Chapter 4

1.7K 54 1
                                    

Binigyan ni Phoenix si Vance ng nang-iinis na ngiti. Alam niyang kung may isang topic itong iniiwasan gaya niya, iyon ay ang pagpapasakal.

"Oo nga pala, Vance. Wala ka pa bang planong pakasalan si Nerissa?" tanong ni Mauricio at ito ang binalingan ng tingin.

Biglang namutla si Vance. Mabilis nitong ininom ang isang basong tubig dahil mukhang mahihirinan ito. "B-Break na po kami, Ninong. Noong isang buwan pa."

"Wala ka bang bagong girlfriend? Iyong masasabi mong pwede mo nang iharap sa altar at mabibigyan na ako ng apo," animo'y excited na sabi nito.

"Malayo pa sa isip ko, Ninong."

Pareho silang napangiwi ni Vance nang hampasin muli ni Mauricio ang mesa. "Ano ba kayong dalawa? Wala kayong planong magsipag-asawa? Aba'y gusto ko nang magkaroon ng apo at makita kayong lumagay sa tahimik."

"Tito, I'm really sorry," anang si Phoenix. "It's just that I am happy with my life. Kahit na wala akong boyfriend. Kahit na wala akong asawa o anak, okay lang po ako."

"Ano? Ang pagkakalkal ng buhangin sa disyerto at mag-aral ng mummy?" tanong ni Mauricio.

"Pero iyon po ang buhay na gusto ko, Tito. I want to discover my past," makahulugan niyang sabi.

Natigilan si Mauricio. "No! You won't do that. Ang Mama mo... sinuway din niya ang gusto ko nang...."

Biglang hinawakan ni Vance ang braso nito. "Ninong," anito sa nagbababalang boses at binigyan ito ng makahulugang tingin.

Natigilan si Mauricio at huminga ng malalim. "Nabuntis agad siya nang hindi man lang nakakatapos ng pag-aaral."

"Iba po ako kay Mama. Nakatapos na po ako ng pag-aaral. May propesyon na po ako. Hindi rin ako nagkaroon ng anak sa pagkadalaga." Hindi pa siya nagkakaroon ng "buhay" na boyfriend. At pakiramdam niya ay baka amagin na siya dahil mahirap makahanap ng lalaking pinapangarap niya.

"Oo. Pero sana magkaroon ka na ng pamilya. Ayokong mag-isa ka sa buhay," malungkot na usal ni Mauricio.

Tumayo si Phoenix. "I'm sorry pero hindi ko masusunod ang gusto ninyo. Dahil aalis na ako sa isang linggo para ituloy ang trabaho ko."

"Hindi ka babalik sa Egypt!" Ibinagsak ni Mauricio ang kubyertos sa pinggan at lumikha iyon ng ingay na nakapagpapatda sa kanila ni Vance. Nadarama niya ang pagkaalarma sa parte nito.

Subalit hindi natinag si Phoenix. "Tito, I know you love me. And I love you, too. But I hope you'll understand. Ito ang paraan ko para mas makilala ko ang sarili ko," malumanay niyang wika bago tuluyang iniwan ang hapag.

Alam niyang nasasaktan ang kanyang tito sa ginawa niyang pagsuway sa kagustuhan nito. It's just that marrying or helping out with the business was not a part of her plan. She had this fierce determination to discover her past. Isa pa ay archaeology na ang buhay niya. Hindi sa isang opisina ng construction company kung saan parang wala naman siyang silbi.

Sapat na siguro na sa loob ng halos isang buwan ay pinagbigyan niya ang tiyuhin niya sa pagpapakilala sa kanya sa kung sinu-sinong lalaki. Wala na itong magagawa kung wala siyang interes sa mga ito o magkanobyo o mag-asawa. Hindi naman iyon ganoon kasimple. At hindi kailangang i-define ang isang babae dahil sa pagkakaroon ng nobyo o asawa. A woman or even a person is defined by being free to be who she wanted to be and being happy about it.

Nagkukulong si Phoenix sa kuwarto niya at naghahandang matulog nang may kumatok sa pinto. "Sino iyan?"

"Ako ito," sabi ni Vance.

Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya? Ang totoo ay napapagod na siya na dahil sa argumento kanina. Ayaw na niyang dagdagan pa iyon. Mas gusto niya na may lakas siya kapag hinarap si Vance.

Bahagya lang niyang binuksan ang pinto at sinilip ito. "What?"

"Can we talk?" malumanay nitong tanong.

"Aasarin mo na naman ako?" Hahalikan na naman siya hanggang muntik nang mabaliw saka pagtatawanan? "Don't waste my time. Mas gusto kong magpahinga," aniya at lumayo sa pinto para isara iyon. Mas gusto niyang magpahinga.

"I am here to beg."

Akmang isasara ni Phoenix ang pinto nang matigilan siya. "Beg?" tanong niya at muling isinilip ang ulo sa pinto.

"Yes. Grovel, magmakaawa, manikluhod. I will do anything. Basta makinig ka lang sa akin."

Tumaas ang kilay niya at nilakihan ang bukas ng pinto. "Oh, I must see this. This must be something very interesting." Si Vance Antiporda, magmakakaawa sa kanya? Ha-Ha-Ha! "Magmamakaawa ka ba na huwag akong umalis para kay Tito Mauricio?"

"No. Gusto ko lang sanang pakiusapan ka na pumayag sa isang huling date."

Umungol si Phoenix. Bakit di na lang ito mag-request na magpagulong-gulong siya mula sa tuktok ng Mt. Apo pababa. Parang mas madali iyon. "At sino na naman boring na lalaking ipapa-date niya?"

"Titiyakin ko sa iyo na hindi ka mabo-bore sa date mo bukas."

"Hindi na ako naniniwala diyan." Nakailang boring na lalaki na ba ang dumalaw sa bahay niya o ipinakilala sa kanya sa parties? Nagbakasyon siya para mag-enjoy kasama ang tiyuhin niya. Hindi ang i-entertain ang kung sinu-sinong lalaki.

"Come on! Ihulog mo ako sa bangin kapag hindi ako nagsasabi ng totoo."

The idea suddenly perked her up. "Now you got my attention."

"At hindi na kita aasarin kahit kailan oras na pagbigyan mo ako."

"Huwag kang gumawa ng pangako na hindi mo tutuparin." Parang imposible yatang mangyari na hindi siya nito aasarin at gaya nang imposible na magugustuhan niya ang kung sinumang ipapa-date nito sa kanya.

"Fine. Isang huling pagkakataon para kay Ninong Mauricio. Tutal paalis ka naman na. Ano naman ang masama sa isa pang date?"

Oo. Dismayado sa kanya ang tiyuhin niya. At masakit para sa kanya na makita iyon sa mukha nito. He did a lot for her. Ito na ang tumayong magulang niya. Pakiramdam niya ay napakasama niya kung bibiguin siya nito.

Bumuntong-hininga siya. "One last chance? Just this once."

"Yes. Last na ito."

"Fine. Basta ihuhulog kita sa bangin kapag hindi ako matutuwa sa ipapa-date mo sa akin bukas."

"Make me your sex slave forever, baby. My body is all yours if you won't be happy tomorrow."

Natigilan si Phoenix at napalunok. Parang hindi yata niya gugustuhing gawing sex slave ito. With that kiss a while ago, he made her forget about those dead men she was admiring so much. As if she wanted a hot willing body... Vance's body.

Itinaas ni Phoenix ang mga kamay na parang natatakot siyang lumapit si Vance at bigyan siya ng sample sa pagiging sex slave nito. "No, thanks. Okay na sa akin na ihulog ka sa bangin."

Hinawakan nito ang kamay niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. His eyes were smouldering. "Goodnight. See you tomorrow."

Tomorrow? Bakit magkikita sila bukas? Ano ito? Chaperone sa date niya? Whatever. Kung sinuman ang lalaking iyon ay pareho din ang resulta. She would leave the country anyway.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now