5

1.4K 40 0
                                    

SA PAGKAKATANDA ni Cindy, mabigat ang loob niya kagabi. Pero paggising niya ay hindi ganoon ang kanyang nararamdaman. Bagaman pakiramdam niya ay nangangalay siya, tila mabigat ang kanyang mga mata at parang may kung anong makati sa kanyang balat, ramdam niya sa dibdib na maaliwalas ang kanyang pakiramdam. Nang buksan ni Cindy ang kanyang mga mata, doon siya nagkaroon ng paliwanag kung bakit.

Nakaunan siya sa dibdib ni Kit at pareho sila na nakahiga sa damuhan sa ilalim ng puno. Kung paano na nangyari iyon ay hindi na maalala ni Cindy. Ang huling naalala lang niya ay ang pagyakap sa kanya ni Kit hanggang patuloy siya sa pag-iyak dahil na rin sa sama ng kanyang loob. Naisip niyang baka dahil na rin sa pagod, nakatulog na lang siya basta sa isa't isa. Nakatulog sila na magkasama, magkatabi at halos...magkayakap na. Dahil sa naisip, awtomatikong nag-init ang pisngi ni Cindy. Alam niya na dapat ay mabahala siya sa nangyari, lalo na at pansin niya na nagsisimula nang bumangon ang haring araw. Buong magdamag silang magkasama nito. Pero sa halip, nagustuhan ni Cindy ang nangyari.

Nagustuhan ni Cindy ang yumakap kay Kit. Gusto niya ang pakiramdam na magkatabi sila at kung maaari nga lamang, gusto niyang sumiksik pa rito. Kung hindi lang talaga nakakahiya ay gagawin niya iyon. Pero minalas si Cindy dahil ilang sandali pagkatapos niyang naggising ay naggising rin si Kit.

Napansin niya na kagaya niya, nagulat rin ito sa natuklasan. Dahan-dahan na lumayo ito sa kanya.

"N-natulog tayo ngayong gabi na magkasama," may halong takot na sabi ni Kit. Bahagya pa na nanlaki ang mga mata nito.

"Hindi ko rin alam kung papaano. Siguro ay dahil pagod ako at---"

"At ganoon rin ako. Pagkatapos mo na makatulog sa bisig ko dahil sa sobrang pag-iyak, inihiga kita at...nakatulog rin ako," bumuntong-hininga si Kit. "May kasalanan ako."

"Hey, 'wag mo na palabasin na parang masamang bagay ito. As if naman na may nangyari sa atin ngayong gabi. Gawa lang ng pagod kaya tayo nagkaganito."

"Pero nakatulog ka sa bisig ko. Hinayaan kita. Nakatulog tayo na parang magkayakap at---"

"Wala akong nakikita na masama roon, Kit."

Tinitigan siya ni Kit nang mataman. Ganoon rin si Cindy rito. Big deal kung ituring ni Kit ang nangyari. Pero hindi ganoon ang nararamdaman ni Cindy dahil gusto niya ang nangyari.

Alam ni Cindy na mali. Dapat ay sa kanila ni Kit, siya ang magpanic. Babae siya. May mawawala sa kanya. Pero kakaiba ang nararamdaman niya kay Kit. May pakiramdam siya na hindi siya sasaktan nito. Nararamdaman niya iyon base sa pagpapahalagang ginawa nito sa kanya sa loob lamang ng dalawang araw. O ganoon ang gusto niya na isipin. Dahil alam niya na kahit dalawang araw pa lamang simula nang magkita sila ni Kit, may kakaiba na siyang nararamdaman para rito. At hindi na niya gustong itanggi iyon.

"Ang totoo niyan, gusto ko talaga ang nangyari, Kit," nag-iwas si Cindy ng tingin. Tama ba ang ginawa niya? Ayaw niyang magsinungaling kay Kit pero alam niya na may mali. Gusto niya na mapangiwi. Siya ang unang nagtapat rito. Babae siya. Ngunit hindi na lang talaga niya gustong itanggi ang nararamdaman. Minsan sa buhay niya ay tinanong na rin niya ang sarili niya kung abnormal siya dahil hindi niya pa nararanasan ang magkagusto sa isang lalaki. Pero ngayon ay may kasagutan na si Cindy roon...

Ngayon lang dumating ang lalaki na iyon sa buhay niya kaya ganoon.

Maraming kalakip na risk ang ginawang pag-amin ni Cindy. Natakot siya dahil alam niyang maaaring hindi rin masuklian ang nararamdaman niya. Lalo na nang unti-unting pumasok sa utak niya ang reaksyon ni Kit sa mga nakalipas na araw. Ang pagkailang nito. Ang tila hindi nito ikinatuwa na pagkatabi nila na matulog...

Inasahan ni Cindy na maaaring masaktan siya. Kaya nagulat siya sa kanyang narinig. "Ganoon rin ako. Gusto ko rin naman ang nangyari....dahil pakiramdam ko ay nagugustuhan na rin kita, Cindy."

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now