8

1.2K 47 0
                                    

ISANG beses lang nagustuhan ni Cindy na maramdaman na isa siyang prinsesa. Sa isang tao lang. Pero sa gabing iyon, nagustuhan na naman ni Cindy ang pakiramdam na iyon. Kahit na ba hindi niya pa lubusan na nakilala ang lalaki na halos buong gabi na niyang kasama ngayon, sapat na sa kanya ang damdamin. Hawakan lang siya nito at tignan ay matindi ang kanyang nararamdaman.

Parang kidlat ang kanyang nararamdaman sa misteryoso na lalaki. Malakas at mabilis. And she was strucked hard. Ngunit hindi kagaya ng kidlat, nagustuhan ni Cindy ang pakiramdam na iyon. Sa halip na masaktan at mamatay, pakiramdam niya ay nabuhay siya.

Sumayaw sila, nagkasama sa buong gabi. Ngunit para kay Cindy, tila kulang pa iyon. Gusto niya pa ng marami. Gusto niya pa na makasama ito at kung pagbibigyan, makilala ito. Ngunit sa kabila noon, hindi niya masabi kung matutuwa siya na malapit ng mag-alas dose. Doon kasi ay makikilala na talaga niya nang lubos ang misteryosong lalaki. Tatanggalin na ang maskara nila. Hindi maiwasan na matakot ni Cindy. Paano kung kagaya ng nasa fairy tale, bigla na lang rin siya na takbuhan ng lalaki? Paano kung bigla na lang ito na mawala?

Hindi na niya gustong masaktan muli.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya sa lalaki nang malapit na ang alas dose ay niyaya siya nito na lumabas mula sa kasiyahan.

"Sa garden niyo? Medyo naiinitan kasi ako sa loob."

Tumango si Cindy. Ganoon rin naman siya. Masyadong maraming tao sa party niya at dahil hindi rin siya sanay roon, naninibago siya. Gusto rin niya na lumabas. Nakarating sila sa garden ng mansion at sa bench roon ay umupo sila.

"Finally..." ngumiti ang lalaki pagkatapos ay bumuntong-hininga. "Na-solo rin kita."

Napangiti si Cindy. Gusto rin niya na magka-solo sila. Kanina kasi ay puro lamang sila sayaw. Napapalibutan sila ng mga tao. Hindi sila makapag-usap ng dahil roon. "Masaya rin ako na ganoon. Pero malapit ng mag-alas dose. A-and I feel nervous,"

"B-bakit naman?"

"Ayaw kong umalis ka kagaya ni Cinderella sa ball."

"Hindi mangyayari iyon, Cindy. Sa ngayon ay maipapangako ko sa 'yo 'yan. Ako nga ang mas natatakot sa ating dalawa."

"Bakit naman?"

Sandaling tinitigan muna siya ng lalaki bago sumagot. "D-dahil ikaw si Cinderella. Iyon ang totoo mo na pangalan. Sa sikat na fairy tale, ikaw ang tumakbo."

Umiling si Cindy. "Kagaya mo, maipapangako ko rin na hindi ko gagawin iyon."

"Talaga? Paano mo naman nasabi?"

Tinitigan niya ang lalaki. Sa totoo lang ay hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang rin katindi ang nararamdaman niya sa lalaking ito. Kahit hindi niya pa ito kilala, kahit hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng mukha nito at higit sa lahat, kahit sandali pa lamang sila na magkasama. Its just that...she felt some magic between them the first time they looked at each other. Sa unang pagkita niya rito ay lumakas na agad ang tibok ng puso niya. Naging napakabilis ng lahat at kahit alam ni Cindy na dapat ay matakot siya ay pinigilan niya.

Iyon ang kailangan niya. Kung nakakaramdam siya ng kakaiba sa lalaking ito, ibig sabihin lang ay naka-moved on na siya kay Kit. Iyon ang pinakamatagal na niyang inaasam sa lahat. Gusto niyang makaramdam ng kakaiba sa ibang lalaki kagaya ng nararamdaman niya kay Kit at dahil naramdaman niya agad iyon sa lalaking ito, gusto niyang sungaban na agad iyon. Pagkatapos ng lahat, iyon rin naman ang kailangan niya. Kailangan na niya ng mapapangasawa.

Nakaramdam ng saya si Cindy na mukhang pareho rin sila ng nararamdaman ng lalaki.

"Nararamdaman ko lang. Gusto ko ang pakiramdam na magkalapit tayo." Gusto ko na nararamdaman ko muli ang mga damdamin na ito kahit na ba noong unang beses ay nasaktan lamang ako sa huli.

Sakto na pagkatapos sabihin ni Cindy ang mga salita na iyon ay may malakas na ugong sila na narinig. Tumingin ang lalaki sa relo na nasa kamay nito.

"A-alas dose na," naramdaman niya ang tensyon sa boses ng lalaki.

Tumango si Cindy. "Gusto mo ba na sabay natin na tanggalin?"

Tumango ito. "P-pero maaari mo ba na maipangako sa akin na hindi ka talaga tatakbo kapag nakita mo ang mukha ko?"

Kanina pa nararamdaman ni Cindy ang curiousity. Ano nga ba ang mukha ng lalaki? Guwapo ba ito kagaya ng isang prinsipe? Somehow, nararamdaman niya na tila may pamilyar sa ilang facial features nito. May nagpapaalala sa kanya ng mga iyon. Pero iniisip ni Cindy na baka kaya ganoon ay dahil pinapaalala rin ng damdamin na bumabangon sa dibdib niya kapag magkasama sila.

Pareho ang nararamdaman niya rito at kay Kit kaya siguro naiisip niya na magkamukha ang dalawa.

Pero imposible iyon. Lahat ng mga nasa ball ay nasa alta-socialidad. Kahit matagal na siyang walang balita kay Kit, imposible pa rin na makapunta ito roon. Masasabi na napakabilis ng tatlong taon na umunlad ito ng ganoon. Hindi si Kit ang lalaki. O iyon lang ang gusto niyang isipin?

Tumawa si Cindy. "Bakit ba mukhang tense na tense ka?"

"Dahil natatakot ako na magkalayo muli tayo sa isa't isa, Cindy..."

Nanginig si Cindy sa narinig. Muli? Ibig sabihin ba noon ay kilala na nila ang isa't isa dati?

Hindi, hindi, hindi.

"S-sino ka kung ganoon?"

Hindi na nag-alinlangan pa ang lalaki. Hindi na natupad ang sinabi nila sa isa't isa na sabay na tatanggalin ang maskara. Nauna na nitong tinanggal ang maskara nito.

Nahigit ni Cindy ang hininga nang makilala ito. Pakiramdam niya ay tinakasan rin ng kulay ang kanyang mukha. Lahat talaga ng mga pangyayari ay posible.

Walang imposible, kagaya na lamang ng inisip ni Cindy kanina na maaaring si Kit ang lalaking kanina pa kasa-kasama. Totoo rin ang fairy tale. Dahil sa pagkakataong ito, maglalaro si Cindy bilang si Cinderella.

Tumakbo siya palayo kay Kit...kagaya na lang rin kung ano ang ginawa nito sa buhay niya tatlong taon na ang nakalilipas...

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now