LMI# 2 : THE CURSE

323 11 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 2: The curse

Grayson

"ANAK ng pugita naman oh."

Akala ko ba magpapakamatay 'tong babaeng 'to?! Nagmadali pa man din akong pumunta dito tapos maaabutan ko lang siyang prenteng nakaupo sa sahig habang nagmomovie marathon?!

Naiwan sa ere ang hawak niyang popcorn at nanlalaki ang matang napatingin sa akin.

"A... Anong"

"Nagsinungaling ka?! Akala ko ba magpapakamatay ka?!"

Inaasahan ko pa namang akma siyang magpapakamatay tapos bigla akong susulpot para iligtas siya. Teka— Ang corny ko ah.

Nabitawan niya ang hawak nito at natumba pa ang bowl na pinaglalagyan niya ng popcorn n'ong tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig.

"A... Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ba ikaw 'yung tumawag sa akin? Ikaw 'yung nagsabing magpapakamatay 'di ba?" Hindi siya nagsalita dahil nakatulala pa rin siya sa gawi ko. "Oh baka naman... nagkamali ako ng pinasukang bahay?"

"Baliw!"

Nagulat ako nang bigla niyang pinulot 'yung popcorn sa sahig at patuloy akong pinagbabato nito.

"Sandali! Anong ginawa ko? Bakit mo ba ako binabato?"

"Baliw ka! Baliw! Baliw! Baliw! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" galit at umiiyak na sigaw niya.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now