LMI# 12: THE LOVE INTEREST

107 4 1
                                    

LOVE ME INSTEAD

Chapter 12: The Love Interest

Grayson

"SORRY ABOUT what I did before. I realized how rude I was back then. Pasensiya na talaga," saad ni pandak habang nakikipagkamay kay Ben.

Si Ben naman ay todo pa kung ngumiti  habang tinatanggap 'yung pakikipag-kamay ni pandak.

"No worries. Wala na sa akin iyon. I'm Ben, it's nice to meet you."

"Same, Ben. Ako nga pala si..." Napatigil siya sa pagsasalita at sandaling tumingin sa akin.

Oo nga pala. Ayaw niyang sabihin kung anong pangalan niya.

"Kilala na kita. Ikaw si girlfriend," nakangiting sagot ni Ben.

Teka, girlfriend?! Anong girlfriend?!

"G... Girlfriend?"

"Girlfriend. Ikaw 'yung girlfriend na tinutukoy nitong kaibigan ko."

Mabilis na nanlaki ang mata ko kasabay ng pag-iling ko.

"W... Wala akong sinasabi sa'yong ganyan! Huwag ka ngang mag-imbento!" naiinis na sigaw ko kay Ben.

Napailing na lang ako at itinuon ang atensiyon sa kinakain. Pansin ko ang pagtingin ng ilang estudyante sa gawi namin pero wala akong pakialam. Kung gusto rin nilang sumigaw, eh 'di, sumigaw rin sila.

"H... Hindi niya ako girlfriend."

"Alam ko," natatawang sagot ni Ben sa kanya. "Even so, I think I'll just stick with calling you that way."

"Eh?" nagtatakang tanong ni pandak.

Lihim akong napabuntong ng hininga sa sinabi ni Ben. Kapag naisipan niyang mang-asar, hindi mo na talaga siya mapipigilan pa.

"Ikaw si girlfriend at si Gray naman ay..." Tinapik niya ang balikat ko habang ngumingiti ng kakaiba, "...si boyfriend. Astig, 'di ba?"

"Hindi astig iyon," hindi interesadong sagot ko.

Napatayo ako sa inuupuan at napailing.

"Teka lang! Hindi pa tayo tapos mag-usap, boyfriend. Huwag ka ngang bastos diyan." Hinawakan ni Ben ang magkabilang balikat ko at puwersahan akong pinaupong muli sa pwesto ko. "Maupo ka muna, girlfriend. Halika at samahan mo kami dito."

Tumayo si Ben sa inuupuan niya at hinila si pandak papalapit sa pwesto namin. Pinaupo niya si pandak sa tabi ko samantalang siya naman ay naupo sa harap namin.

"Tumigil ka na nga sa iniisip mo, Ben. I told you, she's not my girlfriend. You've got the wrong idea."

"Who cares?" tila hindi kumbinsidong sagot niya.

Napailing na lang ako at hinayaan siya. Ibinalik ko na lamang ang atensiyon ko sa kinakain.

"So, kailan pa kayo nagkakilala ni boyfriend?"

"Ahh... Ahehehe. N... Nitong nakaraan lang sa... sa Mall!" tila kinakabahang sagot ni pandak.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now