15

1.2K 38 0
                                    

NAGGISING si Cindy na hindi na nagtaka na hindi pamilyar sa kanya ang silid na nabungaran. Pagkatapos nilang ma-rescue ni Kit sa loob ng freezer ay inabisuhan sila na magpahinga muna sa clinic kaysa ang ipagpatuloy ang ginagawang inventory counting. Dahil bukod sa tingin ni Cindy ay na-stress siya sa nangyari, pinili rin niya na sundin ang utos para na rin maiwasan si Kit. Kung makakatulog siya ay hindi na niya kailangan pa na makasama ito. Pero mali ng inakala si Cindy dahil nang maggising siya ay nakita niya pa si Kit na nakabantay sa kanya.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Pinigilan ni Cindy na matuwa sa nakitang concern nito. "Anong ginagawa mo rito?"

"Binabantayan ka. Nag-aalala ako sa 'yo. Ilang oras ka rin na nakatulog. Siguro ay pagod na pagod ka talaga dahil sa nangyari. Pero sana ay okay ka na ngayon."

"I'm fine. Maaari ka ng umalis," wika ni Cindy at tumayo ng kama. Tinignan niya ang kanyang relo. Lagpas alas dose na ng tanghali.

"No. Sasamahan na kita mag-lunch. O kung gusto mo, sasamahan na rin kita na umuwi. Binigyan na tayo ng permiso ng mga personnel na umuwi dahil na rin sa nangyari."

"Uuwi na lang siguro ako." Hindi na niya gustong gawin ang trabaho dahil baka may tsansa pa na makatrabaho niya muli si Kit. Pagkatapos ng mga nangyari ngayon, lalo lamang niya na napatunayan na may nararamdaman pa rin siya rito. Hindi pa rin niya gustong maramdaman iyon dahil alam niya na bukod sa mga sugat, marami pa rin na dapat ikonsidera.

"Okay. Sasamahan na kita,"

Tumaas ang isang kilay ni Cindy. "Ang ibig mong sabihin, sa parking lot?"

"No. Sasamahan na kita pauwi. Nakita ko kaninang umaga na sumabay ka lang sa Daddy mo. Pero dahil may business trip siya ngayon, hindi ka niya mapupuntahan---"

"Tatawagan ko ang family driver namin."

"Gusto mo pa ba na manggulo, Cindy? Inaalok na kita nang mabilis na paraan,"

Tinitigan niya si Kit. Sa totoo lang ay hindi siya sure kung available rin ang family driver nila dahil ang alam niya ay may lakad rin ang kanyang Mommy. Hindi niya naman nadala ang kotse ngayong araw dahil coding iyon. Kung gusto nga niya na makauwi, isang magandang ideya ang patulan ang inaalok ni Kit.

"Determinado ka talaga, ha?"

Tumango at ngumiti si Kit. "Nasabi ko na ang lahat sa 'yo, Cindy. Gusto kita. Mahal pa rin kita."

Natigilan si Cindy sa sinabi ni Kit. Sandali rin siyang hindi nakapagsalita. "Hindi..."

"Hindi rin. Hindi ko gusto na minamali mo ako, Cindy. Dahil totoo iyon. Hindi mo pa nararamdaman? Ayaw ko na nasasaktan ka. Gusto ko na protektahan ka, bantayan ka, dahil mahal pa rin kita. Kaya ako pilit na bumabalik sa buhay mo ngayon ay dahil mahal pa rin kita."

"Pinaasa mo ako, Kit."

"At nagkamali ako, oo. Pero sana ay nakita mo rin na mali rin ang dati. Dumating ka sa mga panahong inaayos ko pa lamang ang buhay ko. Maaari man na maging masaya tayo pero hindi tama ang lahat.

"Alam ko na nasaktan kita, Cindy. Pero ginawa ko lang ang nararapat. Umalis ako sa buhay mo para magsikap. And look at me now. Kaunti na lang, masasabi ko na magka-level na tayo. Hindi na rin tayo kukutsain ng mga tao dahil sa relasyon natin. May narating na ako. Lumayo ako sa buhay mo upang ayusin ang buhay ko para sa pagbabalik ko, hindi na ako magiging mababa kapag magkatabi tayo. Para gustuhin rin ako ng mga magulang mo para sa 'yo.

"Mahirap man na intindihin ang ginawa ko pero inisip ko lang na mas makakabuti iyon. Ayaw kong i-drag ka sa mahirap na buhay ko noon. You don't deserve it, Cindy. Hindi nararapat sa 'yo ang klase ng tao na ako noon. Kaya ito ako. Nagsikap ako. Para sa 'yo. Lahat ng tagumpay na nakuha ko sa nakalipas na tatlong taon, lahat ng iyon ay para sa 'yo."

Lumambot ang puso ni Cindy. Nang hawakan rin siya ni Kit ay nadamay rin pati ang tuhod niya. Mabuti na lang at pinaramdam sa kanya ni Kit na libre itong hawakan kaya naggawa niya. Napangisi pa si Kit dahil sa ginawa niya. "Hindi ka pumalag. Hinawakan mo rin ako. Puwede ko na bang bigyan ng kahulugan ito, Cindy?"

Namula si Cindy. Nag-iwas siya ng tingin at kumawala na rito dahil hindi niya gustong inisin. "Iuwi mo na nga lang ako,"

Nagliwanag ang mukha ni Kit. Ngumiti rin ito. "Kung ganoon ay kailangan ko lang pala sabihin ang mga magic words at magpaliwanag para kahit papaano, umamo ka rin sa akin."

Masasabi ni Cindy na nakatulong ang mga salitang iyon. May punto rin ang sinabing iyon ni Kit. May dahilan naman talaga ito kaya ito umalis. Siya lang ang nag-isip na masaktan. Pero hindi siya masisisi. Nasaktan siya. Inisip na iniwan dahil hindi siya lubos na mahal. Hindi siya naggawang ipaglaban ni Kit. Hindi nito sinunod ang gusto niya. Dahil sa desisyon ni Kit, napuwersa siya sa buhay na hindi niya gusto.

Pero sa mga paliwanag ni Kit ngayon, naramdaman niya na nabawasan ang sakit. May punto ito. Aminado siya na may mali rin naman siya pero mas naramdaman niya iyon ngayon. Pinili lang ni Kit ang mas makabubuti para sa kanilang dalawa...

Nagkakaroon na kay Cindy ng sense ang lahat. Pero alam niya na hindi pa rin doon natatapos ang lahat. Tama na ba talaga ang lahat ng mga paliwanag? Isa pa, may mga bagay pa na dapat na ikonsidera---isa na roon ay ang pamilya niya. Hindi niya sigurado kung may alam na ang kanyang pamilya tungkol sa pagiging empleyado ni Kit sa kompanya. Iniisip niya kung magugustuhan ba ng mga ito si Kit. Kahit na ba iba na ang sitwasyon ngayon ni Kit, iba pa rin ang pinanggalingan nito. Hindi ito galing sa isang mayamang pamilya na kagaya nila. Isama pa na nagsabi na siya sa kanyang ama na mag-set na ng lalaking i-arrange para sa kanya at kagabi lang ay sinabi nito na may napili na ito.

Kung ano pa man ang gusto ni Kit tungkol sa kanila, malabo na rin iyon. May lalaki ng para sa kanya at kagaya ng dati, hindi rin magiging madali ang daan kung ipaglalaban nila iyon. Natuto na rin siya ng leksyon kaya sa kabila ng mga nararamdaman, hindi pa rin niya puwedeng pairalin iyon.

Pero hindi pa huli ang lahat. Kahit papaano ay puwede niya pa rin na aliwin ang sarili sa mga nararamdaman kay Kit. Ngayong araw, pagbibigyan na lamang niya ang sarili.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now