1

5.8K 81 2
                                    

"BAKIT pa ba kasi kailangang mangyari ang lahat ng ito?" inis na pagkausap ni Cinderella o Cindy para sa mga nakakarami habang nasa harap ng salamin. Ngayon ay ang ika-dalawampu't walong taon na kaarawan niya. Ngunit hindi kagaya ng mga taong madalas na nagdidiwang noon, hindi niya masasabi na masaya siya. Kahit sinasabihan siya ng mga taong nakakita na sa kanya na napakaganda niya ngayong araw, hindi niya mapuri ang sarili niya nang ganoon. Hindi niya maggawang makita ang sarili niya na maganda dahil hindi siya masaya.

Malaki ang kasiyahan na inihanda sa kanya ng pamilya niya. Isa iyong masquerade ball at imbitado ang lahat ng pamilya mula sa alta-socialidad kung saan sikat ang pamilya Soriano. Partikular na imbitado ang mga binatang lalaki mula sa pamilya. At kagaya ng lahat ng bagay, may dahilan rin kung bakit ganoon. Isa iyong paraan ng kanyang Lolo upang makahanap na siya ng mapapangasawa niya.

Kakatawang nangyayari ngayon iyon kay Cindy. Kagaya ng nasa fairy tale na Cinderella, kasama rin siya sa isang malaking ball. Ang kaibahan nga lamang ay may theme iyon at hindi siya ang mahirap na babaeng dumalo sa ball. Siya ang nasa katayuan ng prinsipe sa fairy tale. Mayaman siya at kailangang humanap na nang mapapangasawa.

Pero hindi niya iyon gusto.

Hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Alam ni Cindy na malakas siya. Kayang-kaya niya na pamunuan ang food manufacturing na negosyo ng pamilya niya ng mag-isa lang siya. Para sa kanya, sapat na ang tatlong taon na pagtatrabaho niya sa kompanya upang mapatunayan iyon. Pero sa kanyang Lolo, hindi pa rin iyon sapat.

Ang gusto ng kanyang Lolo ay ang pamahalaan ng isang lalaki ang kompanya. Wala itong tiwala sa isang babae na kagaya niya. Wala naman sana talaga na problema at hindi sana siya puwersado na gawin ang mga bagay na iyon kung hindi lang dahil sa nakatatandang kapatid niya.

Isang buwan na ang nakakaraan simula nang mag-crash ang eroplano na sinasakyan ng nakatatandang kapatid ni Cindy. Hindi na nakita pa ang katawan nito kaya ipinagpasya na lang na patay na ito. Simula noon ay bumigat ang responsibilidad sa balikat niya. Siya na raw ang magmamana ng kompanyang binuo pa ng mga ninuno nito dahil kagaya ng kanyang Lolo, mahina na rin ang kanyang ama. Ilang buwan ang nakararaan ay na-diagnose pa ito na may sakit sa puso at kahit na ba hindi pa masasabi na severe na iyon, ramdam ng kanyang ama na unti-unti na itong nanghihina. Hindi magtatagal ay malapit na rin itong mag-resign kagaya ng kanyang Lolo na ginawa iyon may sampung taon na ang nakakaraan. Ibig sabihin lang niyon, parte ni Cindy na ang kailangan na magpatuloy ng kompanya. Nag-iisang anak lang kasi ng Lolo niya ang kanyang ama at bilang ngayon ay nag-iisang anak na rin ng ama, siya na lang ang mapapagkatiwalaan ng mga ito. Siya o ang magiging asawa niya.

May karanasan na si Cindy. Sa loob ng tatlong taon, sinunod niya ang gusto ng mga ito na magtrabaho siya sa kompanya. Alam na niya ang pasikot-sikot noon. Ngunit ang tingin pa rin ng kanyang Lolo sa kanya ay mahina. Maka-lumang lalaki ito. Sa kabila ng kagustuhan nito na matuto rin siya ng mga bagay tungkol sa kompanya, ang mamuno roon ay wala sa listahan ng kanyang Lolo. Kaya lang siya pinagtrabaho nito ay para matuto siya kahit papaano. Mag-grow. Pero ang mamahala noon sa mga natitira pang taon sa buhay niya ay hindi kasama sa plano. Isa sa mga bagay na ikinaiinis ni Cindy.

Dahil sa pakiusap ng kanyang pamilya, binitawan niya ang bagay na pinakagusto niya sa buhay---ang kanyang pagiging equestrienne. Sinunod niya ito. Sinubukan niyang gawin ang lahat ng makakaya niya para lang gawin ang gusto nito, ang subukang mahalin ang trabaho na pinaggawa ng mga ito sa kanya. Sinubukan niya ang pamumuhay ng isang office girl. Sinubukan niyang isang magaling na business woman. Pero hindi pa rin sapat iyon upang makuha niya ang tiwala ng pamilya na kaya niya. Kaya ito siya, kailangan na naman na gumawa ng isang bagay na hindi naman niya gusto para muli sa iniingat-ingatang negosyo ng kanilang pamilya.

Pero magpasalamat ka na lang rin na may choice ka, Cindy. Sulsol ng isang bahagi ng utak ni Cindy. Tama naman iyon. At least, hindi siya magiging isang kagaya ng tipikal na pinagkakasundong anak ng isang mayaman. Sa pamamagitan ng ball na iyon, makakapili pa siya kung sinong lalaki ang magugustuhan niya. Hindi kagaya ng isang tipikal na arranged marriage kung saan may partikular na lalaki lang ang ibibigay sa 'yo.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora