4

1.8K 37 0
                                    

"BAKIT nandito ka na naman muli?"

Napakislot si Cindy nang marinig ang pamilyar na boses na iyon sa kanyang likuran. Kagaya kahapon ay naging matagumpay na naman muli sa pagpasok si Cindy sa YERS kahit close na iyon. Dumiretso sa kuwadra. Umaasa siya na makikita muli ang lalaki. Isa nga iyon sa mga dahilan niya kung bakit ginusto niya na bumalik ng YERS kahit na ba kagaya ng pagpunta niya roon kahapon, gabi na ng mga sandaling iyon. Pero hindi pa rin naiwasan ni Cindy ang magulat, lalo na nang marinig lang muli ang boses ng lalaki. May kakaibang epekto talaga ito sa kanya.

Nilingon ni Cindy ang nagsalita at hindi nga siya nagkamali. Ang lalaking tumulong nga sa kanya iyon kagabi.

Pero bago pa man nakapagsalita si Cindy, nagsalita muli ang lalaki. Nagbaba pa ito ng mukha. "Sorry. Nagulat lang ako na makita ka. Hindi ko na dapat tinatanong kung bakit ka nandito. Isa ka sa mga taong madalas dito. Nalaman ko na isa ka rin sa mga nagtuturo rito na sikat na equestrienne. Hindi naman masama kung gusto mong pumunta na lang dito,"

"Pero gabi na. Close na ang riding school. May karapatan ka na magtaka kung bakit. Hindi mo kailangang mag-apologize sa pagtatanong."

Hindi pa rin tumingala ang lalaki. Halatang nahiya talaga ito sa inasal.

"Hindi ka dapat mahiya sa akin. Ako nga ang dapat na mahiya sa 'yo dahil sa nangyari kagabi."

"Trabaho ko ang bantayan ang stable. Trabaho ko rin ang tignan kung sino man ang pupunta upang kumuha ng isang kabayo."

Kung ganoon ay isang stable boy ang lalaki. Ang kaibahan nga lamang, hindi na ito mukhang "boy". Sa tantiya niya ay nasa dalawampu't anim na ito, matanda ng dalawang taon sa kanya.

"Kung ipagkukumpara tayo sa isa't isa, ako dapat ang mahiya. Napakababa ko kumpara sa 'yo,"

Kumunot ang noo ni Cindy. "Hindi ko gusto ang sinasabi mo. Hindi ka dapat ganoon na mag-isip. Lahat ng tao ay dapat na pantay-pantay lang." Pangarap pa ni Cindy sa lalaki. "Pero siguro, kaya nararamdaman mo iyan ay dahil naiilang ka sa akin. Hindi mo pa kasi ako kilala. I'm Cinderella Soriano pero kagaya ng madalas na gusto ko na itawag na lamang sa akin, puwede mo rin ako na tawagin na Cindy,"

"Ma'am Cindy,"

"Hindi. Just Cindy. Maliwanag ba? Mas lalo kong hindi magugustuhan kung tatawagin mo ako na may Ma'am pa. I hate formalities," inilahad ni Cindy ang kamay.

"C-Cindy," wika ng lalaki, bahagya pang naiilang, pagkatapos ay tinanggap ng lalaki ang pakikipagkamay niya. "Ako naman si Kit."

Gustong matawa ni Cindy. Coincidence lang ba talaga na parehas ito ng pangalan ng lalaking prinsipe ni Cinderella sa fairy tale? Nakaramdam ng kakaibang nginig si Cindy.

"Kit," pinilit na ayusin ni Cindy ang pagsasalita noon. Hindi niya gustong ipahalata kay Kit na nakaramdam siya ng panginginig dahil lamang sa sandaling pagdadaupang palad nila. Nakaramdam siya ng kuryente mula sa kamay nito na tila niyanig ang kanyang buong katawan. "Nice name. Ikinagagalak ko rin na makilala ka."

"Ako rin." Ngayon ay ngumiti na ang lalaki. Mukhang nawala na ang pagkailang nito. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ni Cindy. Mas lalo pa nga na lumakas ang tibok ng kanyang puso nang ngumiti ito sa kanya.

Hindi naman bago para kay Cindy ang makakilala ng stable boy. Dahil nasa kabayo ang buhay niya, masasabi niya na ang ilan sa mga iyon ay nakakausap na niya madalas. Kaya ang makipagkilala kay Kit ay maliit na bagay lang para sa kanya. Hindi siya matapobre na tao.

"Bago ka rito, ano? Ngayon lang kita nakita,"

"Mag-iisang linggo na," sagot naman ni Kit.

"Kaya. Hindi ako bumisita ng riding school noong nakaraang linggo," nasa Cebu si Cindy para sa shooting isang shampoo commercial. Bukod sa pagiging equestrienne, paminsan-minsan ay kinukuha rin siyang modelo. Ilang beses na siyang lumabas sa commercial ng shampoo. Siya ang palaging endorser noon.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu