10

1.3K 41 0
                                    

HINDI gusto ni Cindy na parang maging teleserye ang kanyang buhay. Pero pakiramdam niya ay ganoon ang nangyari sa kanya ngayon. Ang mas nakakainis pa, talagang ginawa pang madrama ng ulan ang eksena habang inaantay niya si Kit. Usapan nila na magkikita ngayon sa bus station. Niyaya niya ito na magtanan dahil na rin sa hindi ito tanggap ng kanyang mga magulang. Ngunit kagaya ng mga nasa drama, mukhang mangyayari nga yata talaga kay Cindy iyon. At sa pagkakataong ito, siya ang maiiwanan.

Hindi, hindi, hindi. Paulit-ulit na chant ni Cindy. Hindi siya bibiguin ni Kit. Gusto niya na magtiwala. Kahit ramdam niyang alinlangan ito sa gusto niya nang kausapin niya ito tungkol roon ay gusto niyang umasa na susundin siya nito. Mahal siya nito. At kung mahal siya nito, gagawin nito ang gusto niya. Ipaglalaban nito ang pag-iibigan nila kahit na ba may pagkamali na paraan iyon.

"Alam natin pareho na hindi pa kita kayang suportahan, Cindy. Kung gagawin natin iyon, mas lalo lamang na sasama ang sitwasyon." Iyon ang sagot sa kanya ni Kit nang sabihin niya rito ang gusto niyang mangyari.

"Hindi ko kailangan ng suporta mo, Kit. Susubukan ko na magtrabaho kapag magkasama tayo. 'Di ba at sinabi mo ay sa stable ka rin nagtatrabaho dati? Puwede rin ako roon. Basta trabaho na tungkol sa kabayo. Isa pa, hindi rin ako hihiling ng magandang buhay kapiling ka. Sapat na sa akin na makasama lang kita."

"Pero hindi tama ang lahat ng ito. Iiwan mo ang pamilya mo para sa akin? Magbabagong buhay ka para lang magkasama tayo ng walang kahit sino ang tumututol? Ayaw kong baguhin ka, Cindy. Sa tingin ko ay magiging unfair iyon para sa 'yo. Paano ang pamilya mo?"

Naisip rin naman ni Cindy ang tungkol sa mga ito. Mahal naman ni Cindy ang kanyang pamilya. May pagkamahigpit pero mabait ang mga ito sa kanya. Pero masyado ng nasaktan si Cindy. Naiipit na rin siya. Ayaw niya na mangyari iyon. Maraming mga bagay na ipinipilit ang mga ito sa kanya at naiinis na siya sa pakiramdam na wala siyang pagpipilian kung hindi ang sumunod. Kapag nanatili pa siya sa piling ng mga ito, malamang ay mas magiging matindi pa iyon kaysa sa dati.

Hindi ng mga ito gusto si Kit. At alam niya na mahihirapan siyang ipaglaban ito. Kaya gagawin niya ang kahit masasabing kalokohan ay tanging paraan na lang upang magkaroon siya ng kalayaan at iyon ay ang sumama kay Kit.

"Hindi na mahalaga iyon, Kit. Handa akong iwan sila basta makuha ko na lang ang gusto ko. Alam mo na naman ang gusto nilang gawin sa akin 'di ba? Gusto nila akong pumasok sa opisina. Gusto nila akong bitawan ang career ko, ang mahal kong buhay kasama ang mga kabayo. At ikaw ay nadamay rin roon. Hindi ko gusto iyon. Kaya gusto kong lumaya," huminga nang malalim si Cindy. "Mahal mo naman ako 'di ba, Kit? Kung mahal mo ako, papayag ka sa gusto ko na mangyari. Magtanan tayo,"

"P-pero Cindy..."

"Aantayin kita bukas sa bus station papuntang Tarlac. Last trip. Babalik tayo sa probinsya mo. Doon ako magbabagong buhay, doon tayo magsasama..."

Umaasa si Cindy na sisiputin siya ni Kit. Pumayag ito. Pero nang mag-a-alas diyes na ng gabi ay hindi pa rin ito dumarating. Hanggang alas diyes ang huling biyahe ng bus papuntang Tarlac.

"Paalis na ang bus, Miss. Hindi ka pa ba sasakay?" tinignan pa siyang mabuti ng conductor. Pinilit na itago ni Cindy ang kanyang mukha sa pamamagitan ng pagbaba ng suot niyang sombrero. Hindi niya gustong may makaalam ng gagawin niya. Medyo kilala pa man rin siya dahil na rin sa ilang commercials na naggawa niya.

"M-may inaantay pa po ako, Manong."

"Parating na ba siya? Dahil paalis na talaga ang bus, hija. Hindi na natin siya maantay..."

Nilibot ni Cindy ang tingin sa paligid. Pilit pa rin na umaasa na darating si Kit. Baka naman na-late lamang ito. Ngunit huling tawag na ng conductor ay wala pa rin si Kit.

"Sige po. Okay lang. Mauna na po kayo. Basta aantayin ko pa rin po siya,"

Nakita niya ang awa sa mukha ng conductor at driver bago siya iwan. Baka naman nagkaroon lang ng kaunting problema si Kit kaya nahuli. Kapag dumating ito ay puwede naman sila na magpalipas ng gabi at bukas na lang magbiyahe papuntang Tarlac.

Nag-antay pa rin ng ilang sandali si Cindy. Ngunit walang Kit na dumating. Naka-ilang tawag na siya sa cell phone nito pero kahit isang sagot ay wala siyang natanggap mula rito. Out of coverage ang cell phone ni Kit. Umaasa siya noong una na baka kaya ganoon ay dahil nasira na naman ang cell phone nito kagaya noong una.

Nag-aalala si Cindy. Paano pala kung may masama ng nangyari kay Kit? Nang mapaiyak na siya sa sitwasyon ay saka lang siya may natanggap na message mula kay Kit.

"I'm sorry, Cindy." Iyon lamang ang laman ng message nito.

Malamig ang gabi pero pakiramdam ni Cindy ay magkaka-hypethemia siya dahil sa lamig ng kanyang nabasa. Umasa siya kay Kit. Ramdam niya ang pag-aalinlangan pero pumayag ito. Naniwala siya rito dahil alam niya na kagaya niya ay mahal rin siya nito.

Pero ang tanging ibinigay lang sa kanya ni Kit ay sakit ng unang pag-ibig.

Hindi na nag-aksaya pa si Cindy ng oras. Kung ganoon ang gusto ni Kit, ibig sabihin lang noon ay tinatapos na nito kung ano ang mayroon sila. Tumawag si Cindy sa kanyang ama. Nagpasundo siya. Mabilis na nakarating ito sa bus station.

"May balak kang lumayas," mahinahon pa rin kagaya ng dati ang boses ng ama.

"Mahal ko siya, Daddy..." nag-umpisa na muling umiyak si Cindy.

Niyakap siya ng kanyang ama. "Magiging maayos rin ang lahat. Hindi man sa ngayon ngunit sa tamang panahon. Huwag ka ng umiyak, Anak. Nandito lang kami palagi sa tabi mo. Hindi ka namin iiwan..."

Lalong napaiyak si Cindy. Pakiramdam niya ay ang tanga-tanga niya. Mas pinili niya ang lalaki na sandali lamang niya na nakilala kaysa sa kanyang totoong pamilya. Ang pamilya na kahit pinaghihigpitan man siya ay may dahilan naman kung bakit ginagawa iyon. Masyado lang siyang immature upang hindi ma-appreciate ang mga iyon. Mas pinili niya ang akala niya ay mas makakapagpasaya sa kanya na sa huli ay nagdulot lang rin naman sa kanya ng sakit.

Simula ngayon ay ipinapangako ni Cindy na hindi na muling magpapaloko pa at gagawin na lang ang lahat ng gusto ng kanyang pamilya. Pagkatapos ng lahat, ang mga ito ang tunay na nagmamahal sa kanya. Sa kabila ng naging kasalanan niya sa mga ito, ni hindi man lang nag-alinlangan ang mga ito na tanggapin siya.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now