22

2.6K 56 2
                                    

ISANG buwan ang nakalipas at nangyari ang engagement party nina Cindy at Kit. Tatlong buwan naman pagkatapos ng engagement party ay ang araw ng kasal nila. Napagdesisyunan na maging ganoon kabilis dahil na rin sa kalusugan ng kanyang ama. Magre-retire na ito bilang CEO ng kompanya. Masyado na kasi itong napapagod at bawal iyon rito. Ngunit gusto nito na bago gawin iyon ay magpakasal muna sila ni Kit. Nalaman nila ang dahilan kung bakit naging ganoon ang desisyon ng ama sa mismong engagement party rin.

"Dahil gusto ko na pagbigyan ang anak ko, Kit. Gusto ko na sundin mo ang gusto niya noon na hindi magtrabaho sa opisina. Bumuo kayo ng pamilya o kung gusto niya, ituloy pa rin niya ang career niya bilang equestrienne. Makukuha na niya ang lahat ng ninais niya noon." Anunsiyo ng kanyang ama sa engagement party.

Nagustuhan ni Cindy ang sinabi ng kanyang ama. Gusto pa rin sana niya ang ipagpatuloy ang career bilang equestrienne pero sa ngayon ay uunahin muna niya na bumuo ng bagong pamilya. Nasa plano nila ni Kit na bilhin na lang ang horse farm sa Tarlac na sa ngayon ay pinag-iisipan ng ibenta na ng may-ari. Ang pinagsamang pera nila ni Kit ang gagamitin para makabili noon. Ngayong nakuha na niya ang permiso ng pamilya, sa tingin niya ay bukod sa pagbuo ng pamilya kasama si Kit, makukuha na muli niya ang buhay na gusto niya dahil sa property na planong bilhin.

Pero nang may biglang pumasok sa isip ay nabahala si Cindy. "P-pero Daddy, paano pala ang kompanya?"

"Nakalimutan mo na ba kung bakit gusto namin na mag-asawa ka na, Cindy? Ang magiging asawa mo ang gusto namin na mamahala noon."

Nanlaki pareho ang mata nila ni Kit. "S-sa tingin ko po ay napakalaki noon, Tito. Tama po ba talaga na ako ang mamahala noon? Pinagkakatiwalaan niyo na po ako nang husto?"

Hinawakan ng Daddy ni Cindy ang balikat ni Kit. "Mahal ka ng anak ko. Pinagkakatiwalaan ka niya. At ako rin, Kit. Hindi mo sinira ang tiwala ko sa nakalipas na taon. Sapat na iyon sa akin para pagkatiwalaan kita nang ganitong kalaking bagay."

Hindi pa rin makapaniwala si Kit. Ramdam niya ang tensyon nito pagkatapos ng mga announcement. Para pakalmahin ito, niyaya niya ito sa garden ng bahay. Sa loob ng mansion nila ginaganap ang engagement party kaya naman walang tao sa garden.

"Hindi mo ba gusto ang gustong mangyari ni Daddy, Kit?" tanong niya rito.

"Na-overwhelm ako, Cindy. Hindi ko inaasahan iyon. Isa pa, napakalaking responsibilidad ng lahat."

"Nagtitiwala kami sa 'yo. Alam ko rin na kaya mo,"

Hindi nagsalita si Kit. Tinitigan lang siya nito nang mataman. "Nararapat ba talaga sa akin ang lahat?"

"Of course. You're a wonderful person, Kit. You deserved something big like this."

Naging malaki pa lalo ang tiwala niya kay Kit sa mga nakalipas. Mabuti itong tao. Sa kabila ng hindi kagandahang pagtrato ng pamilya nito rito ay trinato pa rin ito ng mabuti ni Kit. Hanggang ngayon ay suportado pa rin ni Kit ang mga ito. Pamilya ko pa rin sila, palaging sinasabi sa kanya ni Kit. Unconditional ang pag-ibig nito. Sino siya para lalong hindi ma-in love sa ganoong klase ng tao? Dahil rin sa mga magagandang katangian na iyon ni Kit, alam niya na magiging mabuti rin ang pangangalaga nito sa kompanya.

"C-Cindy, natatakot ako," pag-amin nito. "Hindi naman ako nangangarap ng malaki. Sapat na ba talaga ang kakayahan ko? Parang hindi pa. Isa pa, hindi ko alam kung nararapat ba talaga sa akin ang lahat ng ito."

"Ito ang gusto ni Daddy at Lolo. Ang gusto nila ay si Kuya Eric ang sumunod na CEO. Pero alam mo na naman ang nangyari sa kanya, hindi ba? Hindi na niya magagawang pamunuan ang kompanya dahil nawala siya. Gusto rin nila na lalaki ang mamuno ng kompanya. With this, we need to abide the rules," huminga nang malalim si Cindy. "Kung gusto mo, kaya naman kitang tulungan at---"

"Hindi ko rin gustong ipagkait sa 'yo ang gusto mo, Cindy."

"At hindi ko rin kaya na mahirapan ka ng ganito, Kit. Kung nandito nga lang talaga si Kuya..."

Napabuntong-hininga si Cindy nang maalala ang kapatid. Minsan ay nagi-guilty siya kapag nagiging masaya siya. Kakawala lang ng kapatid niya. Nararapat ba na maranasan niya ang ganoong klase ng saya? Pero sabi nga nila, lahat ng tao ay kailangang mag-moved on. Kahit na ba mahirap para sa kanila ang gawin iyon, life must go on.

Kailangan nila na kaharapin rin ang bukas. Kaya kailangan rin nila na kaharapin ang responsibilidad na iyon gaano man kabigat.

"Nandito na ako. Anong problema?"

Nanlamig ang katawan ni Cindy nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan rin siyang lumingon para masigurado na hindi lang siya dinadaya ng isipan niya.

Namutla si Cindy sa nakita. Nakatayo sa harapan niya ang Kuya Eric niya!

Pero paano? Ang akala nila ay patay na ito. Ngunit ito ngayon ang kanyang Kuya. Nakatayo sa harap niya at sa likod nito ay may kasamang hindi niya kilalang babae.

"Hindi mo ba ako na-miss, Cindy?"

"K-kuya... Ikaw ba talaga 'yan?" nag-umpisa ng pumatak ang luha sa mga mata ni Cindy.

Lumapit ito sa kanya saka niyakap siya. "I survived the accident, Cindy. Hindi pa ako patay kagaya ng inakala niyo. Nagkaroon lang ng problema sa utak ko dahilan upang naging mahirap para sa akin ang makabalik sa inyo. But I'm fine. I'm perfectly fine," dire-direstso pang sabi nito saka iniharap ang babaeng kasa-kasama nito. "And oh, hindi lang pala ang sarili ko ang isinama ko sa pagbabalik ko. I want you to meet my girlfriend, Ursula."

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now