Chapter 18

1K 10 0
                                    

Naalala ni Phoenix dati kung paanong ayaw ni Vance kapag brownout at madilim. Na ayaw nito kahit sa mga horror house. Ayaw din nito sa sinehan. Mas gusto nitong manood na lang ng pelikula sa bahay kung saan bukas ang ilaw.

"Ah! Gusto ko na sa dilim. May mga babaeng takot sa dilim kaya kailangan kong maging matapang para sa kanila. May mga babae namang gusto ang dilim. Where's the fun if I'm afraid of the dark? I have to be prepared."

Tumalim ang mga mata niya. "Okay. Nandiyan ka na naman." Wala na ba itong ibabanat kundi sexual innuendo?

"Sino naman ang nagbukas tungkol sa dilim na iyan? Ikaw itong mahilig sa dilim. Gusto ko lang sabihin na wala kang dapat alalahanin sa akin."

"Wala bang babaeng magagalit sa akin dahil kasama mo ako ngayon?"

"Marami."

"Uh oh!" usal ni Phoenix. Ang huling bagay na gusto niya ay makipag-away sa kahit na sinong babae tungkol kay Vance. Malay ba niya kung may ex-girlfriend o fling ito sa paligid-ligid o babae na galing Maynila na maghuhurumentado kapag nalamang magkasama sila sa iisang bubong sa loob ng isang linggo.

"But it is none of their business whoever I want to bring here. Kung sino ang kasama ko. I am a free man. Pwede kong gawin ang kahit anong gusto ko."

So he was single. Or in between relationships... kung relasyon nga ang tawag nito sa romantic liaisons nito. "Sabagay wala naman silang dapat na pagselosan sa akin. You are not my type after all," pakli niya.

Sinapo ni Vance ang dibdib at umaktong nasaktan. "Ouch! Medyo masakit iyon sa ego ko."

Hinaplos niya ang likod nito. "Huwag kang masaktan. Wala lang sa panahong ito ang tipo ng lalaking gusto ko."

"Yeah! Like Thutmose II."

"And Rhamses The Great, Alexander the Great, Atilla the Hun and Jose Rizal," pag-iisa-isa niya sa mga sikat na pigura sa kasaysayan na malapit sa puso niya.

"Puro mga patay na ang mga iyon. Hindi mo man lang ba sinubukan na makipag-date sa normal na lalaki? Humihinga at hindi kalansay na lang ng yumao na?"

Umiling siya. "Nope."

"Kahit noong nag-aaral ka na sa abroad? Ang alam ko mas liberated ang mga tao doon."

"At hindi ka na parang guwardiya sibil na bakabuntot sa akin? Hindi na. Sabihin na nating hindi ganoon kainteresante ang mga nakaka-date ko. At hindi rin sila interesadong maka-date ang isang archaeolgy student or archaelogist mismo. It is not exactly a glamorous job. Imagine slaving myself studying dead people and their culture. Napaka-boring para sa kanila. Hindi nila masisikmura na naghahapunan kami pero mga patay na nilalang na ang pinag-uusapan namin."

"Basta ako nakikinig ako sa iyo kapag nagku-kwento ka tungkol sa trabaho mo. Naalala mo nang ikwento mo sa akin ang fascination mo sa mummies? Ipinaliwanag mo pa sa akin ang pagkakaiba ng mummification sa Egypt sa mummication sa Pilipinas."

Napanganga si Phoenix. Akala niya ay walang natatandaan si Vance sa sinasabi niya habang nakatitig ito sa kanya. That was years ago. Paano ay sinabi lang nito na maganda siya kahit ang pinag-uusapan nila ay ang pagpe-preserba ng mga namayapa na. Kaya akala niya ay hindi siya nito sineseryoso or he was trying to mock her.

Kung ganoon ay ito lang ang lalaki hindi niya kapareho ng propesyon na nakikinig sa trabaho niya. Ang ibang lalaki kasi kundi nandidiri sa sinasabi niya ay iniiba ang topic at nagkukwento tungkol sa sarili nito para maiba lang ang usapan.

Ngayon lang yata niya nalaman iyon. Akala kasi niya ay lagi na lang itong nang-aasar. "Thanks for listening, Vance. I...I really appreciate it."

"No problem."

Siguro sa susunod ay hindi rin niya ito dapat basta-basta husgahan. Mukhang marami pa siyang matutuklasan tungkol kay Vance.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ