Chapter 5

1.7K 47 0
                                    

Nakangiwing pinagmasdan ni Phoenix ang eleganteng dress at strappy high heeled sandals na ipinadala sa kanya ni Vance para isuot niya sa party na pupuntahan niya kasama ang ka-date niya, kung sinuman ito. It was too elegant for her taste. At tiyak na sa dulo ng gabi ay patay na ang mga ugat niya sa paa. For a jeans-and-shirt girl like her, this spelled as an ordeal for her. She could only take so much.

Sa sobrang depress niya ay tinawagan niya ang kaibigang si Janine Karla o JK. Gaya niya ay nakabakasyon din ito ngayon pero kasama ang nobyo nito sa London na assistant curator ng British Museum sa Cairo, Egypt.

"Hello," sabi nito nang sagutin ang tawag niya sa Viber.

"Salamat naman at sinagot mo ang tawag ko. I really need someone to talk to right now."

"Huhulaan ko. Nai-stress ka dahil sa ka-date mo."

"No. Worse than that. May idineliver dito na kahon na may peach gown at gold strappy sandals." Puno ng disgusto niyang pinagmasdan ang damit at sapatos na nakalatag sa kama. " It means I have to put on make up, right? This is a mess! Ayokong mag-make up."

She knew how to put on make up. Saktong make up lang. The dress called for an alluring effect to make it more effective. At ayaw niya ng ganoon. She wanted to look as drab as possible. Hindi parang inaakit pa niya ang sinumang makaka-date niya.

"Mukhang napaka-espesyal ng ka-date mo at gusto siyang ma-impress ng tito mo."

"Yes." Her uncle wanted Phoenix to look her best. Hindi katulad ng mga nakaraang lalaki na madali para sa kanya na sindakin at bigyan ang mga ito ng karima-rimarim na impresyon sa kanya, nariyan na si Vance para tiyakin na hindi mangyayari iyon. Bilang tapat na alagad ng Tito Mauricio niya, nariyan ito para tiyakin na hindi siya papalpak. Heto na naman siya. Parang bata na kailangang suhetuhin at bantayan.

"Why did I sign up for this again?" tanong ni Phoenix at nanlulumong umupo sa kama.

"Dahil mahal mo ang Tito Mauricio mo. Iyan na nga lang ang hihingin niya, hindi mo pa kayang ibigay," paalala ng kaibigan sa kanya.

"Parang napakasamang pamangkin naman ang dating ko."

"Iyan na ang huling hinihingi niya sa iyo. Hindi ang magpakasal sa kung sinong lalaki kundi imi-meet mo lang ang lalaking ito. Kung hindi mo siya gusto, wala naman siyang magagawa. Aalis ka ng Pilipinas at babalik ka ng Egypt. Ikaw pa rin ang masusunod sa huli. Isipin mo na lang na isa kang sinaunang reyna kaya natural na ganyan ka kaganda."

Ipinilig ni Phoenix ang ulo at tumayo. "Fine. Bahala na."

Wala naman siyang magagawa kundi pikit-matang gawin ito. Isang gabi lang naman ito. Matapos isuot ang peach dress ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Iniwan niyang nakalugay ang itim, mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok. Effortless. Now for the make up...now that would be a big problem.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. Binuksan niya ang pinto at sumilip. "Yes?"

"Hello, Phoenix," anang magandang babae sa kabila na nakasuot ng smart casual na polo and skirt.

"Judith!" excited niyang wika at niyakap ang sekretarya ng Tito Mauricio niya na ngayon ay sekretarya na ni Vance.

Puno ng paghanga siya nitong pinagmasdan. "Oh, look how you've grown."

"And look at you. You look like late twenties instead of mid-forties. That is so unfair!" Ito ang babaeng mas gumaganda habang tumatanda. Minsan ay wala naman siyang pakialam sa itsura niya dahil natural lang sa trabaho niya na hindi intindihin kung anong itsura niya. Pero may pagkakataon din naman na di niya maiwasang kainggitan ang mga magagandang babae gaya nito na parang effortless ang kagandahan.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now