LMI# 19: THE PRIZE

76 4 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 19: The Prize

Grayson

"GRAY, ANAK, tumayo ka na diyan at maligo. Kapag nakita ka ng mama mo na natutulog dito sa sala, tiyak na magagalit iyon sa'yo."

Humikab muna ako bago niyakap si Nanay Alma na abala sa pagwawalis ng sahig.

"Good morning, Nay Alma!"

Tumango lamang ito at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Nagtungo ako sa kwarto para maligo at magbihis. Mukhang mapapa-aga yata ang pasok ko ngayon, ah?

I checked my phone for some messages but my inbox remained the same. No new messages received and it made me worried once again.

I hurriedly took my car keys and slid it into my pocket. Getting to school early might help me know if she's in a good state.

Palabas na sana ako ng bahay nang maabutan ko si mama sa dining area. Abala siya sa pagpapakain kay Gelo na papasok din sa school ng maaga.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang pintuan, kunwari'y hindi napansin si mama.

"Gray, get your ass back here and sit with us." Napapikit ako at nakangiting hinarap si mama.

"Nandiyan pala kayo ni Gelo, Mama. Hindi ko kaya napansin." Mom looked at me as if she's asking me if I'm serious before telling me to sit down. "Nasaan pala si Vien, Ma? Tulog mantika pa rin ba?" I asked, trying to divert the topic somehow.

Sorry, little sis. I need to divert Mom's anger to you for a bit. I badly need rest.

"Right, I've been too easy with that lady these days. Nanay, paki-tingin muna si Gelo at aakyat lang ako sandali."

Nang tumalikod si mama at tuluyang umakyat upang puntahan si Vienne, agad akong kumindat kay Nanay Alma at nagmadaling umalis. Nakita kong napailing na lamang siya sa akin at napangiti.

Nagtungo ako sa garahe at agad na pinatakbo ang sasakyan patungong University.

Pagkasara ko pa lamang ng pinto ng kotse ko ay bumungad agad ang kotse ni Ben na ngayon ay ipinarada niya sa tabi.

"Ang aga mo ngayon, ah? Bagong buhay na ba?" pang-aasar niya.

I lifted my middle finger and casually walked pass by him. He hurriedly went out of his car and followed me.

"Eh, ikaw? Bakit ang aga mo yata pumasok?" tanong ko nang makalapit siya.

"What? This is actually the usual time I go to school. You probably never know that since you're always a latecomer."

I just shrugged my shoulders and walked through the corridors. I'm going to get something on my locker before my first class starts.

"Gray," he whispered while I'm unlocking my locker.

"What— What the f*ck?!" angil ko nang sumabog ang mga papel na nasa loob ng locker ko.

Nahulog ang mga ito sa sahig kaya inis akong napabuntong-hininga. It's only been a week since I last visited my locker and seeing a bulk of letters in it didn't put me in a better mood.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now