Chapter 6

1.6K 49 1
                                    

"WHAT?" nanlalaki ang matang bulalas ni Phoenix at at hinagilap ng kamay ang handle ng pinto. Ang instinct niya ay tumalon na palabas ng sasakyan ni Vance.

Nag-hyperventilate siya. Si Vance ang ka-date ko. Si Vance ang ka-date ko.

Hindi niya inaasahan ito. Anong naisip ng tiyuhin niya at sa dinami-dami ng lalaki ay ito ang ipapa-date sa kanya? Mas gugustuhin pa niyang tumalon sa labas ng sasakyan at gumulong-gulong sa abalang kalsada ng EDSA kaysa maka-date ito. Subalit kahit anong hila niya sa handle ng pinto ay hindi iyon bumubukas.

"Huwag mo nang tangkaing tumakas. It's stupid to jump off a moving car. Buti na lang naka-power lock iyan," anang si Vance sa amused the tono.

Umungol si Phoenix. Hindi magiging madali ito para sa kanya ito. Alam na ni Vance ang strategy niya para itaboy ang mga manliligaw niya. Knowing that she must endure a whole night with him as her date was horrible enough.

"I am not a monster," sabi ni Vance.

"You are worse than that," aniya sa naggigiyagis na ngipin. "You treat your women like trash. Pagkatapos mong gamitin at pagsawaan ay itinatapon mo na lang."

Nagsalubong ang kilay nito. "That's not a nice picture. Hindi ko alam kung paano mo nasabi iyan. Hindi pa naman kita nakaka-date o nagiging girlfriend. Nakausap mo na ba ang mga babae ko?"

Humalukipkip si Phoeniv at tumingin sa labas ng sasakyan. "No!" Hindi naman ganoon klaseng babae ang nakakasalamuha niya o kinakaibigan niya.

"Exactly. You didn't get that directly from the source. Baka gawa-gawa mo nga lang iyan. That's unfair, Phoenix. Kung talagang basura ang trato ko sa kanila, bakit nagmamakaawa silang bumalik sa akin. Handa silang gawin ang lahat huwag lang mawala sa buhay ko."

Umikot ang mga mata niya. "You are disgusting. Mga wala sigurong isip ang mga babaeng nagpapakahangal sa iyo."

Come on! Sinong babae ang papayag na itapon na lang basta pagkatapos paglaruan at magmamakaawa pa? Hindi siya magmamakaawa sa isang lalaki kahit na kailan. Kung ayaw nito sa kanya, mas lalong ayaw niya dito.

"And I dont think you are a stupid woman." Ngumiti si Vance. "Kung sa palagay mo ay uutuin lang kita, hindi mo kailangang maniwala. Hindi ko na kasalanan iyon kung ma-inlove ka man sa akin."

"That's an unlikely scenario. Hindi iyon mangyayari iyon. Not in this lifetime. Never."

"Too bad. Hindi kasi ako tulad ng ibang lalaki diyan na basta mo lang maitataboy. Alam ko na ang strategy mo para itaboy mo ang mga lalaki sa paligid mo. Una, hindi ako insecure o takot sa boyfriend mo na royalty. And I have a thing for girls who like musty and old mummies for a boyfriend."

"Manahimik ka nga! Sabi mo sa akin hindi mo ako aasarin."

Puno ng kompiyansa itong ngumiti. "I like you really. Bakit pa pumayag ako dito?"

Isinandal ni Phoenix ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. "Sana nalaman ko na ikaw ang ipapa-date sa akin ni Tito. Parang gusto ko nang magka-hyper acidity sa iyo."

"Meron akong gamot para diyan," alertong sabi ni Vance at ngumuso sa compartment. "Buksan mo diyan. May mineral water din ako."

"Smart ass! Why do you have the answer for everything?" she asked in an acidic tone. Wala siyang kawala dito.

"Bakit kailangan mo akong kontrahin nang kontrahin? Bakit hindi mo ako pagbigyan? Sabi mo sa akin pagbibigyan mo si Ninong sa sinumang gusto niyang ipa-date sa iyo. Hindi naman ako gagawa ng kahit ano maliban na lang kung gusto mo." At naglaro ang mapanuksong ngiti sa labi ni Vance.

Mariing nagdikit ang labi ni Phoenix at kinuyom ang palad. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya. Kailangan niyang pigilan ang pagsabog ng emosyon niya. Huminga siya ng malalim. Huli na ito para sa Tito Mauricio niya. Kaya niya ito.

"Fine. But keep your hands to yourself. O malilintikan ka talaga sa akin," banta niya. "Basta mag-behave ka lang."

Just one night. Pero sa palagay niya ay hindi magiging madali ang lahat lalo na't si Vance ang kasama niya. Hindi niya alam kung magbe-behave nga ito. O kung hanggang kailan ito kakayanin ng pasensiya niya.

Hearts Never Lie #Wattys2019  | On holdWhere stories live. Discover now