LMI# 17: THE VISIT

73 4 0
                                    

Note: Typographical and grammatical errors, as well as a lot of cursing and swearing ahead.

Love Me Instead

Chapter 17: The Visit

Grayson


"ASSUMING THAT the ratio would be three is to five, then the answer would be..." Nakatingin ako sa professor namin sa harap na busy sa pagsusulat sa white board habang tila tagusan na lang sa magkabilang tenga ko ang mga sinasabi niya. "...this. Do you understand?"

"No," mahinang bulong ko at dahan-dahang napatungo sa desk at napapikit.

"Psst," rinig kong bulong ni Ben sa tabi ko habang pasimple akong sinusundot ng ballpen sa tagiliran. "Nakatingin si prof sa'yo, gag*. Iangat mo na 'yang ulo mo."

"Aling ulo ba ang tinutukoy mo?" nababagot na tanong ko.

Natigilan siya at rinig ko ang pagpigil niya ng tawa.

"T*ngina, lakas mo, bro. Sabog ka ba? Iba rin! Ewan ko na lang kung makapagbiro ka pa kapag lumapit na si— Oh, shit."

"Are you sleeping in my class, mister?" Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon sa tabi ko.

Anak ng tupa. Akala ko nagbibiro lang si Ben, totoo pala talagang yari ako.

"No, sir. Nahulog kasi 'yong ball pen sa sahig kaya pinulot ko lang," sagot ko bago yumuko pa nang mas mababa at pasikretong kinalabit si Ben sa binti niya.

Like the cool best friend that he always were, he secretly dropped his pen which I quickly took before it reaches the ground.

Ipinakita ko sa professor 'yong ballpen na hawak ko at nakangiting ibinalik ang tingin sa harapan.

Hindi naman na siya nagtanong pa at pinaningkitan lang ako ng tingin bago naglakad pabalik sa white board.

I sighed in relief and gave the pen back to Ben.

"You owe me one, assh*le," natatawang bulong ni Ben.

"Thanks for nothing, man," natatawang sagot ko pabalik at sinubukan na lang magfocus sa lecture ng guro sa harapan na hindi ko naman magawa




"BAKIT BA parang distracted ka sa klase kanina? May nangyari ba?"

Nasa cafeteria kami ni Ben ngayon. Lunch time na kaya parehas kaming may hawak na tray na naglalaman ng pagkain ngayon habang patungo sa usual spot namin.

"Nah."

Agad kong inilibot ang mata sa loob ng cafeteria nang makaupo kami. Para kasing may kulang, eh. Hindi ko lang masabi kung sin— este ano.

"Teka, si girlfriend ba 'yon? May kasamang lalaki, bro. Gwapo..."

"Sa'n?"

"Ayon, oh." Ako namang si uto-uto, napatingin nga sa likod ko.

Mariin akong napapikit ng mata, pinipigilan ang inis habang dahan-dahang lumingon pabalik kay Ben. Paano kasi, wala naman si pandak doon.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now