2

2.6K 48 0
                                    

Three Years Ago

"WALA ka na ba talagang balak sa buhay mo kung hindi ang mangabayo na lang habang buhay, Cindy?" may halong pang-uuyam ang tinig na ginamit ng Lolo ni Cindy. Biyernes ng gabi ngayon at tuwing ganoong araw ay required ang pamilya nila na kumain ng dinner sa bahay ng kanyang Lolo. Sa tuwina ay ikinaasar iyon ni Cindy pero dahil alam niyang mas lalo lang siyang maasar sa sunod-sunod na sermon na matatanggap niya kapag sinuway niya ang tila tradisyon na ng pamilya, tinitiis na lang iyon madalas ni Cindy.

"Masaya naman po ako sa ginagawa ko, Lolo," pinilit na ngumiti ni Cindy. Hindi niya gusto ang sinasabi ng Lolo. Hindi dahil nagsasawa na siya dahil tuwing magkikita na lang sila ay iyon na palagi ang tinatanong. Kaya naiinis siya dahil nakakaramdam siya ng pressure sa mga salita nito. Alam niya na kagaya ng ginawa ng kanyang Lolo sa kanyang ama, pipilitin rin siya nito sa isang bagay na hindi niya gusto.

"Malapit ka ng mag-beinte singko. Pero hanggang ngayon, nandoon ka pa rin sa field mo noong umpisa pa lamang. Isa ka pa rin na equestrienne. Hindi mo ba naiisip na magpalit? Ang mag-grow? Ang sumubok ng iba pang gawain bukod diyan?" tumingin ang kanyang Lolo sa kanyang Daddy. "Carlos, may bakante ba ngayon sa kompanya? Bigyan natin ng puwesto si Cindy---"

"Lolo, hindi ko po gusto na maging office girl. Kagaya po ng sinabi ko kanina, masaya po ako sa ginagawa ko. At hindi lang naman po ako basta mangangabayo. I'm a world class equestrienne. I compete in international competitions and---"

"Pero tumatanda ka na. Ilang taon mula ngayon, hindi mo na magagawa ang mga bagay na iyon dahil tumatanda ka na. Paano ka na kapag dumating ang punto na iyon? Nanatili ka na lang sa comfort zone mo. Ni hindi mo ginawang mag-explore. Anong pangsusuporta mo sa sarili mo kapag hindi ka na kumikita? Isa pa, ang pangangabayo, puwede mo naman na maging hobby na lang iyan kung hindi mo gusto na mawala sa 'yo. Hindi maganda ang ginagawa mo sa buhay mo, Cindy. Gusto ko na baguhin mo ang pinatutunguhan ng buhay mo. Magtrabaho ka sa kompanya."

Gusto muli ni Cindy na sumagot. Pero hindi na niya gustong putulin pa ng kanyang Lolo ang sasabihin niya. Ramdam niya ang pagiging determinado nito sa kagustuhan nito. Hindi ito magpapatalo. Patunay na roon ang ilang beses na nitong pagsasabi sa kanya tungkol roon sa mga nakalipas na linggo. Kahit sabihin niya pa ang iba't ibang dahilan niya, hindi rin nito iyon pakikinggan.

Hindi naman talaga nababahala si Cindy sa hinaharap niya kagaya ng sinasabi ng kanyang Lolo. Hindi niya maisip ang araw na maghihirap siya sakaling hindi na niya maggawa pang magtrabaho. May-ari ng isang food manufacturing company ang pamilya niya. Isa iyon sa mga leading sa kategorya nito. Malayo iyon mula sa pagkalugi. Madali lang dumedepende sa pamilya niya, lalo na at spoiled pa siya sa kanyang Daddy at Kuya Eric na siyang parehong nagtatrabaho roon at may matataas na puwesto. Hindi siya pababayaan ng mga ito. At hindi rin mahalaga kay Cindy na mag-grow at mag-explore. Kahit papaano naman ay may experience siya roon.

Kahit bata pa lamang si Cindy simula nang madiskubre ang galing niya sa pangangabayo, hindi iyon dahilan upang maapektuhan ang kanyang pag-aaral. Nakatapos siya ng kursong Business Management at para ma-kompleto iyon, kinailangan niya rin na mag-undergo sa isang On-The-Job-Training. Sa kanyang OJT, napatunayan niya na hindi niya gusto ang buhay opisina. May katagalan rin kasi ang kanyang OJT na inabot ng apat na buwan. Pinipilit man niya na gustuhin ang ginagawa ngunit sa tuwina ay ramdam niya na may kulang. May hinahanap siya.

At iyon ay ang mga kabayo. Ang field. Hindi niya gusto ang buhay sa opisina. Sinubukan na naman niya at para sa kanya ay sapat na iyon. Nang sabihin rin naman niya sa kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid ang tungkol roon ay wala namang problema. Ang Lolo lang niya ang nagsasabi ng ganoon sa kanya.

Gusto nitong manipulahin ang buhay niya kagaya ng ginawa nito sa kanyang ama. Alam naman niya na hindi iyon gagawin ng kanyang ama sa kanya dahil na rin nagkaroon na ito ng sariling karanasan sa kanyang Lolo. Maayos lang rin para rito ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Suportado siya ng mga ito at iyon ang dapat mahalaga sa kanya. Hindi naman talaga dapat na sumasagot pa si Cindy rito. Pero paulit-ulit na ang kanyang Lolo. Hindi na niya mapigilan na mainis.

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now