7

1.4K 38 2
                                    

PAKIRAMDAM ni Kit ay kagaya ng ilog na kinaroroonan nila ang saya sa kanyang dibdib---umaapaw, tila wala ng katapusan. Habang tinitigan niya si Cindy habang aliw na aliw itong nagtatampisaw sa ilog kung saan niya naisipan na dalhin ito ay mas masabi niya na mas naaliw siya na panoorin lang nito iyon. Ramdam niyang kagaya ng buhay na mayroon siya, kaya rin na yakapin nito iyon.

Dinala niya si Cindy sa isang liblib na baranggay sa may Tarlac. Doon ang probinsya kung saan siya nakatira at napagpasyahan niya na dalhin si Cindy sa ilog na madalas niyang puntahan sa lugar. Iyon ang pinakapaborito niya. Malapit kasi iyon sa horse farm kung saan siya nagtatrabaho bilang stable boy noon. Nang mag-request sa kanya si Cindy na gusto nitong makalaya mula sa city-life kahit papaano, doon niya naisip na dalhin ito. Gusto nitong mag-relax, ang kahit papaano ay limutin ang mundo.

At sa nakikita ni Kit ngayon, ramdam niya na naging matagumpay siya sa ginawa niyang paraan para masunod ang gusto nito.

"Halika rito!" yaya pa sa kanya ni Cindy. Halos isang buwan na sila simula nang magkakilala. Hindi pa man masasabi na opisyal ang relasyon nila ay ramdam niya na nagsisimula na silang binubuo iyon. Pareho silang aminado na gusto nila ang isa't isa sa simula pa lamang at walang kahit anong bakas ng pagsisinungaling ang nakikita ni Kit kay Cindy. Sa katunayan, mas nararamdaman niyang totoo ang sinasabi nito sa mga nakalipas pa na mga araw. Hindi kagaya ng karaniwang mayaman, balewala kay Cindy kung ano ang katayuan sa buhay niya. Sa kabila ng alam nito na nakaraan niya, hindi nito alintana iyon. Sa halip, pinipilit nitong makibagay sa buhay niya. Kagaya na lamang ng ginagawa nito ngayon.

Sinunod niya ang gusto ni Cindy. Lumapit siya rito at sabay nilang inilubog ang sarili sa tubig. Pagkaahon nila ay hindi pa rin mapalis-palis ang ngiti sa mukha ni Cindy. Isang oras na yata na nakababad ito sa ilog ngunit hindi pa rin nito gustong umalis roon. "Ang saya-saya naman dito. Ang ganda ng kapaligiran, ang sarap ng tubig at---"

"Gusto mo talaga ang ilog? Hindi ka ba nangangati?"

Kumunot ang noo ni Cindy. "Bakit naman ako mangangati?"

"Sabi nila, kapag daw mayaman, hindi sanay sa mga ganitong tubig---"

Sumimangot si Cindy. "Pag-uusapan na naman ba natin ang estado ng buhay ko?"

"Hindi natin maiiwasan iyon, Cindy."

"Alam ko. Pero ilang beses ko ba na sasabihin sa 'yo na huwag mo ng ulitin ang mga iyon? I hate being rich. I hate being treated like a princess."

"Pero hindi mo maiialis sa akin iyon, Cindy. Dahil isa kang prinsesa sa akin. Ikaw ang prinsesa ng buhay ko. Ikaw ang prinsesa ng puso ko," madamdamin na wika ni Kit sabay hawak ng namumula na ngayong pisngi ni Cindy.

Alam ni Kit na kapag nalaman ng mga tao ang relasyon nila ngayon ni Cindy ay marami ang magtataka, maiinis at pag-uusapan ang tungkol roon. Isang prinsesa ay umibig sa isang kagaya niyang mahirap lamang. Kakaiba iyon. Hindi rin magandang tignan. Magiging maayos pa sana kung siya ang nasa katayuan ni Cindy at umibig siya sa isang kagaya nito na mahirap. Pero baligtas ang fairy tale nila. Kapangalan man ni Cindy ang isang sikat na fairy tale princess pero ang buhay nito ay nasa sa kanya.

Pero kagaya ni Cindy, hindi rin kaya na itanggi ni Kit ang nararamdaman kay Cindy. Noon pa man ay kilala na niya si Cindy Soriano. Napakaganda nito. Sikat. Hinahangaan niya ito. At nang una niyang makita at iligtas si Cindy, ramdam niya na lumaki pa ang naramdaman niya rito. Nagustuhan niya si Cindy. Kakaiba rin ang naramdaman niya ang damdamin rito nang magkalapit sila sa isa't isa. Dahil sa abalang buhay ni Kit, wala na siyang oras pa upang humanap ng love life. Hindi niya kayang intindihin iyon. Pero kay Cindy, hindi niya kayang hindi intindihin na lang ang malakas na tibok ng puso niya tuwing nasa paligid ito.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now