LMI# 5: THE SINGER

170 7 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 5: The Singer

Grayson

"FOCUS, SALVE! Ano bang problema mo?!" galit na sigaw ni coach kay Henry.

Kanina pa kasi siya parang wala sa huwisyo. Ano bang problema niya?

"Sorry, coach. May iniisip lang."

"Huwag mong dalhin dito 'yung problema mo sa labas. Pati mga kateammates mo nahihila mo pababa! Fifteen minutes break!"

Nagsipuntahan na kami sa bench para magpahinga saglit. Halos isang linggo na rin kasi kaming busy sa pagpapractice dahil sa nalalapit na game kaya ang sungit ni coach ngayon. Pati tuloy kami nadadamay.

"Ano kayang problema ni captain?" tanong ni Ben sa akin nang makalapit siya.

"Ewan," sagot ko na lang habang kinukuha 'yung maliit na towel sa knapsack na dala ko.

Napakainit! Anak ng pating naman. Kanina pa ubos 'yung dala kong tubig kaya nauuhaw tuloy ako.

"Baka naman babae. Alam mo na? Si Elise," bulong nito habang malisyosong itinataas-baba ang kilay sa gawi ko.

Mukha siyang timang sa ginagawa niya.

"Tigilan mo nga ako sa kaka-Elise mo d'yan. Papa-elise-in kita diyan sa tabi ko, makita mo," inis na bulong ko kaya tinawanan niya ako nang malakas.

Napatingin tuloy 'yung team sa gawi namin.

"Hahaha! Ang pogi talaga ni Xander Ford, no?! 'Nak ng tokwa talaga!" malakas na tawa at sigaw ni Ben.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ang galing talaga nito magdala ng eksena. Kakabilib!

"Hinay-hinay lang sa alak, Ben. Nakainom ka na naman yata!" pang-aasar ni Dylan sa kanya.

Pfft. Ayan tuloy. Tuloy mo lang 'yan, Ben. Support kita.

"Lul! Ikaw, Aling Tonyang ka! Halika nga rito!" balik na asar ni Ben dito.

Napailing na lang ako nang makitang nagwre-wrestling na sila sa lapag. Mga isip bata!

Ipinakilala kasi ni Dylan sa amin 'yung girlfriend niya n'ong nakaraan. Antonia pala pangalan n'on kaya Aling Tonyang na tuloy ang asar ni Ben dito. Ang bully, 'no?

Napatingin ako sa loob ng bag nang mapansing umiilaw ang screen ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan.

From: Pandak

Still busy from practice?

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti. Namimiss na yata ako nito, eh. Maasar nga.

To: Pandak

Bakit? Miss mo 'ko?

"Walanjo, walanja mga tropapips! Lumalablayp na 'yung isang tropa natin diyan!" pang-aasar ni Ben na ginatungan naman n'ong iba.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now