20

1.2K 42 1
                                    

HINDI na nagtaka si Cindy nang pangalawang beses niyang maggising ngayong araw ay hindi niya nabungaran si Kit. Kaninang alas singko ng umaga ay ginising siya nito at sinabing kailangan nitong umalis dahil nagkaproblema sa division nito at kailangan ng immediate atensyon nito. Dahil hindi pa gustong umuwi ni Cindy, sinabi niya kay Kit na hindi siya sasama pauwi. Mananatili siya sa farm at aantayin na lang muli ang pagbabalik nito. Ipinangako naman nito na kapag natapos kaagad ang problema ay babalik ito. Probably daw ay bago dumating ang hapon ay makabalik na ito muli roon.

Natulog muli si Cindy pagkatapos magpaalam ni Kit. Alas otso na ng umaga nang maggising muli siya. Hindi man niya nabungaran si Kit sa kanyang muling paggising, nakaramdam pa rin siya ng saya nang masilayan niya ang ganda ng araw ngayong umaga. Tila ba nasa ayos ang lahat. Kagaya ng pakiramdam niya ngayon kahit wala si Kit sa tabi niya. Lubos na nagtitiwala siya kay Kit kaya naman kahit wala ito sa tabi niya, ramdam niya na magiging maayos pa rin ang lahat. Pagkatapos ng lahat, ano pa ba ang mangyayaring masama kung wala si Kit sa tabi niya? Nasa bahay siya nito. Alam rin niya na pangangalagaan ni Kit ang sarili nito dahil bilin niya iyon rito.

Lumabas na siya ng kuwarto at pumunta sa kusina. Kailangan na niyang kumain ng almusal. Ngunit bago pa niya maggawang magluto ay nakita na niya na may mga pagkain sa lamesa.

Breakfast for my princess. Have a great morning! May note pa na nakalagay mula roon. Lalong gumanda ang pakiramdam ni Cindy. Pinapakita lang noon kung gaano siya pinapahalagahan ni Kit. Pakiramdam niya ay siya na talaga ang pinakamasuwerteng babae sa mundo. Hindi na rin niya sasabihin na hindi niya gusto na maging prinsesa kung ganoon rin naman ang magiging trato ng prinsipe sa kanya.

Naglagay ng mental note si Cindy sa isip na tatawagan si Kit pagkatapos niyang kumain. Sa ngayon ay gutom na siya. Pero bago niya pa maggawang kausapin si Kit pagkatapos niyang kumain, may dumating na hindi niya inaasahan sa bahay ni Kit.

Isang babaeng hindi niya inaasahan at ni hindi rin niya kilala...

"Sino ka?" mataray na wika pa ng babae. Agang-aga ay ayos na ayos na kaagad ito at gustong ma-insecure ni Cindy dahil samantalang siya ay hindi man lang naisip na magsuklay.

Kung paano nakapasok ang babae roon ay ikinabahala ni Cindy. Nang mapadaan siya kanina sa sala ay nakita niya na naka-lock ang pinto. Iyon lang ang nag-iisang daan papunta sa labas. Kaya kung walang susi ang babae, hindi ito makakapasok roon.

"Ahmm... sa tingin ko ay ako dapat ang magtanong sa iyo niyan, Miss. What you're doing is trespassing and---"

"Trespassing?" tumaas ang kilay ng babae. "Bahay ito ni Kit!" pagkatapos ay inilibot nito ang tingin sa paligid na para bang sinisigurado kung tama ito ng lugar na pinuntahan.

"Alam ko. Kaya nga ako nandito dahil---"

"Shoes!" naputol ang pagsasalita ni Cindy nang bigla na lamang magsalita ng wala sa pinag-uusapan ang babae. Dahil sa paglilibot nito ng tingin, nahagip nito ang isang bagay na itinabi niya sa tabing parte ng bahay. Pumunta ang babae sa kinaroroonan ng sapatos at kinuha iyon. "What a beautiful shoes!" isinukat pa nito ang sapatos.

Lumapit si Cindy sa babae. Sa kung anong dahilan ay nairita siya sa ginawa ng babae. Basta na nga lang ito pumasok sa bahay ng nobyo niya, basta na rin lang nito kinuha ang sapatos na binili sa kanya ni Kit! Simula nang magkaayos sila, iyon na ang naging paborito niyang sapatos kaya iyon ang suot niya nang magpunta sila sa lugar. May baon lang siyang extra na tsinelas na ngayon ay gamit niya. Ngunit sa kabila noon, ingat na ingat niya ang sapatos.

"Kanino ang sapatos na ito? Sa 'yo?" hindi nagkasya sa babae ang sapatos ngunit hindi iyon dahilan upang bitawan na nito ang hawak.

"Oo, akin 'yan. Kaya please, bitawan mo na 'yan. Importante sa akin ang sapatos na iyan. Bigay 'yan sa akin ni Kit."

Nanlaki ang mata ng babae. "Binigyan ka ni Kit ng ganito kagandang sapatos?"

Kumunot ang noo niya. "Anong mali roon?"

"Hindi ako kailanman binigyan ng ganitong kagandang sapatos ni Kit!" nagngitngit ang babae.

"At bakit ka naman niya bibigyan ng ganyan? Sino ka ba sa buhay niya para maisip mo na maaari kang bigyan ng ganito ni Kit?"

Ibinaba ng babae ang hawak na sapatos. Humalukipkip ito. "Well, ako lang naman ang pinakaimportanteng babae sa buhay ni Kit. Ang babaeng mahal niya!"

Nagulat si Cindy sa sinabi ng babae. Sino nga ba talaga ang babaeng ito? May mga bagay pa ba na itinatago sa kanya si Kit?

Puwede. Isa na sa maaaring magpatunay sa kanya ay kung bakit may susi ang babaeng iyon sa bahay nito.

Pero ayaw isipin ni Cindy na ganoon. Nagtitiwala siya kay Kit. Mahal siya nito. Nirerespeto siya nito. Kagabi ay hindi nito sinira ang tiwala niya rito at ng kanyang ama. Kahit nasa iisang bahay lang sila, hindi nito ipinilit na magtabi silang matulog. Natulog ito sa kabilang kuwarto. Hindi nito gustong gumawa ng mga bagay na hindi pa nararapat dahil hindi pa naman sila kasal.

Kinalma ni Cindy ang sarili. Kung nagtitiwala siya kay Kit, nagtitiwala siya na kung sino man ang babaeng ito sa buhay ni Kit, hindi iyon ikasasama ng relasyon nila.

"Anong pangalan mo?" nagsimula sa pag-iimbestiga si Cindy sa pamamagitan ng tanong na iyon.

"Anastacia," sagot naman agad nito.

Natulala si Cindy nang maalala na parang pamilyar ang pangalan na iyon. Napatiim-bagang siya nang maisip kung sino nga ba ito sa buhay ni Kit.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now