LMI# 6: THE NAME

161 8 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 6: The Name

Grayson

"TAENA, BRO! SIKAT KA NAAA!"

Napakamot ako sa ulo nang marinig ang sigaw ni Ben. Naiinis na tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagbalik sa pagtulog.

"Umagang-umaga naman, Ben! Nangangapitbahay ka na agad! Natutulog pa 'yung tao, eh!" naasar na sigaw ko nang alugin niya ang katawan ko ng paulit-ulit.

"Tingnan mo muna 'to! Trending ka, bro! Shocks, may bestfriend na akong sikat! Baka sakaling madiscover na ang kagwapuhan ko dahil sa'yo!"

Napabangon na lang ako kahit na inaantok pa talaga ako. Pakamot-kamot sa ulo akong napatingin sa sinasabi ni Ben. May dala siyang iPad habang may naka-play na video dun.

"Ano ba 'yan?" I asked while trying to process the whole thing about the video.

"Ano pa? Eh 'di ikaw habang kumakanta!"

Nagsalubong ang kilay ko at tila nagising ang natutulog kong diwa sa sinabi niya.

Pota. Ano daw?! Ako? Kumakanta?!

Inagaw ko 'yung iPad sa kamay niya at pinanood ng mabuti 'yung video. Anak ng pating. Ako nga! Bakit nasa social media na 'to?! Pambihira naman. Ayoko pa naman sa lahat 'yung pinagkakaguluhan ako. Peste.

"Tingnan mo mga comments, bro."

Napahilamos na lang ako sa mukha habang problemadong napabuntong-hininga.

"Ang pogi ng boses lalo na 'yung kumakanta, ang pogi din. Kuya, paanak naman kahit bente lang. Hahaha, paanak daw, bro, oh!"

Binato ko siya ng unan sa tabi ko. Gumagawa na naman kasi ng kwento ang isang 'to eh.

"Patingin nga!" Inagaw ko 'yung iPad sa kamay niya at binasa 'yung mga comments.

"Sana all, malamig 'yung boses, hashtag couple goals. Ang cute naman nilang dalawa. Ang sarap niyong iuwi sa bahay. Anak ng... Bakit may ganitong mga comment?!" hindi makapaniwalang sigaw ko habang ibinabalik sa kanya 'yung iPad niya.

"Dahan-dahan naman, Gray. Baka bumagsak. Teka, teka! Ito pa, oh! Oh my gosh... Taena para akong babae. Ehem. Kilala ko 'yung lalaki. Kaschoolmate ko lang siya. If you want to see his profile, his name is Gray Henares on facebook. Pota, Gray! Binunyag nitong babae 'yung pangalan mo sa facebook."

"Ano?! Sino 'yan?! Anak ng... Aabangan natin 'yan sa gate! Sabihin mo sa'kin 'yung pangalan."

"Azirelle Fortaleza."

Napapikit na lang ako ng mariin nang marinig 'yung pangalan. Tae. 'Yung kaibigan pala ni Vien. Pahamak din talaga ang isang 'yun, 'no?!

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now