Teaser

7.3K 97 2
                                    

“Hindi ka pumalag. Hinawakan mo rin ako. Puwede ko na bang bigyan ng kahulugan ito?”

Ang buhay ni Kit ay parang kay Cinderella. Mayroon siyang stepmother, dalawang stepsisters, at kagaya ng sikat na prinsesa sa kuwento, inaapi rin siya ng stepmother at stepsisters. Ang tanging ipinagkaiba ng buhay niya sa buhay ng fictional character ay lalaki siya.
Samantala, namumuhay naman si Cinderella o “Cindy” kagaya ng sa isang prinsesa sa kuwento ni Cinderella. Maganda, mayaman, at isa siyang tagapagmana.
Worlds apart ang mundo nina Kit at Cindy. At kagaya ng karaniwang kuwento ng pag-ibig, walang pumabor sa pag-iibigan nina Kit at Cindy. Nagkalayo sila. Pagkalipas ng tatlong taon, hindi na si Kit ang lalaking unang nakilala ni Cindy. Matagumpay na ito at nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Ito na ang tipo ng lalaking tatanggapin ng mga magulang ni Cindy para sa kanya. Hindi nagbago ang kanilang damdamin para sa isa’t isa. Ngunit hindi na puwedeng ipagpatuloy ang pag-iibigan nila dahil nakatakda na si Cindy para sa ibang lalaki…

-----

Attached is the photo of the original cover of the book :)

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now