LMI# 22: THE GAME

66 3 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 22: The Game

Grayson

"WHERE ARE you going?" Nagtatakang tanong ni Vienne habang nagtitimpla ng gatas at hindi inaalis ang tingin dito.

"Ben and I are gonna go for a jog around the neighborhood, wanna join us?"

"Nah, I'm good," she replied and sipped on her glass.

Nagkibit na lamang ako ng balikat at isinuot ang headset sa tainga bago tuluyang lumabas ng bahay. Naabutan ko si Ben na abala sa pagcecellphone sa tapat ng bahay nila kaya lihim akong napangiti nang may maisip na kalokohan.

Agad akong tumakbo palapit at mabilis na hinablot ang cellphone niya kaya nagulat siya at napahiyaw.

"Oy, g*go!" malakas na sigaw niya bago mabilis na humabol sa akin.

Nang makita niyang ako lang pala ang kumuha sa cellphone niya ay bumagal na ang pagtakbo niya kaya natawa ako habang inaabot sa kanya pabalik ang kinuha ko.

"Tang*na, akala ko may snatcher na dito sa subdivision, e. Kinabahan ako, g*go ka."

"Ang gwapo ko namang snatcher," natatawang sagot ko.

"Panget mo kaya. Wala ka pa sa kalingkingan ng kagwapuhan ko." Nagulat ako sa sagot niya kaya bahagyang bumagal ang pagtakbo ko habang naiiling at natatawang napalingon sa gawi niya.

Siraulo 'to, ah?

"At sino namang nagsabi sa'yong gwapo ka?"

"Nanay ko, bakit? May reklamo ka?" Napahalakhak ako sa sagot niya na sinundan niya rin ng pagtawa. "Anyway, Do you remember when you asked me if I heard some rumors about your girlfriend?"

Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya at nanatili na lang sa pakikinig sa susunod niyang sasabihin.

"There's actually one. I heard it from Isabella from the Archi Department."

"Isabella?" nagtatakang tanong ko.

"The one I hooked up with Enzo's party. Did you forget?" Napailing na lang ako dahil hindi ko naman kilala ang mga babaeng kasama niya.

"I don't know her. Just get to the point, Ben."

"Well, Isabella told me that your girlfriend is hanging out with guys and eventually take them to her house."

"And you believe that?" I scoffed and shook my head in dismay.

"What? I didn't say anything."

"But your face tells me otherwise." I heard him sighed as he slowed his pace.

"Well, I know you're really in good terms with her, Gray, but you just met her! And it's not even a month since you started hanging out with her!" Napahinto ako kaya maging siya ay napatigil din.

"What are you trying to say? That she's a whore?"

"No! Of course not!" He exclaimed and sighed in frustration. "I'm just saying... You don't know her that much."

"Yes, I don't know her that much and so do you. That doesn't mean we can already jump into conclusions."

Napakamot siya sa batok habang lumalapit sa akin.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now