Chapter 27

4.1K 54 25
                                    

MATAPOS ang agahan ay naghanda na si Phoenix na magtungo sa palengke. Kung ang ibang mga babae ay masayang mag-shopping sa boutiques at malls, siya naman ay may kakaibang koneksiyon sa palengke. Noong nasa Egypt at China siya ay lagi niyang dinadayo ang iba't ibang market sa mga probinsiya at maliliit na bayan. Nakikita niya ang kultura ng isang lugar dahil sa mga palengke – mula sa pagkain, damit at mga palamuti. May bayan pa nga daw sa Palawan na may barter trade hanggang ngayon.

"Ma'am, handa na po ba kayo?" narinig niyang tanong ni Mina nang katukin ang pinto ng kuwarto niya.

Sa halip ay si Vance ang nakasandig sa motorsiklo na nasa harap ng beach house. "O! Saan ka pupunta?"

"Sasamahan kitang mamalengke."

"Si Mina ang kasama kong mamalengke."

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang siko niya. "Mas gusto ko na ako ang kasama mo sa pamamalengke. Mahihirapan kang magbitbit."

"Hindi ba ayaw ng mga lalaki na sumamang mamili ang mga babae? Ayaw nilang magbitbit ng mga pinamili."

"You are an exemption. Let's go."

Wala pang sampung minuto ay nasa palengke na sila ng El Nido. Kung tutuusin ay maliit lang iyon pero natutuwa pa rin siya sa iba't ibang lokal na produkto ng mga tagadoon. Napansin niya na iba ang titig ni Vance sa mga alimango. Mukhang iyon ang gusto nito. "Dalawang taling alimango po, Tatang," sabi niya sa matandang tindero. "Mukhang masarap irelyeno at ginataan."

"Alam mo ang weakness ko talaga. Ni-research mo iyan, no?"

"For your information, paborito ko rin iyon," pambabara niya dito. Siyempre di naman niya aamining binili niya ang alimango dahil dito.

Bumili din si Phoenix ng isda, dahon ng gabi at kinudkod na niyog para gamiting panggata. Pinangatawanan talaga ni Vance na huwag kumain ng karne mula nang manggaling sila sa Ille Cave. Kaya kahit sa seafood at gulay ay masiyahan man lang ito.

Namimili pa siya ng ibang sangkap nang makita niya ang nakahilerang mga dinaing na isda. "Gusto ko ito. Mahilig sa mga daing-daing si Tito Mauricio. Tiyak na matutuwa iyon." Inamoy-amoy niya ang tuyo. Bagong gawa pa lang iyon. "Isang kilo po nito. May danggit po ba kayo?"

"Heto ang danggit namin," anang tindero at inilahad ang kamay sa taklaksan ng malalapad na pinatuyong isda.

"Whoa?!" Napanganga siya nang makita kung gaano kalaki ang isda sa harap niya. Kasing laki ng palad niya ang danggit na tinutukoy nito. "Danggit talaga ito? Parang malaking masyado. Baka naman iba iyan sa danggit na binebenta sa Cebu."

"Danggit iyan. Malaking danggit. Baka nahahayaan silang lumaki at di nahuhuli agad kaya ganyan kalaki. Basta danggit iyan. Bilhin mo na," udyok ni Vance sa kanya. Mukhang naa-amuse ito sa isda.

"O-Okay," aniya at bumili ng dalawang kilo. Pati ibang mga daing na isda ay bumili din siya. Hindi niya alam kung gaano karami ang nabili niya. Sa sobrang mura kasi ng paninda ay nalilibang siya.

Namimili siya ng kakanin nang kalabitin siya ni Vance. "Baka hindi na tayo makadala nito," anito at ngumuso sa hawak nitong pinamili niya. His hands were full. Bukod pa iyon sa santambak na bitbit niya. Magmamaneho pa ito.

"Magta-tricycle na lang ako. Bibili pa ako ng kakanin."

Bumuntong-hininga ito. "Fine. Pero nakasunod lang ako ang motor ko."

"Opo." Overprotective si Vance sa kanya. And that was okay with her. Dati kasi ay naiinis siya sa pagguwardiya nito sa kanya. Nasanay na siyang inaalagaan siya nito. And she liked it. She loved the feeling that was cherished and protected. Ni hindi ito umangal sa dami ng bitbit na pinamili.

Tuloy-tuloy sila sa kusina dala ang pinamili pagdating ng beach house. Nagtaka si Phoenix nang hindi pa rin siya iniiwan ni Vance. "O! Bakit nandito ka pa?"

"Tutulungan na kitang magluto. Sabihin mo lang sa akin kung anong gagawin ko," sabi nito at naghugas ng kamay.

"Kaya ko na ito. Mag-relax ka lang." Tutulungan naman siya ni Mina na magluto. Saka wala naman yatang alam si Vance sa kusina.

"Para maging secure ang pakiramdam ko na di mo lalagyan ng gayuma ang pagkain ko at para kiligin ka rin sa akin."

"Kapal mo talaga. Magpabaga ka na lang ng uling sa labas," utos ni Phoenix para lang tantanan siya ng lalaki. "Ikaw na ang mag-ihaw ng isda at pusit. Ako na ang bahala dito."

"Okay," anito at bigla siyang kinintalan ng halik sa pisngi.

Natigagal siya saglit at gulat itong nilingon. "Anong..."

He smiled sheepishly. "Para kiligin ka lang."

"You are incorrigible!"

Pero tumawa lang siya. Sanay na siya sa panunukso at pang-aasar hindi. Hindi naman pala nakakainis kapag hindi niya ito sineryoso.

Pero mukhang big deal iyon dahil nararamdaman niya ang pagpitlag ng puso niya. Kailangan ay maging malinaw na sa kanya kung ano ba talagang nararamdaman niya para dito. Malapit nang sumabog ang puso niya.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now