3

1.8K 48 0
                                    

NAGGISING si Cindy na sa halip na sakit mula sa pagkakahulog ang nararamdaman, mas naramdaman niya ang panginginig ng kung sino man ang humahawak sa kanya. Pinakiramdaman muna niya ang lagay niya. Sa tingin niya ay buhat-buhat siya ng lalaki. Naisip agad ni Cindy na malamang ay iyon ay ang lalaking sumunod sa kanya. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata, naggawa na niyang makita ang mukha ng lalaki.

Dahil sa kanyang puwesto ay masyadong naging malapit ang tingin ni Cindy sa lalaki. Hindi sigurado ni Cindy kung bakit parang lumukso yata ang puso niya nang mapagmasdan iyon. Malaya niya na naggawa iyon dahil napatapat sila sa parte ng riding school kung saan may ilaw. Malinaw na nakita niya ang pagmumukha nito.

May itsura ang lalaki, naobserbahan agad ni Cindy sa kabila ng masamang nangyari sa kanya. Malaki ang mga mata, may pagkamatangos ang ilong at medyo may kakapalan ang labi nito. Wala rin siyang kahit anong tagihawat na nakikita sa mukha nito. At kahit pansin niya na magulo ang mukha nito dahil na rin siguro sa pagka-tense sa nangyari sa kanya, masasabi niya na guwapo ito. Iyon ba ang dahilan ng kakaibang nararamdaman niya? Iniligtas siya ng guwapong lalaki. Sa kabila ng hindi niya kilala ang lalaki, nagustuhan rin naman niya ang nangyari.

Hindi si Cindy ang isang babae na gustong magpaligtas. Kahit madalas na ituring siyang prinsesa ng mga tao dahil na rin sa pamilya na kinabibilangan niya, hindi niya gusto na maramdaman iyon. Oo, mahal niya ang pamilya niya. Pero para sa kanya ay malakas siya. Hindi siya kagaya ng mga prinsesa sa isang fairy tale.

Cindy is not looking for a man who would save her. She could definitely do it herself. Pero iba ang naramdaman ni Cindy sa lalaking ito. Parang sa unang pagkakataon sa buhay niya ay gusto niyang maging kagaya ng prinsesa sa isang fairy tale: ang magpaligtas. Dahil sa pamamagitan noon, bubuhatin na naman siya nito. Magkakaroon siya ng kalayaan na titigan nang ganoon kalapit ang mukha ng lalaki. Bonus pa ang nararamdaman niyang tila kiliti sa hawak nito at ang isipin kung ano ang puwesto nila sa kasalukuyan.

Sinaway ni Cindy ang sarili. Anong klaseng babae siya? Siguro nga ay nasa edad na siya para maramdaman ang mga ganito. Pero ni hindi niya kilala ang lalaki! Paano niya naggawang makaramdam ng kakaiba rito?

Napansin naman agad ng lalaki ang pagmulat ni Cindy. "G-gising ka na."

Tumango si Cindy. Nagtatalo ang isipan niya kung magpapababa na ba siya sa lalaki. Gusto niya ang pakiramdam na hawak siya nito. Ngunit nahulog lang siya sa kabayo. Naramdaman niya na nagtamo siya ng ilang sugat pero hindi naapektuhan ang kanyang isip. Ginawa ni Cindy ang alam niyang tama. "S-sa tingin ko ay maayos na ako. Ibaba mo na ako."

Umiling ang lalaki. Nagpatuloy ito sa paglalakad habang buhat-buhat siya. "Malapit na tayo sa main hall pero hindi ibig sabihin noon ay puwede na kitang pabayaan. Nahulog ka. Nahimatay. May nangyaring masama sa 'yo."

"Ayos lang ako. Kaya ko na ang sarili ko," pagkumbinsi ni Cindy sa lalaki. Pero hindi siya sinunod nito. Ibinaba lang siya ng lalaki hanggang sa makarating sila sa main hall ng riding school.

"Salamat," wika ni Cindy. Sinipat-sipat niya ang sarili nang bahagyang lumayo sa kanya ang lalaki. Nagtamo nga siya ng ilang sugat. Pero nakahinga siya nang maluwag na hindi naman iyon ganoon kalala. Maliliit lamang iyon. Sumunod na tinignan ni Cindy ay ang relo niya. Mag-a-alas onse na ng gabi. Alas diyes ng dumating siya sa riding school at dahil mabilis ang kanyang pagpapatakbo ng kabayo, kaunting oras lamang ang kinain noon. Kung ganoon, ibig sabihin lang noon ay may katagalan rin na hinimatay siya at sinubukan ng lalaking ito na i-rescue siya. Pero sa halip na mabahala si Cindy roon, mas nabahala si Cindy sa oras. Kailangan na niyang umuwi. Kapag dumadating ang alas dose ay madalas na naglilibot ang kanyang ama upang i-check ang bahay. Ayaw niyang malaman ng kanyang ama na umalis siya kaya kailangan rin niya na makabalik kaagad.

"May cell phone ka ba? Nasira kasi 'yung cell phone ko. 'Di ko pa napapagawa. Kailangan nating tumawag ngayon ng taxi. O-o may dala kang sasakyan?"

Umiling si Cindy. Kinuha niya ang bag na basta na lang niya inilapag kanina sa may kuwadra upang kuhanin roon ang cell phone. "May cell phone ako. Tatawag na ako. Kailangan ko na nga na umuwi,"

Kumunot ang noo ng lalaki. "Umuwi? Kailangan mo na pumunta ng ospital!" mababakas ang pag-aalala sa tinig ng lalaki.

Ngumiti si Cindy. "Hindi na kailangan. Naggising na ako. Sa tingin ko ay sa sobrang takot at gulat lamang ang lahat kaya ako nahimatay,"

Hindi papayag si Cindy na mangyari iyon. Kiala siyang tao. Kapag naospital siya ay maaari na maging issue iyon. Malalaman iyon ng kanyang mga magulang. Kapag nalaman ng mga ito na naaksidente siya, paniguradong mas lalaki lamang ang kagustuhan ng mga ito na patigilin na siya sa career na gusto niya.

"Pero---"

"Alam ko na nag-aalala ka, Mister. Pero ayos na ako. Gabi na at kailangan ko na rin talaga na umuwi,"

Hindi nagsalita ang lalaki. Bagkus ay tinitigan lang siya nito mula sa mga mata. Dahil sa ginawa nito, hindi mapigilan ni Cindy ang mapatitig rin dito. Pakiramdam niya ay bahagya na namula ang kanyang pisngi. Kagaya kanina ay nag-umpisa na naman lumakas ang tibok ng puso niya.

"I-ikaw si Cindy Soriano 'di ba?"

Hindi tumanggi si Cindy na ipakilala ang sarili. Nasa riding school sila. Dahil nandoon ang lalaki, malamang ay interesido rin ito sa mga kabayo. Kilala siya sa mundo na iyon. Wala rin na silbi kung tumanggi siya.

"Bukod sa pagiging isang equestrienne, lumalabas ka rin sa ilang mga commercials. Isa kang model. Pero mukhang hindi ka nababahala sa mga nangyari sa 'yo, kahit sa mga naging sugat."

"Balewala 'yan. Gagaling rin ang mga 'yan. Sa ngayon, mas nababahala ako kung hindi ako makakauwi agad,"

Tinitigan siya muli ng lalaki. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito. Umalis ito sa tabi niya at pagbalik nito ay may dala na itong medicine kit. Kinuha nito ang braso niya na isa sa mga parte ng katawan niya na nagtamo ng sugat. Sandaling nag-alinlangan pa si Cindy sa ginagawa ng lalaki.

"H-hindi mo na kailangang gawin ito. Hindi naman siguro iyan magiging ganoon kalala. Kaya ko rin na gamutin 'yan. Perhaps, pag-uwi na lang siguro sa bahay."

"Kailangan natin na agapan. Mas magaling na iyon. Pagkatapos ng lahat, nag-aantay ka pa rin naman ng taxi na susundo sa 'yo. Habang ginagawa iyon, gagamutin ko ang sugat mo,"

Bago pa man makapagprotesta si Cindy ay ginawa na ng lalaki ang gusto nito. Ramdam niyang ingat na ingat ang bawat pagdampi ng mga kamay nito sa sugat niya. Isa lang sa mga bagay na lalong nakapagpaiba ng tingin ni Cindy sa lalaking ito. Normal naman para kay Cindy ang ituring na para siyang babasagin na crystal. Pero iba ang nararamdaman niya mula sa lalaking ito...

Gusto niya ang klase ng pag-aalaga sa kanya ng lalaki. Gusto niya ang pagdampi ng mga kamay nito sa kanya. Hindi maipaliwanag ni Cindy kung bakit pero may kakaiba talaga sa lalaking ito.

Pakiramdam niya, sa mga nangyari lang na iyon sa pagitan nila ay gusto na niya agad ito...

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now