LMI# 16: THE DANCE

80 3 1
                                    

LOVE ME INSTEAD

Chapter 16: The Dance

Grayson

"LATE KA na, bro. Sinabi ko naman sa'yo, 'wag ka nang pumupunta sa gay bar tuwing gabi. Tingnan mo, late ka na tuloy gumising. 'Wag ka na lang pumasok," tatawa-tawang sagot ni Ben sa kabilang linya.

"Ah, talaga ba? Humanap ka ng matinong kausap mo," sarkastikong sagot ko bago pinatay ang tawag.

Sumakay na ako sa kotse at agad na isinara 'yung pinto nito. I fixed my hair on the rear view mirror before starting the car engine.

Nagdrive ako papunta ng University kahit ten minutes na akong late. Better be late than absent.

Nagring muli ang cellphone ko kaya napabuntong hininga na lang ako. Si Ben na naman siguro iyan.

"What the h*ck, bro?! I'm driving! Maghanap ka nga ng ibang pagti-tripan mo at lagi na lang ako ang puntirya mo. Mamaya ka sa'kin." I hung up the call and fixed my eyes on the road.

Nang makapasok na ako sa University, pinark ko 'yong kotse at napatingin muli sa salamin para ayusin ang buhok ko. Nagvibrate ang phone ko kaya napatingin ako doon.

From: Pandak

Did you just cursed at me?!

My brows furrowed as I slowly started to realize who I talked to earlier. Anak ng tupa, si pandak pala 'yong tumawag sa'kin kanina.

I went out of the car and made sure to lock it. I dialed her number and closed my eyes as I put my phone on my ear.

"Walang hiya ka, minura mo ako!"

I chuckled and start walking inside the building.

"Sorry. I thought you were Ben. "

"Dapat kasi tinitingnan mo muna kung sino 'yong tumatawag bago ka magsalita diyan."

"Yes, mom. Will do..."

"Hoy, tumigil ka! Anong mom ka diyan? Upakan kaya kita?"

I bit my lower lip to prevent myself from smiling.

"Oy, Gray!" Nabura ang ngiti ko nang makita si Drake na papalapit sa gawi ko.

Panandalian kong inilayo ang phone mula sa tenga at nagtatakang napatingin sa kanya.

"What are you doing outside? Wala ka bang klase?"

"Meron. Pumunta lang ako ng C.R. sandali." Napakunot ang noo ko nang makitang may hawak siyang pagkain na malamang ay binili niya sa cafeteria. "Tapos dumaan na rin ako sa cafeteria pagkatapos. Anong mali doon?"

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now