mata nitong tanong,

"Oo naman." Maliit na bagay lang iyon kumpara sa mga ginawa nito para sa kanya. Naging masaya siya sa buong linggo na nasa El Nido siya dahil dito. Nag-enjoy siya sa company nito, Ginawa ni Vance ang lahat para mapasaya siya.

"Masarap ka bang magluto?" diskumpiyado nitong tanong.

"Not exactly gourmet pero edible naman. Hindi naman siguro bubula ang bibig mo. I will try my best."

"Hindi yata ako masaya sa sagot na iyan. Saka hindi ako sanay na ipinagluluto ng babae maliban sa nanay ko. Ayoko."

"Dahil..."

"Ayokong magkaroon sila ng ilusyon na magiging asawa ko sila balang-araw."

Pagak na tumawa si Phoenix. "Pasensiya ka na kung wawasakin ko ang ilusyon mo. Ipagluluto lang kita. Wala akong planong gayumahin ka o ilusyunin na pakakasalan mo ako balang-araw. Hindi kita type," sabi niya at inirapan ito.

"Sabi mo lang iyan. Alam ko gusto mo ako."

Tumayo siya. "Sasabihan ko na lang si Mina na bilisan ang paghahanda ng agahan. Baka hinahangin na ang utak mo at kung anu-ano nang kahibangan ang sinasabi mo." Saka siya naglakad pabalik sa beach house.

Hindi talaga siya komportable kapag tinutukso siya ng binata. Of course, she liked him now. More than liked him. And she was scared that he would hit close to home. Hindi pa niya alam kung paano haharapin ang nararamdaman niya para dito.

"Hindi ko pa nasisingil ang utang mo sa akin."

Muntik nang mabitawan ni Phoenix ang hawak na tasa. Ay, lintek! Nagpanggap na lang siya na wala siyang naintindihan at nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng beach house. Pikit-mata na lang siya nang sabayan siya ni Vance sa paglalakad. Sana ay hindi nito ipilit na halikan siya ngayon. Hindi siya handa. Hindi pa siya nagtu-toothbrush ulit. Magulo pa nga ang buhok niya.

"Sasabihin ko kay Mina na gusto mong mamalengke mamaya pagkatapos mag-agahan," sa halip ay wika ni Vance.

Nakahinga siya ng maluwag... sa ngayon. Alam niyang maniningil pa rin ito.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now