LMI# 4: THE STARTING POINT

183 8 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 4: The Starting point

Grayson

"BAKIT ba gustong-gusto mong magstargazing dito? Pwede mo namang gawin 'yun sa bahay niyo, ah?"

"Paki mo ba?" mataray na tanong niya.

Sungit naman nito. Nagtatanong lang, eh.

Nakaupo kami ngayon sa damuhan. Dinala ko na lang siya sa lugar kung saan kaming pamilya madalas magpicnic. Ito rin kasi ang isa sa mga paborito kong lugar at madalas kong puntahan. Naaalala ko ang mga masasayang alaala ko rito n'ong bata pa lang ako.

Madilim na ang paligid at tanging 'yung buwan na lang ang nagsisilbing liwanag sa amin.

Pasimple akong tumingin sa gawi niya. Nakatingala lang siya sa mga bituin habang nakangiti. Mukha siyang mabait at hindi makabasag pinggan kapag nakangiti. Malayong-malayo sa tunay na ugali niya.

"Bakit ka tumatawa mag-isa diyan? Lumuwag na ba 'yung turnilyo diyan sa utak mo?!"

See what I mean?

"Paki mo ba?" pang-gagaya ko sa kanya na iniripan niya lang bilang tugon.

Napatingin na lang ako ulit sa mga bituin. Wala nang nagsalita sa aming dalawa matapos n'on. Maliban na lang sa ingay ng mga kuliglig. Anak ng kuliglig naman. Nakakakilabot 'yung mga tunog nila!

"Uyy, may shooting star! Magwish ka dali!" sigaw nitong nasa tabi ko.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong shooting star? Kanina pa ako nakatingin sa taas pero wala naman akong nakitang shooting star na dumaan.

"Wala naman eh."

"Meron nga! Nakita ko eh! Magwish ka na, dali!"

"Wala naman akong nakita eh."

"Meron nga. Mabilis lang 'yun kaya hindi mo nakita. Nalingat ka lang. Duling ka kasi!"

Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Anak ng...

Nasabihan pa tuloy akong duling?! Pambihira naman, oo!

"Oo na, heto na! Magwiwish na. Anak ng pating naman, oh!"

Aburidong ipinikit ko ang mata habang pasimpleng nagwiwish. Napabuntong na lang ako ng hininga.

I wish to become a well known and successful basketball player someday.

Napangiti ako sa wish ko. Taena. Ang ewan ko!

"Anong wish mo?" tanong niya kaya agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya.

Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya wish ko. Baka pagtawanan pa ako nito at sabihing pambata 'yung wish ko.

"Bakit ko sasabihin sa'yo? E 'di hindi matutupad 'yun!"

Pinaningkitan lang niya ako ng tingin bago niya ibinalik ang tingin sa kalangitan.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now