14

1.3K 43 0
                                    

DALAWANG beses sa isang taon ay ginagawa ang inventory counting sa Soriano Food Manufacturing. Tuwing Mid-year at Year End. Tuwing mga panahon na iyon, required na mag-participate ang lahat ng empleyado ng kompanya lalo na kapag huling araw na ng bilangan. Kahit si Cindy na head ng comptrollership division at mataas ang puwesto ay hindi rin puwedeng hindi magpa-participate.

Hindi miminsan na nakapag-inventory counting si Cindy at alam na niya ang proseso noon. Dahil kakaunti lang ang tao nila sa warehouse, madalas ay nagkakaubusan ng warehouse person na sasama sa 'yo para magbilang. Kaya kapag ganoong huling araw na ng bilangan, ginagawa na lamang ay pina-partner ang mga babaeng empleyado sa isang lalaki. At sa pagkakataon na iyon, hindi nagustuhan ni Cindy ang napunta sa kanya.

"Gusto ko na magpalit ng partner," matatag na sabi ni Cindy sa warehouse personnel. Hindi niya gustong makasama si Kit. Dahil narinig niya na marami pa rin ang hindi tama na bilang na items, ibig sabihin lang noon ay maaari na magtagal ang pagbibilang. Noong huling ginawa niya iyon ay inabot sila ng hanggang alas otso ng gabi kahit na ba alas otso rin ng umaga sila nagsimula at tanging isang oras na break lamang ang nangyari. Hindi niya kayang magtagal ng ganoon katagal kasama si Kit.

"Ahmm... Ma'am pasensya na po, hindi na po puwede kasi kayo po ang pinakahuling dumating. Nagsisimula na po ang iba at---"

"Edi pabalikin. Problema ba 'yun?" hindi sanay si Cindy na magtaray pero naiirita siya kay Kit. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

"Gusto mo pa na mang-istorbo ng iba, Cindy? Este Ma'am Cindy," sabat ni Kit. Hindi siya tumingin rito. Wala siyang pakialam rito. Kahit na ba isang linggo na rin simula nang malaman niya na empleyado ito ng kompanya ay hindi niya ito pinapansin. Sa kabila ng araw-araw pa rin na pagpapadala nito ng bulaklak sa kanya, itinatapon niya lang iyon nang paulit-ulit. Hindi na ganoon kalambot ang puso niya kagaya ng dati. Hindi na niya gustong mapalapit rito. Katunayan roon ang hindi niya pagre-research kung paano ito napunta sa kompanya at kung bakit mataas agad ang puwesto nito roon kahit na ba curious siya roon.

"Basta gusto ko na magpalit ng iba," wika pa rin ni Cindy. Akmang lalayasan na niya ito nang hawakan ni Kit ang kamay niya. Pinigilan siya nito at kasabay rin noon ang hindi napigilan ni Cindy na makaramdam ng kuryente na unti-unting dumaloy sa katawan niya.

"Bigyan mo muna ako ng isang matinong sagot kung bakit,"

"Hindi ikaw ang pinakiusapan ko. Bakit kailangan ko na magbigay sa 'yo ng sagot?"

Tumingin si Kit sa warehouse personnel. Yumuko ang personnel. "'Yun rin po sana ang gusto kong itanong, Ma'am."

Napataas ng kilay si Cindy. Pinagkakaisahan ba siya ng mga ito?

Ramdam ni Cindy na nag-iba ang trato sa kanya ng mga tao sa kompanya umpisa nang mapansin ng mga ito na may kakaiba sa turing sa kanya ni Kit. Madalas ay nakikita niya na madalas na nakatitig ang mga ito sa kanya. Tila nagtatanong kung ano ang mayroon sa kanya kung bakit tinatrato siya ng ganoon ni Kit at ganoon na lang rin kung balewalain niya ang mga efforts nito. Hindi rin miminsan nagtanong ng ganoon si Josie, ang kanyang sekretarya, kung ano nga ba ang nangyayari sa kanila ni Kit. Ngunit kagaya ng ginagawa niya kay Kit, hindi na lang rin niya pinapansin ang mga tanong nito.

Ngumisi si Kit. "Bakit nga ba, Cindy? Wala ka naman dapat na ikatakot sa akin. Unless...natatakot ka dahil naapektuhan ka pa rin sa akin."

Nasapol si Cindy. Iyon ang totoong dahilan at hindi niya kayang itanggi iyon sa sarili. Kaya nga pilit na iniiwasan niya si Kit. Pilit na hindi niya pinapansin ito dahil alam niya na kapag ginawa niya iyon, mararamdaman lang niya muli ang mga nakakiliti na damdamin. Dahil roon, natatakot si Cindy. Mahirap kontrolin ang puso. Kahit na ba minsan na nasaktan na iyon ng kapareho na tao ay nararamdaman niya pa rin na pigilan ang mga nadarama. Hawak pa lang ni Kit ay naapektuhan na siya. Sabihin man ng isip niya na huwag magpaapekto, nagpapatuloy pa rin sa pag-iinarte ang kanyang puso. Kaya maigi ng ganoon kaysa naman malagay na naman siya sa alinlangan.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now