LMI# 30: THE FAKE SMILE

62 1 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 30: The Fake smile

Grayson



"ISASAMA KA ng lola mo pagbalik niya sa UK?" tanong ni Ben sa akin nang magkasalubong kami kanina sa hallway papuntang business management building.

"Oo nga, paulit-ulit?" Kinuha ko ang cellphone na kanina pa vibrate ng vibrate at agad na pinatay nang makita kung kanino iyon galing.

"Sino 'yon?"

"Si Mama. Halos dumugo na nga 'yong tenga ko kagabi dahil sa sermon niya. Akala ko nga ay nakatakas na rin ako sa wakas pero hindi pala kasi tinatadtad pa rin ako ng text. Parang ayoko nga muna umuwi sa bahay ngayon, e." Napahinto ako at napatitig nang matagal kay Ben.

"No, no, no! My house is off limits, bro! 'Wag mo na akong idamay sa galit ni Tita, please lang!" Halos magmakaawa pa si Ben kahit na wala pa naman akong sinasabi.

"Teka ngaPaano mo pala nalaman na isasama ako ni lola pag-uwi niya?" tanong ko at nagsimula ulit maglakad.

"Tinawagan ako ni Vienne kagabi. I'm actually in the middle of doing something and she ruined it! God, I hate her!" reklamong sagot nito.

Smirk. Magaling, Vienne. You did the right thing.

"Wait a minute! Why did your sister told me that you spent your night at the party when you already went home early?" naniningkit ang tingin na akusa niya. "Enzo told us you left the party and went home."

I yawned and looked at my wristwatch. "I did. But unfortunately, my car got stuck from all the cars that was parked in his garage."

"So?" Napatigil siya sa paglalakad nang mapahinto sa tapat ng kaniyang locker.

Lihim akong napalunok nang mapansin kung saan patungo ang usapan na ito.

Binuksan ko ang locker ko at hindi na lang sumagot para makaiwas sa anomang tanong na ibabato niya.

Bahagya pa akong nagulat nang mahulog ulit ang mga papel sa sahig kaya kinuha ko ang plastik sa bag at naghandang magpulot.

"Your house is not even that far from Enzo's so you can just hire a grab. O 'di kaya'y pwede mo naman lakarin kung gugustuhin mo," dagdag niya habang iniipon ang mga papel.

Kumuha siya ng paper bag sa kaniyang locker at yumuko para pulutin ang mga papel sa sahig. Tila normal na routine niya na sa umaga ang magpulot ng mga love letters mula sa kaniyang locker. Samantalang ako ay tila hindi pa rin sanay sa atensiyong binibigay nila.

Isinara ni Ben ang locker ko nang hindi ako sumagot kaya napabuntong hininga ako, lalo na nang hawakan niya ang baba ko para ituon sa kanya ang pansin ko. Inalis ko ang kamay niya at naiiling na binuksan muli ang locker ko.

Siraulo talaga 'yon.

"I just walked and didn't make it in time," rason ko.

"You can't fool me. We both know you didn't went home early. Where did you go?" may pang-aakusang tanong niya.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now