LMI# 31: THE MINI CONCERT

57 2 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 31: The Mini concert

Grayson

ILANG ORAS na ang lumipas magmula nang magising ako nitong umaga pero nanatili pa rin akong nakahiga habang nakatingin sa kisame.  Kung tutuusin ay male-late na ako sa klase pero parang ayaw kumilos ng katawan ko.

Tumunog muli ang cellphone ko sa ibabaw ng desk malapit sa akin pero hinayaan ko lang iyon.

Nitong mga nakalipas na araw, sinubukan kong bumalik sa mga nakagawian ko. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang basketball at ang team ko kaya napadalas na rin ang pagpunta namin sa mga club tuwing gabi.

Sa mga araw na kasama ko sila, lagi akong nakangiti na tila excited na akala mo'y matagal na hindi nakabalik. Lagi kong sinasabi sa sarili kong masaya ako at 'yon ang kinabibilangan ko.

Pero...

"Masaya nga ba talaga ako?"

Ipinikit ko ang mata ko at tumagilid pero agad din akong napamulat nang bumagsak ako mula sa kama. Kasabay ng pagdaing ko ay ang pagbukas ng pintuan sa aking kwarto.

"Uh... What are you doing?" bungad na tanong ni Ben habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa.

"Stop asking and just help me get up."

Lumapit siya sa akin at agad akong tinulungan para makatayo. Ininda ko ang sakit ng likod ko at agad siyang tinanong.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ano pang ginagawa mo dito?!"

Baliw ba 'to? Malamang na nandito ako kasi bahay ko 'to, e. Kung makapagsalita naman 'to parang pinapalayas na ako sa sarili kong pamamahay.

"Kung nandito ka para pilitin akong pumasok, ngayon pa lang sinasabi kong sumuko ka na. Tinatamad ako kaya hindi ako sasama sa iyo," pinal na tugon ko habang pinapagpagan ang suot na damit.

"I'm not going to ask, dude." Inilagay niya ang magkabilang kamay sa aking balikat at itinulak ako palabas ng kwarto. "I'm forcing you to go."

"No—wait! Wait! I'm not going!" Inilagay ko ang magkabilang kamay sa pader habang pinipigilan ang sariling mapatangay sa pagtulak ni Ben.

"Just let... go!" aniya habang hinihila ako pababa.

"Uh... What are you doing?" Napatigil kami nang makasalubong si Vienne malapit sa hagdan. "You two act more child-like than Gelo, you know that?"

Nagkatinginan kami ni Ben bago napatayo nang maayos. Tahimik kaming naglakad pababa ng hagdan na akala mo'y walang nangyaring hilahan kanina.

"Good morning, Tita Rhea!" magiliw na bati ni Ben sa nanay ko habang binubuksan ang ref namin.

"Who is that kid?" Halos atakin ako sa puso dahil sa gulat nang sumulpot si lola sa tabi ko.

"He's Benedict, Ma. Gray's best friend," sagot ni Mama.

"Oh, I see. He must be the reason why you're coming home late these days."

"Good morning, Ma'am! You look lovely in the morning!" masiglang bati ni Ben sa lola ko habang may pagmano pa.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now