21

1.3K 40 0
                                    

PINILIT na kalmahin ni Kit ang sarili habang nagda-drive siya pabalik sa bahay bakasyunan niya sa Tarlac. Kinakabahan siya para kay Cindy. Ano ang iniisip nito ngayon? Ano ang reaksyon nito? Hindi siya mapakali. Sinubukan man niya na malaman kung ano iyon pero lalo lang siyang pinakaba ng mga nangyari: hindi sinasagot ni Cindy ang cell phone nito. At ng pangatlong tawag niya ay biglang namatay na lamang iyon.

Naniwala ba si Cindy sa sinabi ni Anastacia rito? Malaki ang tsansa pero ayaw niyang isipin. Alam niya na may kasalanan rin siya dahil hindi niya ipinakilala si Cindy sa mga ito. Pero humahanap lang siya ng tiyempo. Alam niyang ang ganoong mga bagay ay kailangan ng matinding pagpaplano dahil kilala niya ang ugali ng kinalakihan niyang pamilya. Paniguradong hindi ng mga ito magugustuhan kapag nalaman ng mga ito na may babae na sa buhay niya. Lalo na si Anastacia na noong maggawa niyang kumita nang malaki ay nagkaroon ng malaking pagkagusto sa kanya.

Iisipin ng mga ito na pababayaan na niya ang mga ito dahil may babae na sa buhay niya. Ilang beses siyang sinasabihan ng stepmother niya dahil gusto pa rin ng mga ito ng suporta para sa kanya. Ganoon rin ang nakikita niya sa isa pa niyang stepsister na si Shiela. Palagi kasi itong natatanggal sa trabaho at dahil roon, palagi na lang rin itong nakaasa sa kanya. Si Anastacia naman, kahit may trabaho ay pangarap pa rin na yumaman. At ramdam niyang target siya nitong akitin para maging mabilis iyon. Alam ng mga ito ang naggawa niya at pagmamay-ari sa nakalipas kaya ang dating basahan para sa mga ito, ngayon ay tila ginto na. Kailangan siya ng mga ito sa buhay.

Si Anastacia ay stepsister niya na gusto siya kaya hindi niya masisisi na ganoon na lang ang pagwawala nito nang matagpuan si Cindy sa bahay niya. May susi ang mga ito noon kaya nakakapasok ang mga ito roon kahit walang paalam niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Kit? I hate you!" ramdam niya ang galit sa boses ng brat na kapatid. Mabilis lang na naayos ang problema sa Maynila. Pabalik na siya sa Tarlac nang tumawag sa kanya ang kapatid.

"Sinabi ang tungkol saan?" taka na tanong niya.

"Na may babae na sa buhay mo! Dinala mo pa siya sa bahay mo...at binigyan ng magandang sapatos!"

"N-nakita mo si Cindy?" Kinabahan si Kit. Kilala niya ang kapatid. May pagka-brat ito. Ilang beses na niyang nabalitaan na nakipag-away ito dahil sa masamang ugali nito. Natakot siya na baka gawin rin nito iyon kay Cindy ngayong mukhang alam na nito kung sino si Cindy sa buhay niya. Mahirap na, lalo na at may gusto pa ito sa kanya. Paano kung manipulahan nito ang lahat?

"Oo! And I hate her." Inis pa na sabi nito.

"A-anong sinabi mo sa kanya? Anong nangyari?"

"Nagalit ako sa kanya. Hindi ko matanggap, Kit. Sabay tayong lumaki. Umaasa ako na mamahalin mo ako. Importante ako sa 'yo. Hindi mo naman pagtitiyagaan kaming pamilya mo kung hindi 'di ba? Mahal mo ako..."

"Damn, Anastacia! Ganoon ba ang sinabi mo kay Cindy? Alam mo na ibang pagmamahal ang nararamdaman ko sa 'yo! Sa inyo! Pamilya ko kayo. Itinuring ko kayong ganoon. Pero hindi ko ba alam kung tama ba talaga na sinunod ko ang gusto ni Papa na alagaan kayo sa kabila ng lahat..."

Dahil hindi matanggap ni Anastacia ang nangyari, pinatay nito ang tawag at hindi na nagpaliwanag sa kanya. Nang subukan niyang tawagan muli ito ay hindi rin nito iyon sinagot kagaya ng ginagawa rin ni Cindy. Tila impyerno tuloy ang naging biyahe ni Kit pabalik sa Tarlac dahil sa pag-aalala.

Hindi dapat siya magduda kay Cindy. Sinabi nito sa kanya kagabi na pinagkakatiwalaan siya nito. Pero paanong panghahawakan niya iyon kung ganoon ang sitwasyon? Hindi nito sinasagot ang mga tawag sa kanya. Malamang ay galit ito sa kanya. May paliwanag man siya kaya dapat na hindi siya matakot pero ang isipin na mag-aaway sila ni Cindy ay ikinatatakot niya. Hindi niya gustong mangyari iyon. Ni hindi niya gusto na sumama man lang ang loob ni Cindy sa kanya kaya nagkakaganoon siya.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now