6

1.3K 42 0
                                    

TILA isang hiwaga ang lahat. Tila hindi kapani-paniwala pero dahil naniniwala si Kit sa hiwaga, gustong paniwalaan ni Kit ang lahat. Tatlong taon na ang nakalilipas. Tatlong taon na rin simula nang iwan niya si Cindy. Ngunit ngayon, nasa harap na niya ito. Worth it ang mga sakripisyo niya. Totoo nga na pagkatapos ng ulan, may bahaghari sa dulo noon. May hiwaga, may mahika. At iyon ay si Cindy sa buhay niya.

Unang pagtatagpo pa lamang ng mga mata nila ni Cindy sa gabing iyon, nasigurado na ni Kit na hindi pa rin nawawala ang kanyang damdamin. Gusto niya pa rin si Cindy. Mahal pa rin niya ito sa kabila ng tatlong taon na pagkalayo na walang kahit anong contact sa isa't isa. Pero hindi na ipinagtaka ni Kit na ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman kay Cindy. Pagkatapos ng lahat, naging madali rin para sa kanya ang mahulog kay Cindy tatlong taon na ang nakalilipas. At masuwerte siya na kagaya niya noon, ganoon rin ang nararamdaman sa kanya ni Cindy.

Umaasa si Kit na magpahanggang ngayon, magiging ganoon pa rin ang sitwasyon.

Napansin niya na natigilan si Cindy nang makita siya. Ganoon rin naman ang lahat ng tao na dumalo sa ika-dalawampu't walong taon na kaarawan nito. Hindi niya masisisi ang iba dahil na rin naging agaw atensyon siya. Na-late siya sa party. O mas masasabi niya na sadyang nagpa-late siya. May nakapagsabi kay Kit na kapag ginawa niya ang sariling huli sa kasiyahan, magiging agaw atensyon siya. At iyon ang gusto niyang gawin. Gusto niyang maging agaw atensyon dahil gusto niya na mapansin ni Cindy. Gusto niyang maging kagaya ni Cinderella sa royal ball na in-attend-an nito. Dahil sa istorya nila ni Cindy ay si Kit ang mas masasabi na kahawig ng buhay ni Cinderella, ginawa niya iyon.

Ngunit sandaling ikinabahala ni Kit kung nakilala ba siya ni Cindy. May malaking parte ang nagsasabi na malabo iyon. May suot siyang maskara. Mamaya pa, pagsapit ng alas dose ng gabi sabay-sabay na tatanggalin iyon. Sooner or later ay makilala rin siya ni Cindy. Ngunit hindi niya pa sana gusto na mangyari iyon. Gusto niyang i-enjoy ang muli nilang pagkikita na hindi kinahaharap ang galit ni Cindy. Isa sa mga dahilan kung bakit lubos siyang nagpapasalamat kung bakit masquerade ball ang theme ng ika-dalawampu't walong kaarawan nito.

Gusto niyang makita ang dating Cindy. Gusto niyang makita na nakangiti ito. At hindi nga nabigo si Kit. Hindi nangyari ang kinababahala niya. Hindi siya nakilala ni Cindy. Dahil ilang sandali lang ay nginitian siya nito.

Sandaling natulala pa rin si Kit ngunit ginantihan niya ng ngiti si Cindy. Gusto niya ng bagong simula sa kanilang dalawa. Alam niya na ito na ang gabing iyon. Ngunit sa kabila ng mga gusto ni Kit, alam rin niya na kailanganin rin nila ni Cindy na balikan ang mga nakaraan...

My Cinderella Prince (COMPLETED)Where stories live. Discover now