17

1.1K 36 1
                                    

"BAHALA na nga," wika ni Kit sa isip-isip nang matapos siyang mag-empake ng gamit. Kahit alinlangan siya sa gusto ni Cindy, hindi rin naman niya gustong paasahin ito. Mahal niya ito. Kahit alam niyang mali ang gagawin nila, hindi niya gustong mawalay rito. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang, sa piling ni Cindy lang niya naranasan na maging masaya muli. Ayaw na niyang mawala pa muli ang saya na iyon.

Puno ng takot ang puso ni Kit pero handa siyang harapin ang mga iyon para kay Cindy. Alam niya na mahihirapan sila, lalo na at pinili nito na bumalik sila sa lugar na pinanggalingan niya. May pamilya siya roon. Kinatatakot niya ang gagawin ng mga ito kay Cindy. Kaya naisip na lang niya na doon sila tumira sa horse farm na pinapasukan niya dati. Nakausap na niya ang may-ari at nang pumayag ito ay isa iyon sa mga naging dahilan kung bakit hindi na rin siya umangal pa sa gusto ni Cindy. Inalok pa nito ang isang bakanteng kuwarto malapit sa kuwadra ng mga kabayo upang doon sila tumira.

Sa farm na iyon ay maraming mga kabayo. Isa iyong horse farm. Magkasama rin silang dalawa kapag doon na sila titira. Bahala na ang gagawin niyang pagsuporta sa pamilya at pati na rin kay Cindy. Magiging mahirap man ay gusto niyang maniwala na kapag magkasama sila ay magiging maayos ang lahat. Ipinangako rin naman sa kanya ni Cindy na handa itong tanggapin ang simpleng buhay.

Ngunit bago pa man makaalis si Kit ay may hindi inaasahang bisita na dumating sa kuwartong tinutulugan ni Kit sa YERS. Namutla pa siya nang makilala ito.

"M-Mr. Soriano..."

Huminga ito nang malalim nang makita ang ginagawa niya. "Kung ganoon ay tutuloy nga kayong dalawa ng anak ko. At gusto mo rin iyon."

"Mahal ko po si Cindy, Mr. Soriano."

"Naiintindihan ko."

"Kung ganoon po ay---"

"Pero hindi ako papayag sa gusto niyong mangyari. Oo, nasa tamang edad na si Cindy para gumawa ng mga bagay na gusto niya. Hindi ko rin gusto na maging matapobre dahil gusto ko kayong pigilan pero sigurado ka na ba talaga sa gusto mo na mangyari, Kit?

"Sinabi sa akin ni Cindy na nakapagtapos ka naman daw ng pag-aaral. Pero dahil sa sitwasyon, hindi mo pa maggawang makakuha nang mas maayos na trabaho. Nakikita ko na nagsisimula ka pa lang. May kaya kang gawin pero hindi mo magagawa dahil sa gusto ng anak ko. Kung magsisikap ka, magagawa mong maging kapantay ng anak ko. At iyon sana, ang gusto ko na gawin mo. Ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong pakiusapan ka."

"Para ano po?"

"Nakikita ko na mahal ka ng anak ko. Mahal na mahal. Kung hindi siya ganoong seryoso sa damdamin niya, hindi niya gagawin ito. Ganoon ka rin. Pero hindi ko gustong maging mahirap ang pagdadaanan niyo. Kaya gusto ko sanang layuan mo ang anak ko para sa ikabubuti rin ninyo."

"Hindi ko po maiintindihan. Lalayuan ko ang anak niyo para sa ikabubuti? Pero kung gagawin ko po iyon ay masasaktan si Cindy. Masasaktan rin po ako kasi hindi ko siya kasama."

"Bibigyan kita nang magandang puwesto sa hacienda namin sa Batangas. Ikaw ang mamahala noon. Habang ginagawa mo rin iyon, puwede rin kitang pag-aralin muli. Masteral, perhaps? Para maging mas malawak pa ang kaalaman mo. Sa pamamagitan ng experience na ibibigay ko sa 'yo, wala ng magsasabi na hindi kayo bagay ni Cindy. Magiging kapantay ka na niya. Magiging matagumpay ka na."

Sandaling natulala si Kit sa sinabi ni Mr. Soriano. Nakakatukso iyon. Isa iyon sa mga pangarap niya sa buhay. At willing na ibigay iyon sa kanya ni Mr. Soriano para sa ikaayos ng relasyon nila ni Cindy. Kung ganoon, hindi naman pala ito against sa relasyon nila ni Cindy. Ang gusto lang nito ay ang maging maayos iyon. Willing pa siya nitong tulungan.

"Pero kung ganoon po, bakit kailangan ko pa na layuan si Cindy?"

"Sa tingin mo ba ay magagawa mo ang lahat ng iyon kung nasa tabi mo si Cindy? Kung pilit ka niyang sinasabihan na manatili sa tabi niya? She won't let you go, Kit. Isa pa, sa tingin ko ay hindi rin siya makakapag-concentrate nang ayos sa buhay na gusto namin para sa kanya kung nasa tabi ka niya.

"Alam ko na magiging mahirap para sa 'yo, sa inyo ni Cindy ang plano ko. But pain makes us stronger. Iyon ang gusto ko na maranasan ni Cindy. Gusto ko na maging matatag siya. Ang mag-grow sa buhay. Isa sa mga dahilan kung bakit pumayag na ako sa gusto ng Lolo niya na magtrabaho na siya sa kompanya. Iyon ay para sa ikabubuti niya.

"Gusto ko na paglayuin kayo upang mas maayos niyo pa ang buhay niyo. Ang mas lalo niyo pa na masigurado rin ang damdamin niyo sa isa't isa. Consider it as a test, too, Kit. Kung mahal mo talaga ang anak ko, papayag ka sa gusto ko. Kung mahal mo siya, hindi ka matatakot na lumayo sa kanya para sa ikabubuti niya. Kung mahal mo siya, hindi mawawala ang pag-ibig mo sa kanya kahit magkalayo kayo. At kung nagtitiwala ka rin sa kanya na mahal na mahal ka rin niya, aasa ka na paglayuin man kayo, pareho pa rin kayo ng nararamdaman."

Napaisip si Kit sa mga pakiusap sa kanya ni Mr. Soriano. May punto ito. Masasaktan man sila ni Cindy pero sa ikabubuti rin naman iyon ng lahat.

Hindi gustong isipin ni Kit na distraction si Cindy sa buhay niya. Pero alam niya na totoo iyon. Dahil na rin siguro sa nag-iisang anak na babae at tila prinsesa kung ituring, may pagka-spoiled ito. Madalas na gusto nito ang masusunod. Patunay na roon ang basta-basta na lang nitong pagdesisyon na magtanan sila para lang hindi matupad ang plano ng mga magulang nito para rito. Palaging pansariling kaligayahan lang nito ang iniisip nito. Alam niya na mahihirapan nga siya kahit na ba mahal niya si Cindy.

May punto rin naman ang mga magulang ni Cindy sa gustong gawin ng mga ito sa buhay ng dalaga. Sa gabing iyon, kahit alam niya na masasaktan si Cindy, inisip na lamang niya na para sa ikabubuti ang napili niyang desisyon.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now