LMI# 8: THE HANGOVER

130 6 0
                                    

LOVE ME INSTEAD

Chapter 8: The Hangover

Grayson


"WHERE HAVE you been, Grayson?"

Sumandal ako sa pader para hindi matumba. I forced a smile and hold on to something to keep my balance.

"Just... Just somewhere, Ma."

"Are you okay? Well, you don't look okay to me."

"O... Opo! Why would I be not okay?"

Mom crossed her arms and raised an eyebrow at me.

"I don't know. Your face looks red and I guess your head's spinning, maybe you're drunk. Am I right?"

"No, I'm not. Why would I be drunk, Ma?" natatawang tanong ko kahit na sa loob-loob ko ay kinakabahan na talaga ako.

Bakit ang lakas ng radar ng nanay ko?! Atsaka paano kung bawiin nila ang kotse ko?! Hindi pwede 'to!

"Hindi ko alam. Baka naman kasi pumunta ka sa party ni Enzo at nakipag-inuman doon."

Naiwan ang bibig kong nakanganga sa mga sinabi ni Mama. How did she...

"How did you—"

"So tama nga ang sinabi sa akin?!"

Teka— May nagsumbong na naman kaya sa akin?! Anak ng...

Nawala yata ang kalasingan ko nang lapitan ako ni Mama at mabilis na piningot ang tenga ko.

"Ma, aray! Masakit!"

Hinila niya ako patungo sa kitchen at pinaupo sa stool. Binitawan niya ang tenga ko kaya agad akong napahimas doon. Ang sakit.

Hinawakan ni Mama ang baba ko at bahagyang itinaas para makita ang kaliwang pisngi ko. Mabilis siyang napailing bago binitawan muli ang mukha ko.

Kumuha siya ng ice pack at idiniin sa pisngi ko.

"Aray, Ma!"

"Iyan kasi! Tigas ng ulo mo! Bakit may pasa ang pisngi mo?! Nakipag-away ka na naman?"

"Hindi po! I was just... not being careful."

She sighed and gave me the ice pack. She went back to get a glass of water for me. Inilapag niya ito sa harapan ng lamesa sa harap ko at sumenyas siya na inumin ko iyon.

Napangiti ako nang lihim. Kahit na matigas ang ulo ko, ang sweet pa rin ni Mama sa akin. Mabuti na lang at wala siyang nabanggit tungkol sa pagbawi sa kotse ko. Salamat naman.

"Anong problema dito, honeybunch?"

I gulped when I heard Dad's voice. Kung nakakatakot si Mama magalit, mas nakakatakot magalit si Papa. He can totally ground me, cut my allowance and even take my car and never give it back again!

Anak ng pork chop talaga!

"Your son..." Mom stared at me and shook her head in dismay then sighed. "...accidentally hit the door earlier. Nakaharang kasi siya sa pinto kaya nang buksan ko, tumama sa mukha niya."

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now