18

1.3K 42 0
                                    

RAMDAM ni Cindy ang bigat ng loob niya habang naglalakad siya papunta sa isang restaurant sa loob ng isang mall. Ngayong araw ay nag-set ang kanyang ama ng dinner date para sa lalaking napili nito para sa kanya. Pero kahit siya mismo ang nagmungkahi na gawin iyon ng ama ay nahihirapan pa rin siya.

Hindi niya gustong magpakasal. Kung sana nga lamang ay buhay pa ang Kuya Eric niya, hindi sana mangyayari iyon sa kanya. Masakit na nga para sa kanya ang manatili pa rin sa kompanya, pati ba naman ang isang bagay na ganoon ay ipipilit pa rin sa kanya.

Pero ang pinakamasakit na siguro kay Cindy ay alam na hindi taong mahal niya ang papakasalan niya. Hindi si Kit iyon.

Ginusto mo 'yun, Cindy, wika ng isang bahagi ng utak niya. Hindi dapat mabigat ang loob niya dahil siya na mismo ang nagsabi noon sa kanyang ama. Pilit rin niya na tinatanggihan na hindi niya gusto si Kit. Hindi niya gustong paganahin ang puso niya. Kaya nga pagkatapos ng paghatid nito sa kanya sa bahay nila, hindi na siya muli nakipaglapit rito.

Masasabi ni Cindy na natanggap niya ang dahilan ni Kit kung bakit hindi siya pinili nito. Lalo na at kita naman niya na naging matagumpay ito sa buhay. Masasabi niya na masaya rin siya rito. Gumaan ang loob niya sa ipinagtapat nito at naniniwala siya roon. Kung wala itong naggawang maganda sa loob ng tatlong taon, hindi ito makakuha ng mataas na puwesto sa kompanya nila. Ngunit ang paglayo niya kay Kit ay para rin sa ikabubuti ng lahat.

Hindi sila para sa isa't isa ni Kit. May napili na sa kanya ang ama at ngayon ay ang unang gabi ng pagkikita nila. Tinanggihan niya ang pagkakataon niya na makasama ang tanging lalaking minahal niya. Ito na ang consequences ng lahat ng iyon.

At ngayong gabi, haharapin niya iyon.

Huminga nang malalim si Cindy. Kinalma niya ang kanyang sarili. Magiging maayos rin ang lahat. Hindi man niya kilala at mahal ang lalaki, matutunan na rin naman siguro iyon. Isa pa, pinili ito ng kanyang ama. Lahat naman ng ginagawa ng kanyang ama ay para sa ikabubuti niya, iyon ang itinatanim ni Cindy sa isip sa mga nakalipas na taon.

Pumasok si Cindy ng restaurant. Sinabi lang sa kanya ng ama kung anong numero ng table ang naka-reserve para sa dinner. Nakita niya na may tao na roon. Nakatalikod nga lamang ito kaya hindi niya agad nakita ang mukha. Pero nang lumapit siya rito at makita ang mukha ng lalaki, muntik ng mailaglag ni Cindy ang purse na hawak niya.

"Kit!" nanlaki ang kanyang mga mata, nagulat sa nakita. Pero hindi si Kit. Tumayo pa ito at ngumiti sa kanya.

"Cindy, how are you?"

Umiling si Cindy. Hindi gustong maniwala sa kanyang nakikita. Kinuha niya ang cell phone at binalikan ang text message ng kanyang ama. Sinigurado niya kung iyon nga ang table number kung saan naka-reserve ang dinner date nila ng lalaking pinili sa kanya ng ama. Tama naman ang napuntahan niya.

Pero...

"I-ikaw ang pinili ni Daddy para sa akin?"

"Masaya ka ba na malaman iyon?"

Kung ganoon ay si Kit nga. Nanlaki ang mga mata niya sa nalaman. "Paanong...?"

Huminga nang malalim si Kit pagkatapos ay lumapit sa kanya. Hinila nito ang upuan. "Umupo ka, Cindy. Ipapaliwanag ko ang lahat sa 'yo."

Sumunod si Cindy. "Hindi ka niya gusto para sa akin. Siya mismo ang kumausap sa akin at sinabing---"

"Noon iyon, Cindy. Noong ako pa lang ang hampas lupang Kit. Pero pinagbago na ako ng mga taon. Hindi na ako ang stable boy na tinanggihan niya noon."

Tinignan ni Cindy nang mataman si Kit. Iyon nga ba? Iyon lang ba talaga ang gusto ng kanyang ama kaya pinalayo siya nito kay Kit? Dahil noon ay hindi nila ito kapantay. Wala itong ipagmamalaki. At ngayong maayos na ang buhay ni Kit, ito pa ang pinili ng kanyang ama para sa kanya.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now