11

1.2K 43 0
                                    

Present

BAHAGYANG nagtaka pa si Cindy nang maggising siya ay natagpuan pa rin niya ang mga magulang na nasa hapag kainan at mukhang kakaumpisa lang na kumain. Madalas ay maaga na nagigising ang mga ito kaysa sa kanya. Pero nang maalala niya ang kasiyahan kagabi ay nawala rin ang pagtataka. Malamang ay kagaya niya, pagod rin ang mga magulang kaya tinanghali na ang mga ito ng gising. Naka-leave silang dalawa ng kanyang ama sa trabaho kaya may karapatan silang gumising ng ganoong oras.

"Hindi na tayo nakapag-usap kagabi. Nauna ka na umalis kahapon sa party. Ano bang nangyari?" usisa kanya ng ama.

"May ginawa ba na masama sa 'yo ang lalaking iyon?" kasunod naman na tanong ng kanyang ina.

Sa totoo lang ay hindi na gusto pa ni Cindy na tanungin ng kahit sino sa kung ano ang nangyari kagabi. Pakiramdam niya, sa pangalawang pagkakataon ay malaki na naman siyang naloko. Involved na naman roon ang puso niya. Hindi dapat siya natuwa na tumibok ng ganoon ang puso niya dahil tila may iisa lamang na itinututuro iyon palagi: si Kit.

Si Kit na sinaktan siya noon at ngayon ay nagbabalik. Paanong naggawa pa rin ng puso niya na tumibok ng ganoon sa isang lalaki na kagaya nito?

"Iniwan ko siya. N-napagod kasi ako sa party." huminga nang malalim si Cindy. "Hindi ko siya gusto, Mommy and Daddy. Pakiramdam ko nag-aksaya lang ako ng oras sa kanya kagabi. Mali ang ginawa ko. Hindi lang ako dapat sa kanya nakipagsayaw at sumama dahil sa huli, hindi ko rin naman siya nagustuhan. Hindi nag-work out."

"Paano mo nasabi na hindi nag-work out? Baka naman hindi mo lang siya binigyan ng pagkakataon,"

Nasapol si Cindy ng ama. Pero paano niya sasagutin ito? Matagal na nilang nilimot si Kit. Matagal na niyang pinilit na limutin ito. Sinaktan siya nito. Pinaasa. Nararapat lang naman iyon. At ngayon na bumalik ito sa piling niya, nararapat ba talaga na bigyan niya ito ng pagkakataon?

Hindi madali na tanggapin na lang ito ng ganoon-ganoon lang. Pagkatapos ng tatlong taon, bigla-bigla na lang sumulpot ito sa kanyang buhay. Ito ang unang nanakit sa kanyang puso. Minahal niya ito nang lubos, sinubukan niyang ibigay ang lahat para rito pero sinuklian lang siya nito ng sakit.

Hindi magiging ganoon kadali ang lahat. Sa kabila ng mga lumipas na taon, nararamdaman pa rin ni Cindy ang sakit sa kanyang puso. Hindi porke't naramdaman pa rin niya ang masarap na pakiramdam sa kanyang puso, hahayaan na lang niya iyon na pangunahan siya. Pagkatapos ng lahat, nang sinubukan niyang pakinggan iyon kaysa sa alam niyang tama na sinasabi ng kanyang isip ay nasaktan lang siya. Hindi na muli na mangyayari iyon.

"Hindi na kailangan. Alam ko ang nararamdaman ko, Daddy. Isang kalokohan lang talaga ang party. Ngayon, kung gusto niyo akong i-set up sa isang particular na lalaki lang, hindi na ako aangal."

Mas mabuti pa ang ganoon. Alam niya na hindi si Kit ang ise-set up sa kanya ng pamilya. Hindi ng mga ito gusto si Kit. Kahit mukhang nag-iba na si Kit sa lalaking minsan niyang inibig, kinokonsidera pa rin niya ang mga nangyari sa nakaraan. Isa lang stable boy si Kit at nakilala na niya ang pamilya. Hindi siya papayagan ng mga ito na mauwi kay Kit. At hindi na rin niya hahayaan ang sarili na mauwi muli sa kamay nito. Si Kit ang pinakamalaking pagkakamali niya. Kung paano man ito nakapunta sa party na iyon ay hindi na niya gustong alamin pa. Tapos na ang lahat.

"Sigurado ka na ba talaga sa gusto mo na ito? Ang akala namin ay nakaramdam ka ng kakaiba sa lalaki kaya siya na lang ang sinamahan mo sa buong gabi..."

Hanggang sa tanggalin niya ang maskara niya at makilala ko talaga kung sino siya, gusto sanang sabihin ni Cindy. Pero pinili na lang niya na hindi na palakihin pa ang pag-uusap. "Sigurado ako, Daddy. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito."

Tumatango-tango ang kanyang ama. "Sige," mabilis naman na pagsang-ayon ng kanyang ama. Napansin ni Cindy na tinignan ito nang mataman ng kanyang ina. Wari ba na gusto nitong magtanong sa gustong mangyari ng kanyang ama. Nang tinignan naman ito ng kanyang ama ay nginitian lang iyon nito. Nakaramdam ng kakaiba si Cindy sa ngiti ngunit hindi na lang niya pinansin iyon. Siya na mismo ang nagsabi na gusto na niyang matapos ang lahat kaya hindi na dapat siya magtanong.

Sinimulan na ni Cindy na kumain ng almusal. Nawala ang sama ng loob niya kagabi nang pagtuunan niya ng pansin ang nakalagay sa lamesa. Lugaw iyon. Paborito niyang almusal ang lugaw at dahil nasabik agad siya na kumain noon ay hindi na niya pinansin kung mainit ba talaga iyon. Kinain kaagad ni Cindy ang lugaw na hindi napapansin na bagong luto pala iyon. Nailuwa niya ang kinain dahil napaso siya.

"Shit," hindi niya pa napigilan na hindi magmura. Napatakbo siya sa kusina upang magmumog para maibsan ang pagkapaso. Pagbalik niya ng hapag kainan ay mataman na nakatingin sa kanya ang mga magulang.

"Kainis. Paborito ko pa naman ang lugaw,"

Tumikhim ang kanyang ama. "Sana sa pangyayaring ito ay napagtanto mo na minsan sa buhay natin, kung sino pa ang lubos na minamahal natin ay siya rin na lubos na nanakit sa atin."

May naisip siyang isang bagay sa sinabi ng kanyang ama. Si Kit. Si Kit dahil ito lang naman ang minahal niya ng lubos at sinaktan siya. Pero sa kabila ng mga naisip, naging matindi ang dating ng kung paano naisip ng kanyang ama ang mga sinabi.

Kumunot ang noo ni Cindy. Anong mayroon sa kanyang ama at humugot ito?

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now